chapter 3

21.6K 342 39
                                    

Kung kanina habang nasa malayo sina Sir Kiro at Sir Kenzo ay panay ang malalakas na tili nitong mga nasa malapit sa'min, ngayon ay biglang tumahimik ang paligid na para bang pati paghinga ay pigil-pigil ng mga katabi namin ni Julienne.

Dinig na dinig ko tuloy ang biglang pagtambol ng puso ko.

Sus Ginoo!

Kinabahan ba ako? Bakit?

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magsalubong ang mga titig namin ni Sir Kenzo.

Kung wala lang sila ni Sir Kiro sa harapan namin mismo ni Julienne ay siguro kanina ko pa sinapo ang dibdib ko dahil parang lalabas yata ang puso ko sa nerbiyus.

"Ang galing-galing ni'yo po talaga Kuya Kiro!"

Nababaghan akong napatitig kay Julienne na nasobrahan sa bitamina noong bata pa kaya masyadong bibo.

Napansin ko kasi, kanina Sir siya nang Sir pero ngayong nasa harapan na namin iyong mga amo namin ay Kuya na ang tawag niya.

Magiliw na ngumiti sa kanya si Sir Kiro at ginulo ang buhok niya at kasabay niyon ay mga nangangarap na pagbuga ng hangin ng ibang mga katabi ko.

"Kaya siguro kami nanalo dahil sa malakas mong pag-cheer." Ang ganda talaga ng ngiti nitong si Sir Kiro.

Siguro kung katulad lang sana niya itong kakambal niya ay tiyak hindi ito nakakaasiwang titigan- teka, hindi naman ako tumitig sa kanya pero naaasiwa talaga ako dahil siya itong tingin nang tingin eh!

"Ito po talagang si Kikay ang nag-apurang pumunta dito!" Awang ang panga at nanlaki ang mga matang gilalas akong napatitig kay Julienne dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. At tinawag niya pa talaga akong Kikay!!! Sa mismong harap nina Sir Kiro at Sir Kenzo!!
"Pinilit niya po talaga akong pumunta rito nang maikwento ko sa kanya na maglalaro kayo ngayon ni Kuya Kenzo!"

Ang anak ng tikbalang na sinungaling na ito!!!!

Mabilis akong napabaling kay Sir Kiro nang marinig ko ang mahina nitong tawa habang nakatutok sa'kin ang nagningning nitong mga mata na nangingislap dahil sa pagkaaliw.

Saan siya naaliw , sa pangalan ko o sa pinagsasabing kasinungalingan nitong vabaeng kasama ko?

"Teka- hind-"

"Kikay, dalhin mo nga 'to pauwi."

Naputol ang pagpapaliwanag ko sana dahil tumakip sa mukha ko ang isang tuwalya na bigla na lang inihagis ni Sir Kenzo sa dereksiyon ko.

Tama ba namang tawagin akong Kikay? At ang lakas pa ng boses niya!!

Nang matanggal ko ang towel sa mukha ko ay ang papalayong likod na lamang Sir Kenzo ang naabutan ko.

"Pagpasensiyahan mo na si Kenzo, asar talo kasi iyon."

Napakurap-kurap ako dahil sa biglang pagdukwang ni Sir Kiro sa mukha ko.

Di ko alam kung alin ang una kong papansinin, ang makinis niyang mukha at asul niyang mga mata o ang mabango niyang hininga na tumams sa mukha ko habang nagsasalita siya?

Isang magaang tapik ng hintuturo niya sa dulo ng ilong ko ang iniwan ni Sir Kiro bago ito patakbong humabol sa papalayong si Sir Kenzo.

Hindi pa man ako nakahuma sa pagkagulat sa mga pangyayari ay biglang pinag-agawan ng mga katabi ko iyong tuwalyang hawak ko.

Dahil wala pa ako sa huwesyo ay mabilis nila itong naagaw sa'kin at pinagkaguluhang amuy-amoyin.

"Oh my gosh! Amoy- Kenzo!"

"Ang bango ng pawis!!"

"Sarap nito itabi sa pagtulog!"

"Amoy na amoy ko ang kagwapuhan niya dito!"

Kikay for the Twins (SPG)Where stories live. Discover now