"Siguro malungkot childhood mo."



"Hailey!" Saway ko na lang baka kung saan pa mapunta ang sagutan nilang dalawa.



"Stupid."


"Thank you." Nag-flying kiss pa si Hailey kaya hinampas ko siya sa braso. "Ouch!"









Napaka-kulit lang niya talaga. Bakit si Shea pa naisipan niyang kulitin? Marami namang iba d’yan e. Nag-vibrate ang phone ko kaya agad na kinuha ko ’yon. Nakita ko ang pangalan ni Peaches kaya napangiti ako.




Peaches:

Hola, señorita! How's your day?




Noong nakaraan hiningi niya ’yong number ko. Wala raw kasing naka-save na number sa bagong phone na binili niya e.




Flair:

Always fine. How 'bout you? Are you busy? :)



Nang mai-send ko ang text ay pumasok naman ang council ng AU, magsisimula na ulit ang conference. At inaantok ako. Napatingin naman ako sa umupo sa tapat ko. Nakatingin siya sa akin kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Kung p’wede lang siyang kasuhan ng stealing baka nakasuhan ko na siya. Kaya lang nakakahiya naman sa pulis kung sasabihin ko na halik ang ninakaw niya sa akin.



Karma ko nga siguro ang bagay na ’to. Kaya lang hindi ba parang subra na. Isang beses ko lang naman siya hinalikan e.




Mahaba-haba rin ang sinabi ng mga teacher at council ng AU sa amin. May ilan pa na hindi naman katugma sa pagiging leader namin sa organisasyon sa school. Hindi pa tapos nang magtaas ako mg kamay at magpaalam na pupunta muna ako sa banyo.



"Hi."Napatingin ako sa kanya at napatigil sa paghuhugas ng kamay.



"Hello?"



"Nakita kitang kausap si Ate kanina." Napakunot noo naman ako.



"Ate?" Tumango siya’t ngumiti. Base sa mukha niya mukhang junior pa lang siya.



"Ate Cata." If she knows my sister maybe she's Astral.



"Astral right?" Tumango naman siya. Siguro ilang taon lang ang pagitan naming dalawa.



"She's fine."



"Are you mad at her?" Napakunot noo naman ako ngumiti ako’t umiling.



"Why would I get mad to her? She's my eldest sister." Tumahimik naman siya. "Can you do some favor?" Kumunot moo naman ako.



"Ano ba ’yon?"



"Don't leave her." Natigilan naman siya. "She's our sister and nasa iisang school lang kayong dalawa. Baka kasi magpadalos dalos na naman siya sa mga desisyon niya." May kinuha ako sa bulsa ko’t iniabot sa kanya. "If she's not okay, call me. I love her."



"She loves you too."



Matindi ang galit niya kay Papa. Hindi na ako magtataka kung apelyido ni Mom ang ginagamit niya. Si Papa rin ang sinisisi niyang dahilan sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung ’yon ang nararamdaman niya.



"Makakaasa ka sa akin. Para sa iyo at para kay Ate Faith." Ngumiti naman siya sa akin at gano’n din ako sa kanya. "Maganda ka rin talaga sa personal." Tumikhim naman ako. "Kinulayan mo ba ang buhok mo?" Tumango ako.



"Hindi kasi p’wede ito sa school ko." Tumango-tango naman siya.



Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na rin ako sa conference room at nakinig. Nawala na ang antok ko. Napasulyap ako kay Charlotte. Naka-focus siya sa magsasalita. Kaya nakinig na lang din ako.




"Wow!" Tumalon si Felix sa kama. Si Hailey naman ay umiling at kinuha sa akin ang bitbit kung bag bago inilagay sa kabinet.



"Felix, baka masira ’yan!" Saway ni Hailey. "Doon ka sa kwarto mo saka no’ng lalaki na hindi ko kilala na nililingkis mo kanina." Taboy niya. Umupo naman ako sa sopa.



"Ang damot mo ha." Tumingin ako kay Felix na tumayo na. "Bangungutin ka sana!" Aniya’t lumabas. Natawa naman ako dahil mahihiya ang pintor sa mukha ni Hailey na abstract.



"Langhiyang bakla ’yon." Anito at umupo na bago nag-sign of the cross. "Sana hindi ako bangungutin."



Maya maya pa ay may bigla na lamang kumatok. Tatayo na sana ako pero pinigilan naman ako ni Hailey bago siya lumapit sa pintuan at binuksan 'yon.



"President." Napatayo naman ako. Si Charlotte?



"Good Evening." Napalunok naman ako ng sarili kong laway.


"Pasok ka." At pumasok ito. Bumalik ako sa pagkakaupo at mabilis na humarap sa cellphone ko. "May problema ba?"



"Can I exchange with you?" Natigilan ako.



"Exchange?" Ulit ni Hailey.


"Yes."


"Exchange ng ano?"


"Room." Hindi nagsalita si Hailey. Nakatigil lang din ako sa screen ng cellphone ko. "Kasi hindi ko gusto ’yong amoy ng perfume ni Shea."



"Si Shea pala roommate mo."



"Yeah."



"Sure." Nanlaki naman ang mata ko’t napatayo. Pareho silang napatingin sa akin. "Ay and’yan ka nga pala. By the way si Ms. President na makakasama mo rito." Umiling ako.


"No way."


"Ayaw mo ba kay Ms. President."


"Hindi naman sa ayaw pero—"


"Naman pala e." Nakita ko na bitbit niya ang bag niya. "Forda go na ako." Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na.


"S-sandali—" Lumabas na siya. Napahawak naman ako sa noo ko.



"I won’t do anything. May gusto lang akong itanong sa ’yo. Kukunin ko lang gamit ko." Aniya’t lumabas.



Ano bang itatanong niya? Sana nga wala siyang gawin. sa akin mamaya dahil makikipag-exchange talaga ako ng kwarto.

_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Onde histórias criam vida. Descubra agora