Punyetang eskwelahan to! Lahat ng tao dito basura! Hindi pumapasok ang mga estudyante dito para mag-aral. Nandito silang lahat para manira ng araw.
Lakad lang ako nang lakad kayat hindi ko na namalayan kung saan ako dinala ng mga paa ko. Kailangan kong magpahangin dahil kung hindi ay baka sumabog ako. Nang mapansin kong malayo layo narin ang narating ko ay tumingin ako sa paligid.
Natigilan ako. Mali itong tinatahak ko! Bakit ako nandito? Hindi pwede!
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay narating ko ang isang lugar na hindi ko inaakalang babalikan ko pa.
Mapuno. Magubat ang parteng ito. Malayo palang ako kitang-kita ko na ang kubong nakatayo sa gilid ng lawa. Maglalakad na sana ako pabalik nang may mapansin akong nakakalat na I.D sa paanan ko.
Dark Carter Trevino
"Tangina! Yari nanaman ako kay President!"
Natigil ang paghinga ko nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Naglalakad ito sa gilid ng daan at malakas na sinisipa ang mga damo.
Anong ginagawa niya dito?
Gusto kong umalis! Ngunit parang may sariling buhay ang mga paa ko na ayaw gumalaw. Para akong tuod na nakatayo dito habang pinagmamasdan siyang kinakamot ang kulay abo niyang buhok.
Natigilan siya nang mapansing may nagmamasid sa kanya. Kitang kita ko ang gulat at pagtataka sa mga mata niya ngunit hindi iyon importante. Ang importante ay dapat maglakad na ako palayo.
"H-Hey! What are you doing here?" until until siyang lumapit.
Ako dapat ang magtanong niyan. Ang kaso hindi rin naman ako dapat nandito.
"Napadaan lang."
"Oh. I was just looking for something. Kanina ka pa ba?" pinasok niya ang kamay sa bulsa habang prenteng nakatingin sakin.
Sinabi ngang napadaan lang eh!
"Hindi."
Tumango ito sabay tingin sa relong pambraso.
Mahabang katahimikan ang namutawi sa amin. Tinignan niya pa ako ng ilang saglit bago inalis ang tingin at lumingon lingon sa paligid. Naalala kong hawak ko nga pala yung I.D niya.
"Ito ba hinahanap mo?" sabay angat ko sa I.D niya.
"Ah! Yan nga! Salamat." kinuha niya sa kamay ko ang I.D at nagmamadaling ikabit ito sa kanyang lace. "Paalis narin ako. Sige."
Isang tango ang binigay ko bago niya ako tuluyang lampasan.
Mahigit isang minuto na rin ang nakalipas ngunit hindi parin ako kumikilos sa kinatatayuan ko.
Wait. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ba bothered ako na nandito siya?
Napatingin ako sa harap ko. Hindi kaya nanggaling siya doon? Ano kayang ginawa niya sa loob ng kubo? O baka naman galing sa kabilang daan? May makipot kasing daanan sa bandang kaliwa ko na daanan ng mga bisikleta. Siguro nga asumera lang ako.0
Tinitigan ko ang kubo. Hindi ko alam kung anong meron dito at para bang nahihipnotismo ako. May kung anong nagsasabi sa akin pumasok sa loob ngunit alam kong dapat ay kanina pa ako wala dito.
At sa katigasan ng ulo ko ay tuluyan na akong pumasok sa loob. Ang sabi ko ay aalis na ako. Pero may napagtanto ako.
Teka! Bakit mga ba ako aalis? E ano naman kung nandito ako? Di naman ako ganun ka affected para maging big deal kung pumunta man ako dito. Diba?
Maliit lang ang kubo ngunit two storey ito. Pawid lang ang dingding ngunit matibay naman. Sa loob ay makikita mo ang iilang larawan at dekorasyon na nakasabit sa dingding. Sa gilid naman ay may mahabang kawayan na upuan kapares ang isang maliit na lamesa. Sa kanang bahagi ng kubo ay makikita mo ang hagdan papunta sa ikalawang palapag.
Huminga ako ng malalim bago ito inakyat. Pagdating ko sa taas ay nakita ko ang sandamakmak na origami art na nakakalat sa sahig. Meron din sa dingding na nakalagay pa sa jar at meron pang nakasabit sa gilid ng bintana. Ito ay mga art designs na gawa sa papel. Tinupi tupi upang maghugis eroplano, ibon, bulaklak, at puso.
Napangiti ako ng mapait. Matingkad parin ang kulay ng barnis at nakamamangha ang mga detalyadong ukit sa gilid ng pinto. Kung hindi dahil sa iilang agiw ay hindi mo mapapansing luma na ang kubo. Walang paring pinagbago.
"Itigil mo nga yang kabastusan mo!"
"Bakit? Maganda naman ah?" patawa tawa pa ang loko sa ginawa niya.
"Ang sabi ko gumawa ka ng heart! Hindi yung shape ng alaga mo! Wedding ang theme natin hindi male reproductive system!" pagsesermon ko habang patuloy parin sa pagtupi ng papel para gawing ibon.
"Bastos din naman yung sayo ah!" pagtatanggol niya pa.
"Dove to! Hindi to birdie!" sabay bato ko sa kanya ng naipon kong crumpled papers.
"Bakit hindi ba pwede sa wedding theme ang birdie? E yun din naman yung kinakalikot ng mga kinakasal pagkatapos ng ceremony e."
"Dove and heart nga kasi tayo! Love muna bago landi!" nanggigigil kong inayos ang tinupi niya upang maging hugis heart.
"O sige na nga! Isabit na natin to para matapos na. Baka malate pa tayo sa susunod na subject." isa isa nitong sinabit ang mga gawa namin bago pinagpag ang damit.
"Break time tayo ulol!"
"Kaya nga. Yun ang pinaka importanteng subject sa lahat." di na ako nakaangal nang hilain ako nito paalis.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatingin sa origami art na nakasabit sa bintana. Paikot ikot ito dahil paminsan minsan ay lumalabas ang ihip ng hangin.
Nilibot ko ang paligid nang may napansin akong nakaipit na papel sa gilid ng bintana. Isa itong origami art na hugis eroplano. Napakunot ang noo ko nang mapansin may nakasulat sa gilid nito. At mukhang bagong sulat pa dahil matingkad pa ang tinta.
1/7, 1/9, 1/6, 2/9, 2/9, 1/8, 1/5, 2/2
Ano to?
BINABASA MO ANG
The Game I Call 'LIFE'
Teen FictionAfter being dumped by his boyfriend, George Liz Rivamonte, became the talk of the town again. Lahat ay sinisisi siya sa paghihiwalay nilang dalawa thinking that she's a gold digger and a user. But as cold-hearted as she is, she could care less about...
CHAPTER 2 (Nipa Hut)
Magsimula sa umpisa
