Chapter 55

33 5 11
                                    

Chapter 55|FINALLE: Hidden Soul

A/N: Last chapter before the epilogue. Please have fun reading this chapter.

THANK YOU SO MUCH!!

***

"The human person is not born into this world just so he/she could die. Man put on this earth to live a meaningful life, to be virtuous, and achieve excellence."

THE GREAT BOOK OF HISTORY OF ALPHA MAGUS UNIVERSITY

Ang aklat na ito ay naglalaman ng samu't sa ring  pagkakahulugan ng buhay ng tao sa mundong ibabaw ukol sa pangyayari, patuloy na nangyayari at sa mangyayari sa hinaharap.

Ang tao bilang isang indibidwal na nagtataglay ng ibat-ibang katangian ay pinagkalooban ng karapatan, proteksyon, responsabilidad, dignidad at abilidad upang maging buo sila sa paningin ng Diyos, kapuwa at maging sa kanilang mga sarili.

Ngunit, ang mga biyayang pinagkaloob sa kanila ay hindi yari kung kaya't nakakaramdam ang tao ng kulang sa kanilang mga sarili. Sapagka't ang tao mismo ang pupuno sa mga pagkukulang na iyon. Dahil sa mga pagkukulang ay hindi maiiwasan ng tao na maghangad subalit ang pag-hangad ng sobra-sobra ay nakakasama.

Dahil sa kanilang mga hangarin ay naging desperado ang tao sa pagkamit nito. Ang isa ay gagawin ang lahat para makamatan ang kaniyang nais. Ang isa naman ay makikipag-buno para magtagumpay, ang mahina ay mahuhuli at ang malakas ay madaling masusungkit ang trupeo.

Kung iniisip mong titigil na ang nag-punyagi dahil nakuha na nila ang tropeo.. pwes, nagkakamali ka! Ang tao ay mapang-hangad. Ang pagka kontento ay walang katapusan, walang limitasyon at walang hangganan.

Ang tao ay hindi marunong makuntento.

Nawawalan sila ng kontrol hanggang sa dumating sa puntong hindi na nila kilala ang kanilang mga sarili. Hindi layong ina-aabuso na rin nila mga biyayang pinagkaloob sa kanila. Wala na silang pakialam kung nakaka-apak na sila ng ibang tao at hindi kinalauna'y magiging sakim. Binubulag na sila ng mga hangarin na umangat at mapunuan ang kanilang pagka kontento.

Hindi sa lahat ng bagay ay may iisang persepsyon ang tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay iisa ang mithiin ng mga ito. Hindi sa lahat ng oras ay manatili ang tao bilang sila sapagka't ang tao ay may sariling pag-iisip at pag-uugali.

Dahil dito ay nabuo ang kadiliman. Madilim, sobrang dilim na animo'y kahit ikaw mismo ay hindi mo makikita ang iyong sarili.

Sinasakop ng kadiliman ang liwanag at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pagsakop. Ang taong may madilim na hangarin ay madaling masasakop nito sapagka't ang dilim ay kasamaan at ang liwanag ay kabutihan. Hindi maaring magkaisa ang dilim at liwanag sa kadahilanang hindi sila nagkakatugma kaya't ang dilim at kadiliman ay iisa.

Sino mang tao ang may madilim na hangarin ay hindi layong makakagawa sila ng kamalian. Magkakaroon ng delubyo at digmaan sa pagitan ng mabuti at masama, liwanag at kadiliman.

Sa gitna ng liwanag at dilim ay ipinanganak ang tatlong tao para tuldukan ang mga puwang sa bawat puso ng tao. Tatlong inosenteng bata ang isa-sakripisyo ang kanilang buhay para sa katahimikan at kapayapaan ng lahat.

Ang tatlong taong ito ay ang mga ITINAKDA upang baguhin ang kasulatan.

MAJIMA o mas kilala sa tawag na salamangkero. Isang batang lalaki ang isinilang na tumataglay ng dugong ito, nanggaling sa angkan ng mga salamangkero subalit hindi siya namuhay bilang isa mga ito.

Alpha Magus University | The Hidden SoulOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz