PAGDATING ko palang sa school ay pinagtinginan agad ako. Pati yung guard hindi ako tinantanan ng titig. Di rin nakatakas sa pandinig ko ang bulung-bulungan. Expected naman na to. Hindi na ako nagtaka.
Nasa hallway na ako at ilang hakbang nalang at malapit ko nang marating ang room ko. Aminin ko man o hindi ay parang tinatambol ang puso ko sa kaba. Kaklase ko kasi silang dalawa. Ayaw ko man silang makita ay wala naman akong magagawa dahil maliit lang ang mundo.
Nang nasa tapat na ako ng room ay nagtagal ako sa labas. Tatlong minuto nalang at late na ako. Pinag-titinginan na rin ako ng mga dumadaang estudyante sa likod. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa issue o dahil sa ang tagal kong nakatambay sa pinto.
Unti-unti kong pinihit ang doorknob. Hanggang sa tuluyan nang bumukas. And there, automatic na napalingon sakin ang lahat.
Lahat ay napahinto sa ginagawa habang pinapanood akong maglakad sa upuan ko. Nakita ko sya. Busy sa pag-aayos ng kulay abo niyang buhok. Si Cohen naman, hindi ko alam. Hindi ko sya kayang tignan. Umupo nalang ako na parang walang nangyari.
Umingay ang paligid at nagsimula ang parinigan.
"Ehem! Nandito na pala ang feeling dyosa."
Umangat ang gilid ng labi ko. Naguumpisa na.
"You know what guys?! I smell something cheap. Naaamoy nyo ba?" at sumang-ayon naman ang iba.
I sat up straight, crossed my arms and acted like Jollibees in this class doesn't exist.
Napataas ang kilay ko nang may tumabi sa akin.
"Hi George! Narinig na kasi namin yung issue. Totoo ba na iniwan ka ni Cohen dahil manggagamit ka daw? Hehe."
Automatic na umikot ang ulo ko paharap sa kanya. Hanga din ako sa kagustuhan nitong huwag nang mabuhay e.
"Totoo man o hindi, hindi parin niyan masasagot ang tanong na kumpleto ka naman pero bakit wala kang utak?"
Nakita kong unti-unting nawala yung ngiti sa kanyang mukha. What a nice view.
Yan. Matikal ka kasi.
Tinignan ko si Cohen sa bandang unahan. Hindi manlang sya lumingon. Nakaakbay pa siya sa babaeng katabi niya habang hinihimas ang hita nito. Parang kinurot ang puso ko. Pero hindi ko nalang pinahalata.
'Sino ba kasing nagsabing tumingin ka? Tanga.'
And dali makahanap ng bago. Ang dali niya akong palitan. Kahit paulit ulit kong naririnig sa utak ko ang sinabi niyang ginamit niya lang ako, may parte parin sakin na umaasa ako; Na baka may problema lang kami, na baka may pag asa pa. Pero wala. Ang sakit.
May naramdaman ulit akong presensya sa tabi ko.
"Girl! Sikat ka nanaman! Naku! " pabulong nyang sabi sakin dahil nagsusulat sa whiteboard yung prof namin. Tinapunan ko lang sya ng bored na tingin dahil ayoko magmukhang affected.
Siya si Kim. Sa lahat ng nandito, sya lang ang masasabi kong tunay dito kahit papano. Pero kahit ganon, hindi pa rin ako kumportable sa kanya.
"Don't worry. Hindi naman ako naniwala. Alam ko kaya love story nyo. Sadyang gago lang talaga yang si Cohen. Kahit guwapo pa yan? Hmmp! And by the way, okay ka lang ba?"
'Okay ka lang?'
Hindi ko sinagot yung tanong nya. Yan yung tanong na pinaka-ayaw ko lahat. Dahil kapag ganyan yung tanong, mapipilitan akong magsinungaling.
Alam kong sanay na si Kim sa akin kaya binalewala nya nalang. Hindi ko alam kung bakit ba mahilig siyang dumikit sa akin. Kahit ilang beses ko siyang sungitan lagi parin siyang nakabuntot.
YOU ARE READING
The Game I Call 'LIFE'
Teen FictionAfter being dumped by his boyfriend, George Liz Rivamonte, became the talk of the town again. Lahat ay sinisisi siya sa paghihiwalay nilang dalawa thinking that she's a gold digger and a user. But as cold-hearted as she is, she could care less about...
