Pagkatapos naming kumain ay namigay na ng aginaldo sina tita Rose at tito Chan sa mga bata. Tuwang-tuwa ang mga bata sa mga natanggap nilang mga laruan, at school supplies. Pati ang mga madre ay binigyan din nila tito at tita ng aginaldo at nag donate din sila ng pera para mapagawa na ang mga sirang kwarto dito sa bahay ampunan. 

Ang bait-bait talaga nila tito Chan at tita Rose. Sina mama at papa naman nangako din na sila ang magpapaayos ng activity area medyo na sira  din kasi ito ng matamaan ng nakaraang bagyo. Tuwang-tuwa silang lahat pati na din ako, nakakagaan talaga ng loob kapag nakakatulong ka sa ibang tao lalo na don sa mga nangangailangan.

"Kuya Charles, kuya Charles, laro tayo" sabi ni Mika kay Charles na katabi ko lang.

"Huh? eh ano lalaruin natin?" tanong naman ni Charles don sa bata.

"Bahay-bahayan" masiglang sabi ni Mika na nakakapit pa sa kanang kamay ni Charles habang ang kabila nyang kamay ay may hawak-hawak na doll. Doll kasi ang natanggap nyang aginaldo.

"Bahay-bahayan?" tanong ulit ni Charles kay Mika.

"Binge ka ba Charles?" 

"Tse, ang epal mo" sabi nya sa akin at inarapan pa ako. eww ang bakla tingnan... although cute sya kapag ginagawa nya yun. 

"Kuya Charles maglalaro tayo ng bahay-bahayan. Kunwari ikaw ang papa ko tapos si ate Maddy naman ang mama ko." tinuro ni Mika ang batang naglalaro sa acvitity area "at yang mga bata na yan, kasama ako ay kunwaring mga anak nyo. At yung mga magulang nyo" tinuro nya sila mama at papa na kasa ang parents ni Charles na nakikipag usap sa mga madre. "Ay kunwaring mga lolo at lola namin" Ngumiti ng napakalad si Mika matapos nyang sabihin ang mga iyon.

"Huh?" gulat na reaction ni Charles sa sinabi ni Mika, pati ako din... Iba kasi ang nasa isipan ko, akala ko kasi gagawa kami ng bahay hindi pala. Aba, malay ko ba sa larong yan eh di ko na try yan nung bata pa ako eh...

"Kuya Charles naman eh, hindi ka ba nakikinig ang haba na nung sinabi ko taps "huh" lang sasabihin mo. Maglaro nalang kasi tayo" nakakunot nuong sabi ni Mika habang hinihila-hila si Charles.

Hindi pa rin umiimik si Charles wala syang sinasabi na kahit ano, siguro hindi pa nag sink in sa kukuti nya ang mga sinabi ni Mika kanina. Pati nga din ako eh, si Charles ang papa tapos ako ang mama? AWKWARD!!

"Mga bata, maglalaro tayo ng bahay-bahayan si kuya Charles at ate Maddy ang mama at papa natin " sigaw  ni Mika don sa mga batang naglalaro. Agad namang tumayo at lumapit sa amin ni Charles ang mga bata at bakas sa mukha nila ang excitement.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon