PROLOGUE

48.3K 2.2K 1.8K
                                    


[Nasaan ka ba?]


Napanguso ako at pinaglaruan ang strap ng bag.


"Nasa Makati."


[Ano namang ginagawa mo diyan?! May klase ngayon. Alam mo namang malapit na board exam natin, diba? Tapos ngayon ka pa um-absent.]


"Huwag ka nang magalit."


[Importante ba 'yan?]


"Interview."


[Artista ka na? Kailan pa? Tungkol ba saan 'yan?]


Bumuntong-hininga ako at napaisip na hindi siya titigil kakatanong kung hindi ko sasabihin bakit ako absent.


"I was invited to do an interview about my love life."


[Gago? Wala ka namang-]


Muntik na akong matawa nang matahimik siya.


"Hello? Nandiyan ka pa ba, Hans?"


[Huwag ka na kayang tumuloy, Bri? Iba pakiramdam ko, eh.]


"Ano ka ba, nandito na ako, eh. Tsaka after nito lilibre nila akong Samgyupsal."


[Gago, patay-gutom ka talaga. Kala mo naman hindi mayaman]


"Ms. Brianna Sison?"


Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang isang babaeng staff.


"Sige na, Hans. Tawag na ako, eh. Bye!!! Labyu!"


[Gago ka rin!]


Natatawa kong binaba ang cellphone at nang ma-realize na may kasama ako ay napatigil ako at alanganing nginitian siya.


"Ano na po bang gagawin?"


She genuinely smiled at me and gestured to follow her. Nakarating kami sa isang kwarto at ang tanging nandoon lang ay ang dalawang maliit na upuan at tatlong camera.


"Upo ka na." Sabi ng babaeng staff. Nginitian ko siya at sinunod ang sinabi.


Kabado akong umupo at ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Wala namang laman ang love life ko ngayon pero may rason ako kung bakit ko tinanggap ang invitation nila na interview-hin ako.


"Ms. Brianna?" Sinenyasan niya akong lumapit.


Para akong bata na naging attentive bigla at mabilis na lumapit sa kanya. "Bakit po?"


"We'll ask you questions and you'll just have to answer it honestly, okay? Huwag kang masyadong kabahan."

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon