Chapter 19

9 4 4
                                    

Miya's POV

"Hon." Sabi niya sabay pakita saken ng damit pambaby na kulay blue.

"Hon naman." Sabi ko naman sakanya sabay tingin.

"Oh bakit?"

"Di pa natin alam ang gender niya. Malay mo babae pala. Diba?"

"Edi gawa din tayo ng baby Boy." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Psh. Tumahimik ka nga, hon." Sabi ko sabay lakad palayo.

"Nagbibiro lang naman." Sabi niya sabay sunod at inakbayan pa ko.

"Ewan ko sayo." Natatawa kong sabi.

He's supposed to be the 'pikon/seryoso' here. Bat ngayon nag iba nalang bigla?

Nagulat nalang ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad.

"Oh hon? Bakit?" Sabi ko sabay lapit sakanya.

"Naiihi kasi ako hon eh."

"Ok sige. Ihi ka nalang muna."

"Wag na."

"Bawal pigilan yan. Sige na."

"Eh pan—"

"Ok lang ako, hon. Sige na."

"Ok sige na nga. Umupo ka nalang muna dun ha?" Sabi niya sabay turo sa bench.

"Ok sige."

Agad siyang tumakbo papuntang CR at ako naman ay umupo muna dun sa bench.

1 month na pala akong buntis. Inalagaan talaga ako ng mabuti ni Van. Minsan nga ang OA na! Pero mas okay narin yung ganun kesa naman hindi diba?

Tumingin-tingin ako sa paligid kasi nabobored ako. Maya-maya lang ay tumayo ako at lumapit dun sa may mapagpipiliang damit. Malapit lang naman to sa may bench eh at kung di parin niya ako makikita edi itetext ko nalang siya.

Namimili ako ng mga damit dun nang biglang may kumalabit saken. Napalingon ako sakanya at nagulat nalamang ako nang bigla niya akong sampalin. Napahawak ako sa pisngi ko at gulat na napatingin sa sumampal saken. Mas nagulat pa ako nang makita ko kung sino iyon.

"J-jas."

"Wag mo kong ma Jas2x dahil di tayo close!" Sigaw niya saken.

Napatingin tuloy ang mga tao samen.

"Ano ba problema mo?" Tanong ko. Kalma lang ako kasi baka may mangyari sa baby namin. Nag-iingat lang.

"Problema ko?! Tinatanong pa ba yun?! Ha?! IKAW! Ikaw ang problema ko! Inagaw mo saken ang lahat! Una si Van! Pangalawa ang pamilya niya. Pangatlo ang kompanya! Wala ka na bang ibang magawa sa buhay babae ka kundi lumandi?! H—"

Di ko na sya pinatapos at sinampal siya ng ubod ng lakas.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan saken. Sa totoo lang, ikaw yata tong walang magawa sa buhay eh! Tsaka di mo ba matanggap na wala na kayo? Matagal na yun!"

Nagulat nalang ako nang tinulak niya ako at natumba sa sahig sabay nang may tumawag saken.

"Hon!" Sigaw ni Van.

Lumapit siya saken at agad akong itinayo.

"Ok ka lang? Wala bang masakit sayo? Ha?" Nag-aalalang tanong ni Van

"Oo. Ok lang ako." Sabi ko sakanya nung makatayo ako. Nakatingin lang ako kay Jas na nakataas ang isang kilay. Tumingin din si Van sakanya ng masama.

"What?" Tanong niya ke Van

Unexpectedly Yours (on-going)Where stories live. Discover now