"Anak ka rin naman niya pero, bakit ako lang ang kinukuha niya?"

"Dahil ikaw ang nakababata kong kapatid. Mas kailangan mo siya." Umiling ako.

"Tinanggihan ko siya."

"Flair—"

"Ate, kung tinulungan niya tayo noon sana buhay pa si Mommy."





Kinabukasan pagkatapos namin pumunta sa puntod ni Mommy bumalik na rin ako sa apartment. Hindi rin ako pumasok dahil na rin nagkaroon ako ng sinat. Matutulog na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.



Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita ko si Hailey. She's wearing her uniform. Napatingin ako sa pambisig na relo at pasado ala-dyes na ng umaga.



"Ano’ng nangyari sa iyo?" Sinipat niya ako. Nag-chat kasi ako sa kanya.



"May sinat ako. Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Nagcutting ka?" Sumandal siya.



"Hindi na rin ako papasok. Minsan lang naman. Isa pa wala naman tayong ginagawa halos sa school." Natawa naman ako.



"Tinatamad ka lang, eh." Bumusangot naman siya at umalis sa pagkakasandal sa pintuan bago ako nilapitan.




"Ano ba kasi ang nangyari sa ’yo? Magdamag ka bang umiyak? At bakit? Na-broken ka ba?" Napakagat labi naman ako.




"Hindi."


"Eh, bakit?"



"Si Papa."


"Bakit?"



"Nakausap ko siya kahapon."




"Oh, tapos?"




"Sinabi niya ang nangyari at gusto niyang bumalik ako sa poder niya." Hinawakan naman niya ako sa balikat.




"Ayos ka na ba ngayon?"




"Hindi ko naman alam na gano’n ang mangyayari sa kanya." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.




"Nang malaman kong anak mayaman ka agad na ini-search ko ang buo mong pangalan at kung saang angkan ka nabibilang. Doon nalaman na ikaw pala ang nawawalang heirlom ng mga Ross."




"Pero hindi mo sinabi sa kanila kung nasaan ako."




"Hindi naman ako mukhang pera, pero nakakapagsisi pa rin na hindi ko sinabi." Pabiro niyang sabi kaya naman hinampas ko siya sa braso. "Kaibigan kita at hindi ko gagawin ang bagay na ’yon para sa pera lang. Mas mahalaga pa rin sa akin ang friendship." Napangiti ako bago siya niyakap. "Layo!" Itinulak ko naman siya.




"Arte mo!" Natawa naman siya. "Ah, may nabalitaan ako sa group chat kanina na nag-away daw kayo kahapon ni Ms. San Diego." Umismid naman siya.



"Palagi namang mainit ang ulo no’n sa akin."


"Inaasar mo kasi palagi." Umasim ang mukha ni Hailey.


"Nakakatuwa kasi siya." Umiling na lang ako.



Nanatili siya sa apartment ko hanggang hapon. Tumaas din ang lagnat ko kaya naman nagpaalam siya na kukuha lang siya ng gamit sa condo niya at pagkatapos ibibili niya na rin ako ng gamot.



Napabangon naman ako dahil bigla akong inubo. Hindi naman ako nagpaulan at hindi rin ako naambunan. Nakakainis. Tumayo ako at dahan dahang naglakad para kumuha ng tubig nang may kumatok. Napalingon naman ako.




Nakabalik na ba si Hailey? Sa halip na pumunta ako sa kitchen tinungo ko na ang pintuan. At nang buksan ko nakita ko si Papa kaya naman umakto na ayos lang ako.



"Anak..."



"Leave!" Mahinang saad ko.



"Nakikiusap naman ako." Pagsusumamo niya kaya naman umiling ako. "Huwag ka nang magalit sa akin." Umiling ako.




"Paano ko magagawang magalit kung sakit itong nararamdaman ko? How can I get mad at you kung galit ako sa sarili ko?" Nanghihinang sigaw ko sa kanya at muling dumaloy ang mga luha sa aking pisngi. "Hindi niya deserve ’yon. Hindi niya dapat naranasan ’yon kung hindi ako naging pabaya."



"Keyn..."



"Dad, nakikiusap po ako. Maayos na ako. Hindi lang po ako ang anak mo. And’yan po si Ate." Bumuntong hininga naman siya. Hinawakan niya ako sa balikat.



"Pasensya ka. Huwag kang mag-alala, hindi ko na ulit gagawin ang bagay na ’to."



Nang mawala siya sa paningin ko, mariin akong napapikit at napasandal sa pintuan dahil sa tindi ng aking pagkahilo. Napayuko rin ako dahil hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak.





"F-flair?"



Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nang makita ko ang malungkot niyang mga mata mas lalo akong naiyak at napaluhod sa harapan niya.




"Flair..."




"I'm sorry, dahil sa ginawa ko ng gabing ’yon. Kasalanan ko kung bakit nangyari ’yon sa ’yo. Patawad dahil tumakas ako." Garalgal at nanghihinang saad ko.



May mga bisig na biglang yumakap sa akin kaya naman mas lalo akong napaiyak.



"Peach, hindi mo dapat naranasan ang bagay na ’yon."



"It's not your fault, Flair. Ginawa mo lang ang tama."




"Patawarin mo ako."



"Hindi ako galit sa iyo. Hindi ko kayang magalit sa isang taong nagturo sa akin kung paano maging matatag."

_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||حيث تعيش القصص. اكتشف الآن