chapter 1

50.2K 502 103
                                    


KIKAY'S POV

"Mga sukiiiiiii, bili na kayo ng mainit na pandesal na masarap ipares sa mainit na kape!!!!"

Bumulabog sa barangay namin at sa mga kapitbahay ko ang matinis kong boses habang bitbit ang lalagyan ng nilalakong pandesal.

Araw-araw kong ginagawa itong paglalako ng pandesal na inangkat ko pa sa isang maliit na bakery sa lungsod namin.

"Kikay, pabili biente," tawag sa'kin ng suki kong si Mang Tonyo.

"Mang Tonyo naman, ilang ulit ko bang sabihin sa inyo na Kaye ang pangalan ko." Kausap ko dito habang binabalutan siya ng pandesal.

"Pangalan mo pa rin naman iyang Kikay ah," giit nitong saad.

"Ang sakit po sa tainga niyan Mang Tonyo," nakangiwi kong sagot.

"Ang ganda kaya ng Kikay."

Isang tabinging ngiti ang ibinigay ko sa kanya kasabay nang pag-abot ko ng pandesal sa kanya.

Maganda ba ang tunog "manyanggay"? (manananggal)

"Para po sa inyo maganda iyan kasi noong kapanahonan ninyo nauso ang pangalang iyan." Nang maiabot ko sa kanya ang sukli sa singkwenta niya ay hindi ko na siya hinintay pang sumagot.

Kilala ko si Mang Tonyo, tiyak aabutin kami ng susunod na linggo kung makipagdiskusyon pa ako sa kanya.

"Pandesaaaal! Mainit na pandesal! Mainit pa sa relasyon ninyo ng boyfriend mo." Ipinagpatuloy ko ang paglalako.

Kailangan kong makauwi agad pagkatapos nito dahil darating si Tiyang Melva at dadalhin ako sa Maynila upang ipasok sa pinagtatrabahoan niya.

Balita ko ay sobrang yaman daw ng pamilyang pinagsisilbihan ni Tiyang doon. Halata nga kasi tingnan mo nga naman sa loob ng ilang taon niyang paninilbihan sa mga amo niya ay nakabili na siya ng sariling bahay at lupa.

Napag-aral din niya iyong mga pinsan ko. Asensadong-asensado si Tiyang kaya nang sabihin niyang nangangailangan ng isa pang katulong iyong mga amo niya ay mabilis agad akong nagpresinta.

Gusto kong mas malaki iyong naibibigay kong pera kina Nanay at Tatay. Malapit na grumadweyt sa elementarya iyong dalawa kong kapatid at malaki ang bayarin ng tatlo ko pang kapatid na nasa high school.

Ayaw kong matulad sila sa akin na hindi nakatapos ng high school dahil sa hirap ng buhay. Mas mahirap lalo  ngayo dahil  may senior high school na.

Noon kasi sa amin ay hanggang 4th year lang iyong high school, ngayon ay nagdagdag ng dalawang taon para makasabay ang Pilipinas sa standard ng ibang bansa.

Mas maganda nga ganito kasi pagka-graduate mo ng senior high ay pwede ka nang makakita ng magandang trabaho.

Plano ko talaga mag-DH sa Dubai pero ayaw ko namang lumayo masyado kina Nanay at Tatay kaya doon na lang ako sa pinagtatrabahoan ni Tiyang Melva dahil balita ko ay mga foreigners din ang mga amo niya.

Nag-iipon na nga ako ng maraming English para  sakaling kakausapin ako ng magiging mga amo ko ay magkakaintindihan kami.

Ilang oras din akong naglalako bago tuluyang naubos ang tinda ko.

Pagkauwi ko ng bahay namin ay bisita na namin si Tiyang Melva.

Agad akong nagmano sa kanya at kay Nanay na kakwentuhan niya.

"Handa ka na bang sumama sa akin?" naninigurong tanong sa akin ni Tiyang.

"Aba Tiyang noong isang araw ko pa kaya naisilid sa bag iyong mga damit na dadalhin ko."

Kikay for the Twins (SPG)Where stories live. Discover now