"But you two kissed."Natigilan ako. Nakita niya ’yon?



"She kissed me, Wil. I didn't kiss her back." Tumango siya at mapaklang ngumiti.



"It's hard to fall in love right? Hindi mo kasi alam kung gusto ka rin ba niya."Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.



"Ha?"


"My cousin. She likes you." Bumuntong hinga ako.



"Jazzfer is my friend. Hindi p’wede ’yon."



"But Flair is your friend too." Napatigil ako at tiningnan siya. "Gusto mo siya tama ba?"


"Wil—"


"Hindi na mahalaga ’yong nararamdaman ko ngayon. Bakit hindi ka man lang magpakatotoo d'yan sa nararamdaman mo?"


"Ano bang sinasabi mo?"


"Ayaw ko lang na mapunta ka sa sitwasyon na pagsisihan mo lang sa huli." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.



"Gusto mo bang itigil na lang na ’tin ang pagd-date nating dalawa?" Tumango naman siya. Tinitigan ko siya sa mga mata at nakita ko ang lungkot do’n. "Pero —"



"Mas mahihirapan ka kapag itinuloy pa na’tin ’to." Ngumiti siya sa akin. "Hinahanap mo ’yong may ari ng clip, ’di ba?" Napalunok ako. "Kilala ko kung sino ang may ganyang klase ng clip."




Hawak ko ang hair clip na nakita ko noong araw na may humalik sa akin sa janitor’s room. Sa sinabi ni Wil sa akin, mas naging sigurado akong siya nga ang taong ’yon pero kailangan ko pa ng sapat na evidence.



"Listen!"



Napatingin kami sa SSG teacher, lahat nang mga President at Vice President sa bawat mga club ay kasama namin ngayon pati ako’t si Grae.



"May seminar na gagawin at inaanyayahan ko ang lahat ng mga President at Vice President ng bawat club ay dumalo. Para saan ang seminar?



"Mrs. Salvia, para saan naman po ang seminar?" Tanong naman ni Cruz, President siya ng Theater.



"Magandang katanungan, ang seminar ay para mas marami kayong matutunan bilang isang mabuting leader sa mga pinamumunuan ninyong mga grupo." Napatango naman ang lahat. Sumandal naman ako’t napatingin kay Ross na nakikinig lang.




"Ms. President, may katanungan ka ba?" Napatingin ako sa kanya, tumingin ang lahat sa akin. Oh, bakit ako? Sino ba ang nagpasimuno nito?



"Wala po."


"Pwede po bang hindi sumama?" Napatingin naman ako kay Ross.



"P’wede namang hindi sumama kaya lang kinakailangan niyo ng representative. May balak ka bang hindi sumama, Ms. Ross? Isang beses lang itong mangyayari, sayang naman kung hindi ka sasama. Makakatulong din ito para mas mapalago mo pa ang kakayahan mo, malay mo sa susunod mapasali na sa mini exhibit ang mga obra mo."




Hindi man lang siya nagtatapon ng tingin sa akin. Nainis ba siya dahil sa nangyari noong nakaraang araw? Bakit naman? Concern lang naman ako sa kalagayan niya.



Napatingin kaming lahat sa pintuan dahil bumukas ’yon at nakita ko si Sheana, basa pa ’yong suot niyang t-shirt. Mukhang kagagaling lang niya sa practice.


"Sorry, I'm late." Paghingi niya ng paumanhin.


"It's okay, Ms. San Diego." Ngumiti naman si Shea at hinila ’yong upuan at umupo sa tabi ko, napatingin siya sa akin at tumango pa. Loka loka. "Ms. San Diego may katanungan ka ba?"




"Nothing po." Masigla niyang sagot.



Dala ko ’yong mga papel habang nasa gilid ko si Sheana na nakatingin sa cellphone niya kaya hindi na ako magtataka pa kung madapa siya.



"Ano nga pa lang problema sa babaeng ’yon?" Napakunot noo naman ako.



"Ha?"



"Sa president ng theater."



"Bakit?"



"Wala." Hindi na lang ako nagsalita. "Si Ross, hindi na siya nalapit sa iyo. Magkaaway ba kayo?" Umiling naman ako.



"Siguro busy lang siya."



"Eh, si Wilbert mabuti naman at hindi na nakabuntot ang asungot sa ’yo."



"Tumigil na kami sa paglabas." Tumigil naman si Shea sa paglalakad kaya napatigil din ako, tumingin siya sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.


"Bakit hindi ba siya nakatiis sa ugali mo?"



"We both want this. Stay friends nothing change."


"O baka dahil sa pinsan niya." Isa na ring dahilan ang bagay na ’yon.


"May iba akong gusto."


"Sino?"



"Secret." Tumikwas ang kanyang labi.


"Secret? Hindi bagay sa iyo." Iningusan ko siya’t naglakad na ulit. "Sino bang gusto mo?"



"Wala."



_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon