CHAPTER 8: Comforting Her

110 23 0
                                    

WARLOCK'S POV

"Erin, sa bahay ka na matulog," aya ko rito habang abala kami sa paglantak sa inihanda niyang hapunan.

"Kasama ka? 'Wag nalang, mamamatay muna ako," sagot nito kaya naman nasamid ako.

Inabot ko ang tubig ko at uminom roon. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago siya tinignan. "Hoy, ang arte-arte mo ah. Para namang interesado ako sa pangit na gaya mo. Isa pa, binisita ako ng girlfriend ko kanina," turan ko at ipinagpatuloy ang pagsubo ko.

"Ano namang pakialam ko? Wala akong tiwala sa'yo kaya hindi ako matutulog sa iisang kwarto kasama ka."

Nagsimula nanaman kaming magtalo, pero sa huli ay napilitan itong umoo, ngunit gusto niyang isama ang pusa niyang si Sammy na hindi ko na tinanggihan.

Inubos na namin ang pagkain at hinugasan niya na ang mga nagamit namin, habang ako naman ay abala sa pakikipaglaro sa pusa. Napakalambot ng balahibo nito na masarap yakapin. Isa pa ay nabanggo rin ito, kaamoy ni Erin.

"Lalaking may saltik, tara na sa bahay mo," sigang pagtatawag sa akin ni Erin kaya naman binuhat ko na ang pusa sabay pinatay ang ilaw. Lumipat na kami sa bahay ko at dumiretso sa sala.

"Diyan ka muna, magsi-cr lang ako. Pakiramdam ko may inilagay ka sa pagkain ko," pamamaalam ko at inilipat sa kaniya si Sammy.

Naupo na ito sa sofa at binuksan ang TV habang ako naman ay nagtungo na sa cr. Ilang minuto palang ang nakalilipas ay bigla nalang pumasok si Sammy sa loob ng cr. Pinanood ko ito, hanggang sa bigla nalang itong nagtungo sa ibabaw ng hita ko. Nahiga siya roon hanggang sa makatulog siya kaya naman ngumiwi ako.

"ERIN!"

"Ano nanaman? Kailangan bang ako rin ang maglinis ng pwet mo?!" inis nitong sigaw pabalik sa akin.

"Your cat hopped on my lap and fell asleep. I'm trapped on the toilet," sagot ko habang pinagmamasdan si Sammy na payapang natutulog sa ibabaw ng hita ko.

Nakita kong umuwang ang kaunti ang pinto kaya napasinghap ako.

"Ah 'wag na. Parang awa mo na 'wag kang papasok. Hindi ko pa suot ang shorts ko," hayag ko kaya naman sumarado ang pinto.

"E anong gagawin ko? Grabe! Abot pa rito ang baho ng tae mo."

Tumingin ako sa paligid pero wala akong makita na kung ano kaya naman bumuntong-hininga ako. Wala na akong ibang pamimilian.

Maingat kong binuhat si Sammy at inilapag ito sa malamig na sahig. Mabilisan kong nilinisan ang sarili ko at isinuot na ang shorts ko.

"Mag flush ka!" sigaw ni Erin mula sa kabila, kaya naman suminghap ako at napilitang mag-flush, na hindi ko naman gawain.

Binuhat ko na si Sammy at isinayaw-sayaw ito. Binuksan ko ang pinto at hinila iyon pero bigla nalang natumba sa akin sa Erin.

"Aish, umalis ka nga riyan."

Tinapal ko ang kaniyang mukha at naglakad paalis habang pinapatulog si Sammy.

"Kadiri! Hindi ka pa naglagay ng alcohol sa kamay mo! Argh yucks!" reklamo nito at pumasok sa loob ng banyo.

Nahiga ako sa sofa. Nakatuon ang mga mata ko sa telebisyon habang maingat na hinahaplos ang balahibo ni Sammy, hanggang sa maging ako ay makaramdam narin ng antok.

Nagising ako nang maramdamang may mahinang umaalog ng katawan ko.

"Warlock, pumunta ka na sa kwarto at doon matulog," bulong ni Erin.

Tumango ako at kinusot ang aking mata. Muli kong binuhat si Sammy at nagtungo na sa kwarto. Nahiga ako sa ibabaw ng kama ni Tielo at napahikab.

"Erin, dito ka na matulog," aya ko at umusog upang may mahigaan ito.

WarlockWhere stories live. Discover now