Painful Warmth #30

5.2K 92 10
                                    

CHAPTER THIRTY

5 Years Later

Gianna Suzanne's Point of View

"I-I just want to see her alive again," his eyebrows lowered and pulled closer together. I just sighed and think about what he just said. Maganda naman 'yong fiance niya pero parang disrespectful iyon sa kaniya kasi ibibigay ni Laz sa akin ang mukha niya.

Siguro kung buhay pa 'yon ngayon ay hindi siya papayag sa gustong mangyari ni Laz pero wala na siya kaya nasa akin na ang desisyon kung tatanggapin ko ba o hindi. Ang kinatatakot ko lang ay paano kung magulat ang buong mundo na biglang nabuhay si Alyssa?

"P-Paano kapag magtaka sila kung paano nabuhay si Alyssa?" Tanong ko sa kaniya, napuno ng pangamba ang loob ko.

"Sasabihin ko na kakambal ka niya. No one knew about her dead twin sister," I gasp at what he had just said. Alyssa's twin died? May kakambal pala si Alyssa. So it makes sense ang gusto niyang mangyari. He will put Alyssa's twin's face on me and his reference is Alyssa's face because they're twins. Mukha naman'g maganda ang idea niya. Isa pa, ayos ako sa kung ano ang ipapalit sa mukha ko pero dapat maganda rin.

"I'm okay with any face. As long as my husband can't recognize me, I'm fine," kapagkuwa'y sagot ko sa kaniya na kaagad niyang ikinangiti. Ayos na ako sa mukha ni Alyssa. Isa pa, hindi na ako makikilala ng asawa ko sa mukha na iyon. Sana nga.

With my approval, we made our way to the operating room. Then I laid down on the operating table. Laz will do the surgery and one of his trusted nurse. He will make sure that the nurse won't talk. Huminga muna ako ng malalim bago ipinikit ang mga mata ko.

Earlier, Laz asked me about my medical history and I told him that I'm normal. Wala akong sakit at hindi pa ako nako-confine noon. Sinabi ko rin sa kanya na wala akong allergy na ikinatango niya lang kanina.

"This will be hurt a little, Suzy," I hear Laz's voice that made me nodded while my eyes are still close. It's my first time undergoing surgery and I can feel that my hands are started to sweat. Hindi nagtagal ay marahan nang tinusok ni Laz sa mukha ko ang syringe na may anesthesia.

Anesthesia will help my body to lost consciousness and won't feel any pain during the surgery. Nang naitusok na sa akin ang anesthesia ay unti-unti nang namamanhid ang buong mukha ko hanggang sa tuluyan na akong walang maramdaman.

"Namanhid na ba, Suzy?" Maya-maya ay tanong ni Laz na ikinatango ko lang.

"Okay good, we will now start the surgery." The next moment I experience was a sudden loud sound.

I TRIED TO MOVE my fingers and tried to open my eyes but darkness filled me. Right, my whole face was wrapped in white cotton medical gauze. Wala akong magawa kung hindi pakiramdam ang buong paligid. Maya-maya ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng ward ko.

Rinig ko rin ang palalapit niyang mga yabag. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"You're awake?" I heard Laz's voice that made me sighed in relief. Akala ko kung sino na, si Laz pala. Tumango ako sa tanong niya. Naramdaman ko ang pag-alalay niya sa akin para makaupo ako.

"Are you ready to see your new face?" He then asked that made me nodded. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo. Tinatanggal na niya ang benda sa buong mukha ko. Habang ginagawa niya iyon ay hindi ako mapakali. Nang maramdaman ko na ang malamig na ihip ng aircon sa mukha ko ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng excitement.

Nakapikit lang ako hanggang sa matanggal na ang benda sa mukha ko.

"You can now open your eyes, Suzy," I did what Laz said. My heart is pounding so fast as I opened my eyes. I gasp when my reflection from the mirror welcomed me. Hawak ngayon ni Laz ang salamin at hindi ako makapaniwala sa bago kong mukha. It's really Alyssa. Ang galing ni Laz. Gayang-gaya niya ang mukha ni Alyssa.

That Sense Series #1: Painful Warmth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon