chapter 4

20.1K 383 111
                                    

"Magandang gabi po Sir Kenzo." Si Ate Yolly pa talaga ang unang bumati sa kabila nang halatang paghingal niya mula sa paggiling-giling na ginawa naming dalawa.

Lintik na giling-giling iyon!

"Good evening, may ipapalinis po ako sa silid ko."

"Magandang gabi po Sir,  pasensiya na po Sir pero wala po si Ving ngayon... paano ba iyan? Kung gusto ni'yo po ay si Yolly na lang ang gagawa." Kung di ko lang nalaman ang tungkol sa ugali ni Sir Kenzo mula  kay Julienne ay tiyak magtataka ako kung bakit halatang nag-alala si Tiyang Melva.

"No, Kikay can do it," malinaw na saad ni Sir Kenzo.

Halatang nagulat sina Tiyang at Ate Yolly sa sinabi nito at maging ako ay nagulat din.

English iyong sinabi niya pero naintindihan ko naman na gusto niya ako iyong gagawa doon  iniutos niya.

'Di ba, walang ibang pwedeng pumasok sa silid niya at humawak sa mga gamit niya roon maliban kay Ate Ving?

"Sigurado po kayo Sir?" naniniguradong tanong ni Tiyang Melva.

Tingnan ni'yo, pati si Tiyang Melva ay napatanong bigla. Nakakaduda nga naman talaga.

"Yeah, Kikay... follow me."

Di pa man  nakahuma kaming tatlo at tumalikod na iyong masungit naming amo.

Iyon na iyon? Wala man lang paliwanag kung bakit ako? I deserve an explanation, I deserve an— , wsla na... hanggang doon lang iyong memorize kong linya.

Bahagya  kaming nagkatinginang tatlo nina Tiyang at Ate Yolly bago ako patulak na inudyukan no'ng  huli na sumunod sa papalayong si Sir Kenzo.

Tingnan mo iyon, 'follow me' raw pero hindi man lang ako hinintay!

"Sumunod ka na roon, bilis! Masamang paghintayon ang isang iyan," pabulong na sabi ni Ate Yolly.

Tumingin muna ako kay Tiyang at nang tumango ito sa'kin ay nagkumahog agad akong sumunod sa papalayong si Sir Kenzo.

Kabado at tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa loob ng malaking bahay.

Ang laki ng buong bahay pero sobrang tahimik sa kabila ng ilang mga kasambahay na natatanaw kong may ginagawa pa.

First time kong umakyat sa ikalawang palapag dahil ayon kay Tiyang hindi raw ako pwedeng magpagala-gala sa bahaging ito ng mansion at maging sa ikatlong palapag kapag walang iniutos sa'kin iyong mga amo namin dahil hanggang sa unang palapag lang iyong trabahong nakatoka para sa'kin.

Kung maganda iyong baba ay hindi naman pahuhuli itong itaas .

Grabe, fully carpeted pati iyong hallway na dinadaanan namin.

Nalibang ako sa pagtingin-tingin sa bawat bagay na nakakuha sa atensiyon ko kaya medyo nagulat pa ako nang huminto bigla si Sir Kenzo at muntik na akong bumangga sa malapad niyang likod.

Mabilis akong napaatras  nang lumingon siya sa'kin at salubong ang mga kilay  na— sinamaan ako ng tingin?

Ano na naman ang kasalanang ginawa ko? Hindi ko naman siya tuluyang nabangga kasi nakapagpreno agad ako.

Kikay for the Twins (SPG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin