Napasandal naman ako sa aking upuan habang mariin na nakapikit ang dalawa kong mga mata. Masakit na nga ang ulo ko, inatake pa ako ng insomia kagabi. Kung minamalas ka nga naman.



"Magandang umaga." Bati ng secretary na kararating lang. "Ayos ka lang?" Tumango na lang ako. "Ms. President, may kailangan ka nga pa lang pirmahan." Napatingin ako sa kanya. Kinuha niya ang ilang folder sa ilalim ng kanyang desk at tumayo bago inilapag sa table ko.




"Gracias!" Bungad ni Grae. "Oh?" Patakbo na lumapit siya sa akin pero bigla siyang natalapid sa wire na nakaharang  kaya naman bumagsak siya sa sahig kaya naman napatayo ako.


"You okay?" Nag-aalalang tanong ni secretary.

"HAHAHAHA!" tanging sagot niya kaya naman napaupo akong muli.


Tumayo siya bago hinampas ang desk ko. "Are you okay?" Tanong naman niya.


"Jusko po! Nag-english ang kalabaw." Natawa ako sa reaksyon ng sekretarya namin. "Tipirin mo baka maubos." Ngumuso naman si Grae at pinitik ang noo ni Jamaica.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil bigla na lamang kumirot. Masakit talaga ang ulo ko  dahil sa pag-atake ng insomia ko kagabi.


"Dalhin ka na namin sa Infirmary?" Umiling ako kay Grae, "I am the Vice President. I can take care of your work." Aniya pa.


"Sabi ko hinay hinay sa paggamit ng english." Natawa naman ako.

"I'm fine. Kailangan ko lang matulog."

"Bakit hindi ka pumunta sa infirmary?" Napatingin ako sa pintuan. Seryosong nakatingin sa akin si Shea. Napansin ko rin ang suot niyang t-shirt na may tatak na Achery." Napansin ko kanina na maputla ka kaya naman naisipan ko nang i-check ka pagkagaling ko sa club." Humakbang sila palapit sa akin kaya naman tumabi na sina Grae at Jamaica.

Sinalat niya ang ulo ko bago umiling-iling. "Where's your things?" Napakurap ako sa kanya.

"Ano?"

"Are you deaf?! I said where's your things?" Napakamot ako. "Pupunta tayo sa infirmary. May sinat ka." Napasimangot ako sa kanya. Iginala niya ang mata niya at nang mahanap ang hinahanap kinuha niya na 'yon.

"Shea, I'm fine hindi lang ako nakatulog kagabi."

"Because of your illness? Alam ko kapag nagkakaroon ka ng insomia. Matic na mag-kakasakit ka. Tumayo ka na." Bumuntong hininga naman ako.

Nang akmang tatayo na ako biglang nagdilim ang paningin ko kaya pumikit ako at muling nagmulat pero umikot ang paligid kaya naman natumba ako.

Napamulat na lang ako dahil may kung anong gumagalaw sa may pisngi ko at nang makita ko kung sino ang may kagagawan no'n, mabilis na kinuha ko ang unan at inihampas sa kanya.

"Ouch!" Daing naman niya. "Gising ka na."

"Hindi tulog pa ako." Pamimilosopo ko.

"Kagaling!" Pang-aasar pa niya kaya naman hinampas ko siya.

"What the hell you doing here, Wilbert?" He smiled.

"Don't you see? Binabantayan ka." Napairap naman ako.

"Hindi mo ako kailangang bantayan." Napasimangot naman siya.

"Hay naku! Back to sungit ka na naman ba?" Napairap ako.


Mariin akong napapikit. "Get out of my sight!" Utos ko naman.


"Joke nga lang ito naman hindi na mabiro." Bumuntong hininga ako at tiningnan siya.



"You should go back—"



"I like you."



Natigilan naman ako. Nabingi akong bigla dahil sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin, nakapatong ang dalawang kamay niya sa kanyang hita at bahagyang nanginginig.


"I like you." Ulit niya’t nag-angat ng tingin sa akin, namumula ang mukha niya. "Gusto kita matagal na." Bumangon naman ako at umupo.


"Prank ba ’to?" Seryoso kong tanong sa kanya. "I'm not in my mood, Wil." Umiling siya.

"Totoong gusto kita, Charlotte. Matagal na akong may gusto sa iyo. K-kaya nga naglakas loob ako na lapitan ka kahit pa napakasungit at napaka-strict mo e." Naging malikot ang kanyang mga mata.

"Bakit ako?"

"H-hindi ko alam. Pero maniwala ka sa akin gusto talaga kita at hindi ako umaasa na magugustuhan mo ako pabalik." Aniya't nasundan pa ng awkward na tawa bago muling yumuko. "Pero kung papayag ka na mag-date tayong dalawa hindi ka talaga magsisisi." Napahawak ako sa mukha ko.


"Wil, look at me." Bahagya siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Seryoso ka sa nararamdaman mo?" Tumango siya. "Mahirap ba akong tingnan at kanina ka pa nakayuko d’yan?"

"Nahihiya lang ako."



"Wil, alam mo naman na may hinihintay akong tao." Tumango siya. "...pero papayag ako." Napakurap siya.


"T-talaga?"


"Isang buwan pero hindi ko maipapangako na masusuklian ko ang nararamdaman mo."


"W-walang problema sa akin ’yon."







_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora