CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2

Start from the beginning
                                    

"Thrriaaaaaaannneeee!!!Waaaaahhh!!!"

"Psh"

Napaigtad ako ng yakapin nya ako ng mahigpit. Napapahiya akong tumingin sa baba.

"A-anong ginagawa mo dito? Nandoon sila Airon ah"

"Masaya lang akoooo Thriannne!! Ang galing mo kanina ah!!"
"Alam ko" mayabang kong sabi. Tumawa na lang din sya.

"A-Ay sya nga pala, nakita mo sina Rin at Mitch?! Hindi ko alam na special guest silang dalawa ano?! Grabe ang gwapo lalo ni Rin!"

"Oo nga eh" nakangising sabi ko.

"Uyyy! Miss mo sya ano?"

"Hmm" nagkibit balikat ako.

Siniringan nya ako, " naks ang yabang mo! Alam mo bang nagulat yung apat na kumag na iyon at yung sarkastikadang si Alomira! Hindi nila inaasahan na ikaw ang vocalist!"

Ngumisi ako,"Tch"

"Tapos ang sabi pa ang galing galing mo daw! Yung itsura ni Hades teh! Nakanganga habang pinanonood ka!At ito pa! Hindi lang sya nanonood sayo! Kundi nakikinig pa at nakikijamming sayo! Bwahahahahahahaahahahahah!!!"
Natawa ako sa sinabi ni Orange, nakita ko nga ang reaksyon ni Hades habang nagpeperform kami. Hindi siguro inaasahan ang ganoong pasabog na ginawa namin. Pero dahil wala na akong pakialam ay iiling iling akong pinagmasdan si Orange.

"Ang ganda mo ngayon ah"

"Hindi ah! Ampangit ko, hahhahahaha!!!"

"Tch, si Allison ba nag-ayos sayo?"

"Oo heheheh! Ang galing diba! Ultimong kahit mukhang panda ay napaganda at napuri ni Kilein hahahahahaha!!"

"Siraulo....maganda ka naman talaga eh, wala ka lang tiwala sa sarili mo"

Binigyan nya ako ng nanunuksong tingin, "inspired ka ba? Mukhang masaya ka ah! Yieee! Nandito kasi si Rin eh!"

"Manahimik ka nga"

Napanugso sya at nagsasalita na naman, "Pero alam mo, kanina parang may tension sa kanila ni Allison"

"Sino?" walang ganang tanong ko.

"Sino pa! E di si Timrelli! Naku ito naman kasing si Adrian lumalapit-lapit pa eh alam nang may jowa ang Allison natin! Alam mo naman na yung isang yon eh seryoso sa lahat ng bagay! Kinabahan ako, baka seryosohin din nya yung-" pinigilan ko na syang magsalita. Para talagang armalite ang bunganga ng babaeng ito.

"Hindi ganoon si Adrian, hindi naman sya basta-basta lumalapit kung wala syang kailangan sa babae"

"Kunsabagay"

"Teka, dapat hindi ka umaalis sa pwesto nila, baka mamaya mapaano ka"

"Eh ano kase-"

"Baklaaaaaaa!!!" rinig kong sigaw ni Pringles. Hindi ko sya nakita kanina ah. "ang bampirang si Thrianne Kilein! Isa palang bokalista! At ang taray pang-international pa ang mga kinanta mo!"

Naiilang akong nangiti, "S-Salamat"

Saka sya bumaling kay Orange, "Ang Rangovine naku! Mala-Shancai ang beauty ngayon! Hindi ka na mukhang black lady teh!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now