"S-Sorry po Prof. Zang, pinatawag po kasi kami ni Dean"

"Kayo?"

"Opo, k-kasama ko po si Thrianne"

"Okay take your sit na"

"Thanks po"

Napapahiya syang tumingin sa amin at naupo na sa pwesto. Tinututok ko na ang mga mata ko sa harap. Mamaya ko na sya tatanungin..

Lumipas na ang dalawang subjects ay wala pa rin si Lein. LUNCHBREAK NA

Masama ang tingin nila sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Akalain mong may magkakagusto sa isang babagsaking estudyante?" dinig kong bulong ng isang babae.

"Hoy Allison Faye!" tawag sa akin ni Princess, "Ang haba ng hair mo ah, pano mo naakit si Timrelli ha?"

Anong sinasabi nitong gagitang ito?!

"Anong sinasabi mo prinsesang palaka?"

"Wala naman, nakakacurious lang eh, anong ginamit mong gayuma para maakit mo ang isang Timrelli sa The 5?"

Nandyan na ang mga alipores nya. Bubungangaan na sana sila ni Pringles pero pinigilan ko sya.

"Nasaan si Rangie?"

"Ewan ko! Naku nilulunok ka na nga mga impakta si Rangie pa hinahanap mo?!"

Inismiran ko sya,"ako na ang bahala sa mga toh, kung gusto mo hanapin mo sila—"

"Ay hindi! Hindi kita iiwan dito girl! Hindi bale nang masaktan ako wag lang akong aalis sa tabi mo noh!"

"Wow! Nagdadramahan na naman kayo!"

"Oo nga, teka, balik tayo dun sa isyu nyo ni Tim babes,"tss MakaTimbabes toh," binlack mail mo ba sya para magkagusto sya sayo ha?!"

Inis akong napahalukipkip," FYI, wala akong ginamit na kahit ano sa mga sinabi mo, natural kase na ako, maganda na at maganda pa sa inyo, ako na pinakamagandang babae na nakita ni Timrelli. Natural kase akong tao, oo babagsakin ako, pero hindi naman ako bobita eh, nagkataon lang na bumagsak ako noong nakaraang taon, at proud ako sa sarili ko dahil may isang taong naniniwala at tumanggap sa akin ng buo"

Pinagtaasan nya ako ng kilay, "Ah talaga? So what if agawin ko sya sayo? Anong magagawa mo?"

"May tiwala akong hindi nyo sya maagaw sa akin dahil hindi sya kasing hina ng ibang lalaki, na kapag nakakita lang ng bago ay iiwanan na ung una"

"Ang yabang mo naman, parang gusto kitang—"magtatangka sana syang hawakan ako pero nahinto sya ng may sumabunot sa buhok nya. Napatingala sya dahil matangkad ang babaeng iyon. Si Lein..

"Anong gusto mong gawin sa kanya ha?"

"A-Athena?! B-Bitiwan mo ako!"

"Hoy Princess! Palibhasa inggitera ka kaya mo inaalaska itong kaibigan namin! Sige Thrianne! Bugbugin mo yan! Nang magtanda!" Singhal ni Rangie.

Inawat ko na sila, "W-Wag na, hayaan nyo na yan"

Walang emosyon ang mukha ni Lein,"Sige" pagkawika'y malakas nyang binalibag sa sahig si Princess. Ang mga sisiw naman nyang kasama ay napahawak sa bibig.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon