"Louie, ikaw na muna ang bahala rito, ha?" sabi ko sa isa sa mga tauhan ko while taking off my apron. Medyo nabigla ito. Kasi it was Valentine's Day at kapag ganoon ang okasyon ang dami talagang nagde-date sa shop namin.

"Sir, medyo short tayo ng staff today," paalala nito sa akin. Ang isa namin kasing server ay nag-leave para mai-celebrate ang araw ng mga puso kasama ang girlfriend of two years.

"Babalik din ako agad. Promise iyan."

Dahan-dahang ngumiti ang Louie. Nanudyo pa. "Sir, ha? Nagkabalikan ba kayo ni Ma'am Lindsey? Akala ko ho ba ayaw n'yo na do'n?"

"Stop being nosy, okay?"

Dumaan muna ako sa isang flower shop para kahit papaano ay may dala naman akong bulaklak. May ilan na ring lalaking estudyante mula sa iba't ibang unibersidad sa university belt ang nandoon at bumibili rin ng bouquet of flowers. Dahil kilala na ako ng tindera, napatili ito nang mapadaan ako roon. Kinilig pa ito. Ang swerte raw ng bibilhan ko ng bulaklak. Napatingin ang dalawang college girls na tumitingin-tingin din sa mga panindang bouquet. They giggled subtly while glancing in my directions. Nag-wonder ako kung ano ang ginagawa nila roon. Kasi sila lang ang babae sa mga pumipila. After I got my flowers, I put on my sunglasses and walk towards Morayta. Sa bawat daraanan kong grupo ng mga girls, maraming nagpaparining.

"Kuya, sa akin ba iyan? Thank you! I love you, too, po!"

I would pretend I didn't hear them. Then, they would say something like, "Gwapo sana kaso bingi! Hay naku! Sayang!"

Nang lingunin ko ang isang grupo na nagparinig sa akin at ngitian nagtilian sila, lalo na ang mga bading. Pinagalitan sila ng matandang ale na kasalubong nila na nagulat sa bigla nilang pagsigaw. Nag-sorry lang ang mga ito at nagharutan na. I felt good making them feel that way.

**********

Shane Andrea Juarez

"Nakikita mo ba ang nakikita ko?" sabi ng isang kabarkada ni Vivi. "Kawawa siya, right? She didn't know her boyfriend is with someone else now."

"Teka. Sila ba talaga in the first place? Ang dinig ko'y hindi naman. Feeling lang niya sila," sagot ni Vivi sabay hagalpak ng tawa.

Napalinga-linga ako sa paligid. Ako na lang ang naglalakad sa harapan ng Admin Building. Ramdam kong ako ang pinaparinggan ng grupo. I pretended I did not hear them. Pero naroroon ang kaba. Hindi open knowledge ang na-discover ko kay Thijs. Kahit nga sina Eula, Keri, at Felina ay hindi convinced na totoo ang kutob ko sa boyfriend ko. Ang tingin nila nanlamig lang ito sa akin. That's all. Lagi naman daw kasi nilang nakikita ang hinayupak na natingin sa maganda at seksing babae. Baka raw may iba na. Pero hindi guy.

I have to admit, mas prefer ko pang i-tsismis si Thijs na mayroong ibang babae kaysa masabihan na nanlalaki ito kaya nanlamig na sa akin. Mas masakit iyong huli. Palagay ko kapag iyon ang iparinig sa akin ng dalawang ito, masasapak ko talaga. Hindi ko pa kayang tanggapin sa madlang pipol na ang kauna-unahang lalaking nagpatibok nang husto sa puso ko ay pusong babae rin at pareho kami ng hanap.

"Hey. That's the girl," bulong kunwari ni Vivi sa dumaang nursing student. Pero alam kong pinaparinig sa akin iyon. Napasunod din tuloy ang mga mata ko sa maganda at seksing babaeng nadaan. Nangunot nang bahagya ang noo ko. Ano'ng konek no'n?

"Iyan ang new girl? Not surprised!" nakangising sabi ng kaibigan ni Vivi. "Ampanget naman kasi ng isang iyon, eh." Tapos sumulyap ito sa direksiyon ko at binigyan ako ng hair flip.

Hindi na ako nakatiis. Nilapitan ko sila at kinompronta.

"Who are you?" malditang tanong sa akin ni Vivi. Nakahalukipkip siya sa harapan ko. Her friend did the same.

"Kanina pa kayo nagpaparinig sa akin. Harapin n'yo nga ako. Ako ba talaga ang gusto n'yong paringgan? Gusto n'yo bang sabihing may iba nang girlfriend si Thijs?"

