"So, what's the plan?" Tanong ni Genevive kay Jonas.

"Master will tell us." Inilapag niya ang chalk sa desk na nasa tabi niya. "This is the whole map of Calliope, memorize it."

(Hannah's POV)

Oh no.

"Umalis na tayo rito." Sabi ko kay Zed.

We're not in status to fight again. Lalo na't kailangan naming protektahan muna si Samara.

"Pa..." Narinig kong bumulong si Samara habang nakahiga sa paanan ko.

Napatingin ako sakaniya.

She's looking at the man in front of the house na nasa harapan naming ngayon.

Napansin ko rin ang nakasaradong tindahan na may karatulang 'Samara's Bakery'

"Papa." I heard her whisper clearly this time and a future vision popped.

He... h-he.... h-he is Samara's father.

Samara and the magnux in our last mission is the same person.

Gumawa ng isang malaking fireball ang lalaking yun at agad ibinato papunta saamin.

Zed immediately go in front of us he guarded us with his arm crossed and wide feet stance.

Mabilis na tumama sa kaniya ang apoy at agad niya din naman iyong hinawi papunta sa magkabilang gilid as he extended his elbows and shoulders.

Zed might be scarless; someone who can't create and manipulate fire, but he can guard offensive fires from other fire mage. The only thing that makes him a Pyramaean.

Napansin kong ikinagulat ng lalaki ang nangyari, pero ilang sandali pa mas malaking magic circle ang nabuo sa harapan niya.

"Zed buhatin mo si Samara." Utos ko kay Zed.

He looked at me hesitantly, but that changed immediately when he saw my eyes. "Alright." 

He carried Samara at naglakad ako paharap. "Sumunod ka saakin."

Samara's father made three fireballs.

Pero agad iyong nawala, dahil nakita niya ang magic circle na ginawa ko.

"Your clarity?" He greeted interrogatively.

He is a Pyramaean, and I'm Constelestian. He will definitely look up to me, yet the situation is really complicated.

Nagsalubong ang kilay niya ng mapansing niyang lumalapit kami sa direksyon niya, pero agad din yung nawala ng marinig niya ang boses ni Samara.

"P-papa----"

(POV ng Gwapong Author)

"Sa tingin mo ba tama ang naging desisyon natin?" Nag-aalalang tanong ni Zhamira sa kaniyang asawa.

Ngumiti si Bonroi sa kaniya, saka siya nit niyakap. "Matagal na nating gusto ng anak, 'di ba?"

Sabay silang tumingin sa sanggol na nakahiga sa bagong bili nilang kuna.

Huminga ng malalim si Zhamira at mabagal na yumuko. "Hindi lang ako sigurado kung tama ba na pumyag tayo na ampunin ang sangol, lalo na't hindi naman natin ganong kilala ang witch na nagbigay sakaniya."

Iniharap ni Bonroi ang mukha niya sa kaniya, saka ngumiti. "Hindi mo ba naalala ang bilin satin ni Captain Snowman?"

Ngumiti si Zhamira at sabay nilang sinabi ang bilin sa kanila ng kanilang tataytatayan. "Lahat nang mga desisyon, ay may regalo at leksyon."

"Kung hindi man maganda ang mangyayari, may matututunan naman tayo eh." Sabi ni Bonroi saka huminga ng malalim. Natahimik siya ng ilang sandali, bago muling nagsalita. "Basta ako sigurado akong isa siyang napakagandang regalo."

"Ako rin." Isinandal ni Zhamira ang ulo niya sa dibdib ni Bonroi. "Ituturing natin siya bilang tunay nating anak ."

Umiyak ang sanggol at agad na nagkumarat si Zhamira sa kuna at binuhat ang sanggol, habang si Bonroi naman ay nagtimpla ng gatas.

Maya maya pa ay tumahimik na ang sanggol na buhat ni Zhamira.

Niyakap siya ni Bonroi mula sa likuran at ipinatong ang baba niya sa balikat ng asawa.

Nanatili silang ganoon habang humihimig si Zhamira at inuugoy ang sangol na hawak niya.

(Makalipas ang ilang araw)

"Aaaaahh!" Malakas na tili ni Zhamira ng makita ang isang maliit na daga sa kuna ng anak niya. "Bonrrrrooooiii!!!!"

Nagmamadaling umakyat ng hagdan si Bonroi. "Ano yun?" Nag-aalalang tanong niya.

"M-may daga!" Nanginginig siyang tinuro ang maliit na daga na nasa tiyanan ng natutulog na sanggol.

Kinuha ni Bonroi ang walis sa gilid ng pinto, bago lumapit kay Zhamira. "Nasaan?" Tanong niya.

Agad na yumakap si Zhamira sa likod niya.

Nang makita ni Bonroi ang daga ay tila naguluhan siya. Paano ba naman ay tila nahihimbing sa tulog ang dagang iyon.

"Bakit di mo pa inaalis!" Sabi ni Zhamira.

"Hindi mo ba napapansin na parang natutulog siya?"

"Anu naman?" Naiiritang sabi niya. "Dalian mo at baka..." Natigilan siya nang tumagilid si Samara at niyakap ang maliit na daga.

Nagkatinginan silang mag-asawa. Naghintayan sila sa pagngiti, saka agad na nagyakap. Hinalikan ni Bonroi ang noo ni Zhamira. "Nakapili na ng Familiar ang anak natin." Masayang wika ni Bonroi.

Naging tahimik at masaya ang pamumuhay nila sa mundo ng mga tao. Sinanay na rin nilang mabuhay ng walang mahika. Nagkaroon ng ilang problema ngunit agad din naman nila iyong nasusulusyonan. Nagtayo sila ng isang panaderya nang sa gayon ay hindi na kakaylanganin pang umalis ni Bonroi upang magtrabaho. Sama-sama sila sa lahat ng sitwasyon.

Ngunit may isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

Wiz'nth UniversityWhere stories live. Discover now