CHAPTER 2 (Nipa Hut)

Start from the beginning
                                        

I grabbed my bag and marched my way out of that suffocating place. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo sa akin ng teacher na ito. Wala naman akong ginagawang masama pero para siyang sinisilihan kapag nakikita ako. Kung Hindi lang siya lalaki mapagkakamalan ko siyang buntis at ako ang pinaglilihian.

Since wala naman akong ibang mapuntahan ay dumerecho ako sa canteen. May klase pa kaya ineexpect kong wala masyadong estudyante. Ngunit mali ata ako. Nagkalat ang mga soccer players at iilang cuttingero't cuttingera. At ko nanaman ang center of attention.

"Buti may gana pa siyang pumasok."

"Omg she's here again."

Bawal? Malamang kakain ako. Boba!

Sinamaan ko ng tingin yung mga lalaking sumisipol sa akin. Mga naka civilian yung iba at may hawak pang soccer ball.

"Bro she's looking at you! Damn!"

"I told you crush ako niyan. Let's see." at nakipag fist bump pa ang gago. Crush daw amputa. Di niya alam binabalatan ko siya ng buhay sa utak ko.

Pagpila ko sa linya ay may lalaking tumabi sakin. Yung ungas pala kanina. Ano bang gusto nito?

"Hey George! I was just wondering if I can ask you out. Don't worry. It's all on me."

*wink*

Naguumpisa nanamang kumulo ang dugo ko. Ang lakas din ng loob nitong lalaking to e. At chinicheer pa siya ng mga kasama niyang ugok.

Pagkatapos bumili ay nagpanggap nalang akong walang narinig at dumiretso sa isang upuan. Napasinghap yung mga kasama nya sabay kutya sa kanya dahil di ko manlang tinapunan ng tingin. Hindi siya sinuswerte para pansin ko siya. Alam kong susunod sya dahil natapakan ko ang ego nya pero manigas siya diyan.

"George naman. Huwag mo na akong pahirapan. Labas tayo. Magkano ba bayad sayo? "

Nagtagis ang ngipin ko sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig nitong gagong to ah! Isang maling salita mo pa puputok yang labi mo.

Umupo siya sa tabi ko at kitang kita ang iritasyon sa mukha niya. Alam kong nauubusan na siya ng pasensya at sana alam niya ring wala akong pake.

"Tsk. Kunwari pa. Alam ko namang gusto mo rin ako. Ano? Per hour ba singil mo?"

Napatili ang mga babae. Di ko namalayan na kusang lumipad ang kamao ko sa nguso nya. Oo babae ako, pero malakas ako manuntok. Dapat lang sayo yan. Another talk back and I'll make sure wala ka nang nguso pagtayo.

"Aba't-... PUTA-"

"Marami kang pera diba? Ba't di mo muna unahing iparetoke yang mukha mo? Kesa binu-bwiset mo ako?"

Hindi na maipinta ang mukha nya. Di ko alam kung dahil ba yun sa suntok, sa inis, o sadyang ganyan na talaga itsura nya pagkapanganak.

"A-anong sinabi mo?! Itong mukhang to?! Ipaparetoke ko para sayo?! Sino ka ba sa akala mo ha?! Eh alam ko rin namang gusto mo ako! Pakipot ka pa! E mukhang pera ka naman diba? Kaya ka nga iniwan ni Cohe-" bago pa siya matapos ay isang suntok pa ang muling dumapo sa mukha nya. This time sa kabila na.

Nawalan siya ng balanse at tuluyang bumagsak sa sahig. Itinayo sya ng mga kasama nya. Dumudugo na maski ngipin nya.

Tutal marami naman siyang pera e bakit di siya bumili ng kausap niya? Bobo.

"Kung gusto mo ng babaeng magtitiis sa pagmumukha mo, manghila ka sa kanto! Yung mga kasing panget mo dapat hinahanap mo! Yung di mo na kailangang bayaran. Tsk!"

Lumayas na ako bago pa sya makatayo. Dinig ko pang sumigaw sya out of frustration.

Punyeta!

Sa sobrang badtrip ay naglakad ako papalayo. Nilampasan ko ang guard sa gate at nagdiridiretso palabas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta makalayo lang ako dito sa lugar na to. Wala nang katahimikan! Nyemas!

The Game I Call 'LIFE'Where stories live. Discover now