"Duh! Eavesdropper!" maarte nilang sabi. Sabay pa.

I smirked at them. "I just want to set the record straight. Totoo ngang wala na kami ni Thijs. But then, it wasn't because of that girl." Inginuso ko ang nursing student na naglalakad papasok ng Admissions Building. "Nangtsitsismis na rin lang kayo, ayus-ayusin n'yo!"

"Kitam? Eh di naghiwalay din kayo ni Thijs? I knew it! Mauumpog din si Thijs." At tumawa na rito nang walang preno ang dalawang mahadera. "Hindi mo kasi nabilhan ng durable na helmet eh. Hayan tuloy, na-realize niya agad kung ano ang na-miss niya for having you! Alis nga sa daraanan namin! Panget!" At nagtawanan na naman sila.

Nagulat ako sa tinawag sa akin ni Vivi. I haven't heard someone called me 'panget'. I may not be as drop-dead gorgeous as Eula and Keri, pero alam kong may hitsura rin ako. Katunayan, maraming nagsasabing ang cute ng tsinita kong eyes at sarap kurutin ng dimples ko. Ano'ng pinagsasabi ng dalawang tiyanak na ito? Akala mo kung sino makapagsalita. Kay liliit naman.

"Para sa matangkad lang nang kaunti sa duwende, napakalaitera ninyong dalawa! Tsk, tsk. Is that a projection? Ganyan ang feeling n'yo sa mga sarili n'yo, ano?"

Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Vivi. Her friend also looked angry. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"FYI, Thijs did not dump me. I dumped him---for someone else," sabi ko pa.

Nang marinig ko ang mga sinabi, medyo natigilan ako. Shit! Napasabi pa ako ng kasinungalingan sa dalawang bulinggit na ito. Kainis!

"Yeah! Dream on!" sigaw nilang dalawa.

Hindi ko na sila pinansin pa. Naglakad ako papunta sa gate. Kaysa magpatuloy sa pakikipag-usap sa dalawang wala nang ginawa kundi manlait sa aming dalawa ni Felina ever since, minabuti ko na lang na umalis na lang sa harapan nila. Uuwi na lang ako kaysa manatili pa sa university na nagpapaalala lang sa aking wala akong ka-Valentine's.

"Bitch! Kaya ka iniwan ni Thijs dahil boring ka raw! Ampanget mo pa! At wala nang papatol sa iyong lalaki ever dahil super panget mo!" hirit pa ng dalawa kahit hindi ko na pinapansin. Napatingin tuloy ang guwardiya sa kanila. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa amin. Hindi ako umimik. Sobra na kasi silang balahura. Not fit for college students.

Ang akala ko'y tatantanan na nila ako dahil lumabas na ako ng campus, pero sinundan pa rin nila ako at patuloy na kinukutya. Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko sa kanila at ganito na lang ang galit nila. Naisip ko na lang na baka they also have a crush on Thijs. Sorry na lang sila dahil hindi babae ang hanap ng hinayupak na iyon.

"Panget!" naririnig ko pa ring sigaw ng mga bitches sa akin. Tiniis ko iyon. I controlled my anger.

No'n naman biglang sumulpot si Micah. May dala-dala itong bouquet ng red roses. He removed his sunglasses and put it above his head. Napasinghap ako nang magtama ang aming paningin. Marahil dala na rin ng iniindang sakit dahil sa pang-iinsulto ng dalawang laitera, umiba ang tingin ko kay Micah nang mga sandaling iyon. Dati na siyang guwapo, pero lalo siyang pumogi nang mga oras na iyon. Katunayan, hindi lang ako ang napanganga habang nakatitig sa kanya. Lahat halos ng nandoon sa harapan ng FEU.

Then he gave me the flowers. Lalo akong natulala.

"For a very special person. I hope this will somehow make you feel better."

I accepted his flowers absent-mindedly. Grabe ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Gusto kong humagulgol. Sobrang timing lang kasi ng dating niya. I felt guilty for telling a lie to the two bitches behind me, pero naging mabait pa rin ang Diyos sa akin. Nakiayon ang tadhana para hindi ako mapahiya sa dalawang nanghihiya sa akin sa harapan ng school namin. Lahat ng mga nadaraang estudyante roon ay tila kinilig sa ginawang gesture ni Micah. May napa-eeeeeehhh.

Nag-init naman ang mukha ko. At hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi.

Micah grabbed me by the shoulders and hugged me tightly. I felt his warm breath on my head. Hindi naman pala naging malamig ang Valentine's Day ko. At least kahit papaano, kahit hindi naman talaga romantically, somebody made me feel special.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя