Chapter 2: ANGHEL

1.1K 3 0
                                    

Sinimulan nang pag-usapan nina Jen at John pag-usapan ang kanilang assignment.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay biglang bumuhos ang ulan. Dali-dali silang tumakbo sa ilalim ng puno na nasa likod ng playground, nandoon din nakapark ang motorsiklo ni John. Habang tumatagal ay palakas din ang ulan at nababasa na sila.

"Sa bahay na lng muna tayo!" pasigaw na sabi ni Jen dahil hindi gaanong marinig dahil sa lakas ng ulan

"Sigurado ka ba? nakakahiya naman sa mga magulang mo!" pasigaw din na sabi ni John

"Huwag kang mag-alala wala naman sila doon" Sabi ni Jen

Pinaandar na ni John ang kanyang motor at pinasakay na si Jen. Habang sya ay nagmamaneho ay tinuturo ni Jen ang daan patungo sa kanila. Dahil medyo lubak ang daanan ay napapakapit si Jen na maigi sa bandang likuran ng motor.

"Okay ka lng ba dyan, kapit ka sa akin huwag kang mahiya" sabi ni John

"Okay lng ako" sagot ni Jen

Nang biglang may batang tumawid sa binabaybay nilang daanan dahil sobrang tuwa nito sa pagligo sa ulan ay biglang napapreno din si John at si Jen ay namodmod sa likuran ni John.

"Ah shit" Sabi ni john sa kanyang isipan, naramdaman nya kasi ang suso ni Jen.

"Hoy bata! wag kang maligo at maglaro dito sa daanan" Pagsisita ni Johm sa bata at agad naman itong napatakbo sa takot.

"naku! sorry John naitulak pa kita" medyo nahihiyang sabi ni Jen

"Okay lng di mo naman sinsadya jen"

Agad na silang nagpatuloy, basang-basa na sila sa ulan ng makarating sa bahay nila Jen. Pinatuloy agad si John sa loob ng bahay at pina upo sa sala

"Jowa mo ba jen, gwapo din ha!" sabi ni Mark na kuya ni Jen

"Kuya talaga oh, classmate ko po si John, meron lng kasi kaming assignment eh" pagpapaliwanag ni Jen

"Magandang hapon po Kuya, tama po si Jen may assignment kami sa Playground lng sana kami pero biglang bumuhos ang ulan" pagsusuporta sa sinabi ni John sa pahayag ni Jen

"oh sya assignment lng ha, kayo lng ba dalawa?" tanong ng kuya Mark

"Oo kuya by pair kasi" sabi ni John

"Himala at lalaki ang partner mo kasi puro babae mga friends mo" pagtataka ng kuya ni Mark

"Kasi naman kuya si Ma'am ang pumili eh" paliwanag ni Jen

"Ganon ba, pahiramin mo muna ng damit ko si John" utos ni Kuya Mark

"sige po Kuya" magalang na sabi ni Jen

"oh sya magluluto lng ako ng hapunan, Dito ka na rin kumain John" sabi ni Kuya Mark

"Naku! hindi ko yan tatanggihan kuya blessing na yan eh"

Natawa naman si kuya Mark at nagtungo na sa kusina. Samantalang si Jen ay nahuli ni John na nakangiti. First time na nakita yon ni John at sya ay natigilan. Pinagamasdan niya lamang ang nakangiting si Jen. Habang si Jen ay napatingin na rin kay John at nagsalubong ang kanilang mga mata.

My Wierdo Boyfriend Où les histoires vivent. Découvrez maintenant