"Charles!" sambit ko sabay siko sa tagiliran nya, hindi kasi sya umiimik. Pero hindi naman sya sumagot.. >.<

"Tama!" sigaw pa ni tita Rose >.< pareho kaming napalingon ni Charles sa pwesto nila. "Ganito nalang ang laro natin. Maghahawak kamay sina Maddy at Charles at lahat ng batang lalaki ay hihilahin si Charles at lahat naman ng batang babae ay hihilahin si Maddy. Kapag naputol ang mgakahawak nilang kamay na hindi lumalagpas sa 5 minutes ibig sabihin na nalo ang mga bata at sila ang makakatanggap ng premyo. Pero kapag sa natapos na ng 5 minutes at hindi pa din napuputol ang magkahawak na kamay nila Maddy at Charles ibig sabihin non sila ang nanalo at maguuwi ng premyo." hano daw?!! sumasakit ulo ko, kanina bahay-bahayan tapos ngayon hawaka kamay??!!

"Eh ano po ba ang premyo" tanong ni Choloy kay tita Rose.

"Isang box ng fried chicken" sagot naman ni tita Rose at agad namang napalingon si Charles sa akin at sinabing...

"Maddy kaylangan nating manalo" at hinawakn nya ang kaliwa kung kamay. "kailangan nating mapanalonan yung fried chicken." mas hinigpitan nya pa ang hawak sa kamay ko.

"huh? teka lang-" magsasalita pa sana ako ng magsalita sya ulit.

"Pumayag ka na lang kasi, wag kang pakipot. Kapag natalo tayo at hindi natin nakuha yung fried chicken ay ibibili mo ako ng isang bucket ng fried chicken sa Jollibee, kuha mo?" sabi nya pa. Teka lang paborito nya ba ang fried chicken? kasi naalala ko nung kumain kami sa Jollibee ang lakas -lakas nya kumain ng fried chicken tapos kanina nahuli ko pa syang kumukuha ng fried chicken na dapat ay para sa mga bata,

"Ayaw ko nga" reklamo ko don sa sinabi nya.

"So, kung ayaw mo eh di dapat manalo tayo dito" sabi naman ni Charles.

"Sige mga bata simulan na natin" sabi ulit ni tita Rose. "handa na ba kayo Charles at Maddy?" dagdag pa ni tita Rose.

"Handang-handa na" sigaw ni Charles at mas hinigpitan pa lalo ang pagkahawak sa kamya ko.

Magkahawak na kami ng kamay ni Charles at sa kabilang kamay ko naman ay hawak-hawak ni Mika sya kasi ang nangunguna sa mga batang babae, samantalng ang kabilang kamay ni Charles ay hawak-hawak ni Choloy sya din kasi ang nangunguna sa mga batang lalaki. Naku patay! ang lakas pa naman ni Choloy sa laki ng batang yun posibleng matalo kami. Oh no!!! :( wag naman po sana... ayaw ko bumili ng isang bucket ng fried chicken sa Jollibee, magastos yun.

Kinuha ni tita Rose ang phone nya para gamitin bilang stopwatch. Nagsimula na ang 5 minutes at nagsimuna na ding kaming hilahin palayo ng mga bata. Mas lalong humigpit ang hawak ni Charles sa kamay ko at ganon din ako sa kanya. Pero problema 'to mapawis kasi ang kamay ko kaya posibleng ma slide ang kamay ko sa kamay ni Charles at matalo kami.. :( wag naman sana.

Her Yellow Notebook (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن