"Rivamonte! You're spacing out!"
Sino ba yon? Ang ingay.
Napatingin sakin ang lahat. May ilan pang humagikgik.
"Pwede ba?! Kung iniisip mo yang issue mo, isantabi mo muna yan! Makinig ka for goddamn's sake! Ang dumi na nga ng image mo sa school na to e! Umayos ka nga! "
Nangunot ang noo ko. Ano bang problema ng teacher na to?
Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Ramdam ko ang pagkapahiya ng buo kong pagkatao kaya tinitigan ko sya ng masama.
"Aba't anong tinitingin-tingin mo dyan?! Wala ka ring respeto ano?!"
At ako pa walang respeto?
"Respect sir? From the way you talk to your students I'm surprised you even know that word exists."
Nanggigigil na ako kanina pa, tapos dumagdag pa sya. Good luck.
"Aba't-... Hoy Rivamonte! Malakas talaga loob mo ah! Hinahamon mo ba ako?!"
"Tss."
"Bilib din ako sa lakas mo e! Ikaw na nga itong di nakikinig, ikaw pa ang may gang sumagot! Respect ba kamo ha? Bakit? Tataas ba ang grado mo sa ganyang kayabangan mo?"
At anong kinalaman ng issue ngayon sa sa hindi ko 'kuno' pakikinig?
And FYI, nakikinig ako. Hindi lang ako nakikipag-eye contact dahil hindi ko matiis tingnan ang pagmumukha niya.
Tumingin sa akin si Kim na para bang nagmamakaawang huwag nang sumagot.
"Well just to inform you Rivamonte, I am well educated about what respect is and respect is something you need to give EVERYBODY higher than you. At wala ka no- "
"Respect is only given to those who knows the value of it. It's only for those who truly deserves it and are willing to reciprocate. And sorry to disappoint you sir, you're not qualified. " Time to burn somebody's pride.
Hindi lang yun para sa kanya. Para yun sa lahat ng narito na walang pakundangan kung mag interfere sa buhay ng iba.
"A-anong- How dare you?! "
Ramdam ang tensyon sa apat sa sulok ng classroom. Nagbubulungan yung karamihan. Samantalang yung iba, nakalabas na ang cellphone para maghanda sa kani-kanilang bersyon ng breaking news na pwedeng i-broadcast anytime.
Napangisi nalang ako.
Dumapo ang tingin ko sa bandang unahan. Nakita ko si Cohen na nakakunot ang noo, iniisip siguro kung anong klaseng kabaliwan ang ginagawa ko.
Sa bandang kanan naman, I saw his poker face. Kinusot kusot pa ang mata na para bang inaantok at bahagya pang nagulo ang kulay abo niyang buhok. Naiingayan siguro dahil sa commotion.
Tsk.
Ibinalik ko kay sir ang paningin ko. Nagpupuyos na sya sa galit. Tss. Wag kang magalit, ikaw nagsimula.
"Ha?! At bakit Rivamonte?! Anong akala mo sa sarili mo? Karapat dapat irespeto? Sa kabila ng maduming reputasyon mo sa eskwelahang ito at sa ganyang ugali mo naghahanap ka pa ng respeto?! Eh kayabangan lang naman ang meron ka eh!"
"I wasn't the one who asked for respect here, sir."
"A-anak ng... Kita nyo yan?! Napakawalang modo- "
"Di mo na kaya? Madali lang naman akong paalisin. Dami pang satsat."
"Then get out! Saka kana pumasok sa klase ko kapag may pakinabang na yang kayabangan mo!" nagngingitngit niyang turo niya sa pinto.
YOU ARE READING
The Game I Call 'LIFE'
Teen FictionAfter being dumped by his boyfriend, George Liz Rivamonte, became the talk of the town again. Lahat ay sinisisi siya sa paghihiwalay nilang dalawa thinking that she's a gold digger and a user. But as cold-hearted as she is, she could care less about...
CHAPTER 2 (Nipa Hut)
Start from the beginning
