Chapter 1: TAGPO

2K 8 0
                                    

Unang araw ng klase sa Millenium University at napakaraming mga mag-aaral ang pumasok. Maririnig ang ingay na mga studyante sa hallway habang naghahanap ng kanya-kanyang room sa kanilang unang subject.

Sa kabilang banda makikita ang isang dalaga na para bang napakaseryoso na lamang kung maghanap ng kanyang room. Siya ay si Jenny Solis, mag-isa lamang sya at mapapansin ang kanyang pagiging mahiyain sapagkat nakayuko ito kung maglakad at para bang umiiwas sa crowd.
Nang makita niya na ang kanyang room ay agad siyang pumasok at umupo sa pinakagilid na upuan.

Habang abala si Jenny sa kanyang cellphone ay mapapansing pumasok ang grupo ng mga kababaihan na sobrang ingay at naupo sa kanyang harapan. Sunod-sunod na pumasok ang iba pang mag-aaral sa kaparehong room. Ang pinaka huling pumasok sa room ay ang grupo ng mga kalalakihan na sobrang ingay din at panay pa ang tawanan pa, si John Salazar ang isa sa mga kalalakihan at mapapansin na sya ang pinakamaingay sa kanila. Kaya naman napatingin si Jenny ng masama sa kanya at nasabi sa sarili "ang ingay naman niya parang walang tigil sa pagsalita at pagtawa"

Biglang nabasag ang ingay ng pumasok na ang isang Professor sa kanilang room, Siya ay si Professor Nick.

"oh bakit biglang naging library ang kaninang palengke" ang sabi ni Sir Nick.

Walang imik ang mga mag-aaral at biglang natawa si Prof. Nick.

"wag kayong matakot sa akin hindi naman ako nangangagat" dagdag pa ni Sir Nick.

Tumawa na lamang ang mga mag-aaral na para bang nawala ang tense sa kanilang mga mukha.

"Good morning nga pala sa inyo class, Ako si Sir Nick Florencia at ako ang inyong magiging guro sa subject na "Chemical Biology: Biomolecules.... So I guest kayo ay mga magiging future biolgist or else mag proceed sa pagiging doctor kasi kumuha kayo ng kursong Biology"

(siniko ni John ang kanyang katabi na si Robi)
"Diba ikaw gusto mo maging Doctor, Kondoktor! Hahaha" ang sabi ni John kay Robi at tawang-tawa.

"Ogag! baka ikaw kasi mukhang bagay naman sayo" ganti ni Robi kay John.

"Since it's your fistday of school, all you have to do now is introduce your self one by one" sabi ni Sir Nick.

Biglang kinabahan si Jenny na para bang hindi alam kung ano ang gagawin. Ang magsalita sa harapan ng maraming tao ay ang kanyang biggest fear.

Isa-isa ng tinawag ang mga mag-aaral by last name, (FF) Tinawag na nga si John sa kanyang last name na "Salazar" at agad namang tumayo.

"Hello guys! what's up! welcome to my YouTube channel!" tumawa naman ang kanyang mga kaklase pati si Sir Nick

"Joke lang guys! HAHA...good morning! good morning! I'm John Salazar, 19 yrs old and I believe in a saying na WITH GREAT POWER COMES GREAT ELECTRICITY BILLS"

good morning! good morning! I'm John Salazar, 19 yrs old and I believe in a saying na WITH GREAT POWER COMES GREAT ELECTRICITY BILLS"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Wierdo Boyfriend Where stories live. Discover now