huli na nga ba? huli na nga

1 0 0
                                    


Girl's POV

Noong tayo'y bata pa
Kasama na kita
Mag best friends tayo
Sabi mo nga diba?

Sa lagi nating pagsasama
May nararamdaman akong kakaiba
Tingin ko gusto kita
Ngunit ililihim ko nalang, baka may masira pa

Sa lagi nating pagkikita
Ako'y nagtataka, ibang iba ang kilos mo
At hindi naman ako namamalikmata
Gusto mo din siguro ako, iyan ang sigaw ng isip ko

Pero sa isang iglap nagbago ang lahat
Dumating siya kaya kayo na parati ang nagsasama
Habang ako sinasakal ng sarili kong konsensiya
Huli na nga ba?

Sumaya ako noong bumalik ka
Pero nabura ang ngiti ko nang sinabi mong gusto mo siya
Ay mali, sabi mo pala mahal mo siya
Kaya ka bumalik para magpatulong na maangkin mo ang puso niya

Pagkalipas ng ilang araw
Hindi ko na kaya
Wala nang atrasan pa
Sasabihin ko na sa iyo bago pa ako maputulan ng hininga.

**

Boy's POV

Sabi mo  tutulungan mo akong makuha ang puso niya
Pero bakit parang umaayaw ang sigaw ng iyong mga mata
Sabay nawawala ang kislap nito sa tuwing sinasambit ko ang pangalan niya
At namumutla ang labing tinitingnan ko kapag nagsasalita ka

Sa bawat paggalaw ng iyong mga labi
Sa tuwing magtama ang tingin nating dalawa
Gumagalak itong puso ko
At napapangiti ng parang tanga

Pagkalipas ng ilang araw
Mayroon akong balita
Nakita kita kaya masaya kong sinabi na "kami na!"
Ngunit napansin kong naging blanko ang mukha mo na aking ipinagtaka
"gusto kita" sabi mo pa sabay ng pagpatak ng mga luhang ayaw na ayaw kong makita

Sinusubukan kitang kausapin
Ngunit ika'y di ko na makita
Nasaan ka na ba?
Naglaho na ba ang pagkakaibigan nating dalawa?

Sa mga dumaraang araw, ito'y pinalipas ko nalang muna
Baka sakaling kailangan mo ng oras upang makabalik ka na
Tsaka ako'y may magandang magandang balita
Nalaman kong ikaw pala ang sinisigaw ng puso ko at hindi siya

Sa mga dumaraang linggo, napagtanto kong hindi na kita nakikita
Napagdesisyunan kong puntahan ka nalang at sabihin ang aking nadarama
Bumili ako ng bulaklak at tsokolateng iyong pinakagusto
At dumeretso sa bahay niyo na may ngiting nakakaloko

May selebrasyon siguro sa bahay nang makita kong maraming tao ang nandirito
Pinili kong makisiksikan at pumasok ng tuluyan sa bahay niyo
Pagkapasok ko palang ay isang kabaong ang aking nakita
Pagkalapit ko'y ikaw pala mahal ang nasa loob at nakasuot ng puting bestida

Naging blanko ang aking mukha nang nilapitan ako ni Tita
Nalaman kong may sakit ka at ilang buwan mo nang iniinda
Sinabi ko na sana liligawan kita
Tumulo ang aking mga luha at sinabing "Huli na pala"




09 · 22 · 18






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random WritesWhere stories live. Discover now