Prologue

55 26 3
                                    

"Good Morning Philippines! And Good Morning World! Hello Everyone! My name is—"

"Anak! Sigaw ka ng sigaw dyan! Bumaba ka na nga!" Sigaw ni mama galing sa baba.

Hahayy.. Kahit kailan talaga ang KJ ni mudrakills!

"Oo na! Bababa na!" Sigaw ko pabalik at bumaba na.

Anyways..

Di ko pa natapos yung pag introduce ko sa sarili ko eh!

Hello everyone! My name is—

"Oh! Lika na!"

Bakit ba ang hilig mong putulin ang sinasabi ko, ma?

So.. My name is—

"Bat ka pa nakatayo dyan? Kain na!"

Nanggigigil nako pa ha! 

"Oo na eto na" Umupo nako at nagsandok na.

So.

Alam kong sabik na sabik na kayong makilala ako.

Kaya..

Hello Everyone! My name is Mi—

"Oh anak, kamusta ang trabaho kahapon? mukhang natagalan ka sa pag uwi ah?"

"Ma!"

Mama naman eh! Yan tuloy! Na sitahan kita!

"Bakit? nagtatanong lang ako"

"Hays. Wala." at kumain na lamang. "Nga pala, nasan na si Marlon at Cha ma?" dagdag ko.

"Umalis ng maaga si Marlon at Cha, alam mo naman busy si Marlon diba? Tsaka si Cha naman, hinatid na ni Marlon sa paaralan niya." sagot ni mama.

Tumango nalamang ako at tinapos na ang pagkain.

"Sige ma, ligo muna ako, papasok pa ako e." at tumayo na.

~ff~

Nag bibisikleta ako papunta sa tinatrabahuan ko. Dahan-dahan lang sa pag ba-bike syempre.

Nang makarating ay kinuha ko na ang bulaklak na inorder ng isang suki namin.

"Bihis na bihis ka ata, Miya? San punta mo?" tanong ni manang Lorna, ang may ari ng flower shop na pinag tatrabahuan ko.

And yes, finally, alam niyo na pangalan ko. Ako nga pala si Mia Romero.

"Ah manang, sabi po kasi ni sir magbihis daw ako pag ihahatid ko na tong bulaklak. Di din kasi sinabi kung bakit e" sagot ko.

"Ah ganun ba? Oh sige punta kana. Baka ma late ka pa sa paghatid nyan." kaya sumakay na 'ko sa bisikleta ko.

Nang pa alis na sana ako.

*Beep beep*

Napalingon ako sa kung saan galing tunog na yun.

"Aaaaaah!"

Muntik na akong masagasaan nung—! Arrrrrrggggh!

"Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"

Nakita ko ang nag da-drive dahil sa salamin nito.

Gwapo ah? Pero kahit na! Muntik parin nya akong nabangga!

Aysh. Mukhang may katawag ata? Hays. Kaya naman pala. Abay—

Naalala ko ang bulaklak kaya napatingin ako agad sa basket ng bisikleta ko.

Nakuuuu!

"Huy ikaw! Bumaba ka!"

Ivan's POV

Unexpectedly Yours (on-going)Where stories live. Discover now