Chapter 9 -- The Devil's Hug

Start from the beginning
                                    

END OF HELAENA'S POV


-------------

BRYLLE'S POV


Ano'ng feeling ng Helaena na 'to? Babasahin ko ang buong librong 'to? In her dreams. Kunwari nakatingin ako sa libro pero ang totoo naglalaro lang naman ako sa tablet ko. Siya talaga ang gusto kong maka partner kanina sa Literature class, kasi alam ko matalino siya at hindi niya hahayaang wala kaming maipasa. Kaya hinayaan ko na lang na siya ang gumawa ng lahat. 



Nabigla na lang ako ng bigla niya 'kong sinigawan kanina sa classroom, aba siyempre sinigawan ko din siya. Kaya ayun pati prof namin nakisali sa sigawan at pinarusahan kami. Mas mabuti nga yung nangyari. Makakatulog ako ng tahimik sa library kesa makinig sa boring na prof namin. Kaso mas malakas palang manermon at manigaw ang Helaena na'to kesa sa Prof namin. Kairita lang.



Ilang oras na kaming nandito sa Library at itong si Helaena kanina pa sumusulat at ang dami ng libro na kinuha niya. Ang sipag talaga masyado ng babaeng 'to. Takot yata makakuha ng mababang grades. O takot lang maparusahan ulit?



Magtatakip silim na eh bukas pa lang naman ang deadline. Seriously, I'm starting to get bored. Halos kami na lang dalawa ang naiwan sa library plus the librarian pala. Mukhang lalakas pa yata ang ulan. Kanina pa kasi umaambon.



"Hoy, Helaena, hindi kapa ba tapos diyan?"



"Obvious ba?" Inis na sagot niya sakin.



"Kapag five minutes hindi kapa natapos, iiwanan na kita dito at uuwi na'ko."



"Salamat ha? Salamat sa pagsama. Grabe, nag enjoy akong kasama ka at sobrang nakatulong ka talaga sa'kin." Sarkastikong sabi niya sakin.



5 minutes ..

4 minutes ..

3 minutes ..

2 minutes ..

1 minute ..

And 5 seconds .....



"I'm out.  Gotta go." Tumayo na'ko para umalis.



"Grabe, ang bait mo talaga." She said in a sarcastic tone. "Bahala ka sa buhay mo. How I wish I have a sword to throw on you, exactly on your neck. How lovely"



Natawa ako sa mga sinabi niya. Grabe talaga ang pagkainis ng babaeng 'to. Kaya nga gustong gusto ko siyang inaasar. Kasi ang dali niyang asarin at nakakatawa talaga ang itsura niya lalo nak kapag natatakot na siya sa mga pagbabanta ko.



"Sabi mo nga demonyo ako, kaya kahit saksakin mo'ko, hindi ako mamamatay." Tumalikod na'ko para umalis pero muli ko siyang binalingan. "And oh by the way, thanks for your words. You're such a sweet person." Inirapan lang niya ako at tinuloy na ang kanyang ginagawa. Kaya naglakad na ako palayo.



Hindi pa man ako nakakalayo ay biglang kumidlat ng malakas at biglang namatay ang ilaw. Narinig ko nalang na sumigaw si Helaena.



"Aahhhh..." Sigaw niya. "B-Brylle na-nasan ka?" Nanginginig na ang boses niya na parang takot na takot. Takot ba 'to sa kidlat o dahil madilim?



Narinig ko na lang na may natumbang upuan. Baka nasagi niya sa kanyang pagtayo. Patuloy niya pa ring tinatawag ang pangalan ko. "Brylle, nasa'n kaba? Natatakot ako." Mukha nga talagang takot na takot na siya. Kaya kahit madilim ay pumunta ako sa direksyon na patuloy na kinakapa ang bawat nilalakaran ko.



My Guardian DevilWhere stories live. Discover now