Chapter 22

29 4 0
                                    

Maria Therese Angelique's

"Are you okay, Dad?" Kanina pa kasi sya nakatitig sakin habang inaayusan ako. Nangingilid ang mga luha nya pero nakangiti sya.

Lumapit sya sakin at hinaplos ang mukha ko kaya bahagyang napapikit ako.

"Ang ganda-ganda ng prinsesa ko" tuluyang tumulo ang luha sa mga mata nya kaya pinahid ko iyon.

"Wag nyo naman po akong paiyakin, Daddy. Baka takbuhan ako ni JP mamaya sa simbahan sige ka" biro ko sa kanya kaya natawa sya at huminga ng malalim.

"Di nya gagawin yun. Kita ko kung gaano ka kamahal ng batang yun pero kung mangyari man yun, Yayakapin ka ni Daddy gaya ng pagyakap ko sayo noong baby ka pa pag umiiyak ka" hindi ko na rin napigilan ang mapaiyak. Lumaki ako na malayo ang loob sa kanila kasi sobrang strikto nila pero ramdam ko naman na totoong mahal nila ako.

"Thank you Dad. Di man kayo yung pinaka sweet at pinaka showy na Tatay alam ko namang mahal na mahal nyo ako. Salamat po kasi kahit hindi nyo ako tunay na anak, binigay nyo sakin ang lahat"

"Anak kita. Kadugo kita. Kahit hindi ka galing samin ng Mommy mo, galing ka naman sa puso namin at Mahal na mahal ka namin" niyakap ko si Daddy ng mahigpit.

Maraming taon ang nagdaan kung saan ang tagal kong nanalangin na dumating ang panahon na marinig yung salitang mahal at proud sa mga magulang ko. Akala ko noon ay hindi hindi ko na muli pang mararanasan iyon pero iba talaga pag pinagkatiwala mo na ang lahat sa Diyos. Masarap sa pakiramdam at hinding-hindi ka maliligaw ng landas.

"Bakit ngayon nyo pa naisipang mag-iyakan, late na tayo. Tara na sa simbahan" napabitaw kami ni Daddy sa isa't isa at sabay napatingin kay Mommy nung pumasok sya sa pinto.

Nanlaki ang mga mata nya at nangilid din ang luha nya nung makita ako.

"My baby" sinapo nya ang mukha ko at inayos ang veil sa ulo ko.

"Napakaganda mo, anak. Alam mo namang mahal na mahal ka namin ng Daddy mo, diba?" Tumango ako at yumakap din sa kanya bago nila ako inalalayan palabas.

Dito namin naisip na magpakasal ni JP sa lugar kung saan ako laging nagbabakasyon. Nagulat nalang ako nung isuggest sakin yun ni JP dahil para daw malapit ako sa Mommy Maria ko.

Noong isang araw, bago kami maghiwalay ng hotel na tutuluyan ay binisita namin si Mommy. Humingi sya ng basbas at nagulat kami noong may paru-parong dumapo sa mismong balikat nya. Inisip nalang namin na si Mommy yun at masaya sya para sa amin.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng simbahan kung saan kami unang nagpunta ni JP nung nakapasa ako sa board exam. Sobrang memorable sakin ng lugar na to dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong napalapit kay Lord.

"Kamusta, Tere. Ready ka na ba?" Nakangiting tanong sakin ni Cheska. Nasa labas sya ng sasakyan habang ako ay kinakabahang narito pa sa loob. Sya ang maid of honor ko habang si Mackey ang best man ni JP. Ang gusto pa nga ng bakla sya ang maid of honor kasi kami naman daw talagang dalawa ang magsissy habang sina Cheska at JP naman daw ang magtropa. Sinabunutan lang sya ni Cheska kaya hindi na sya nagpilit pa.

"Kinakabahan ako, Cheska" pag-amin ko sa kanya.

"Sus. Wag kang kabahan. Si Johann nga hindi na rin makausap sa loob e" tatawa-tawang sabi nya.

Inalalayan nya akong lumabas nung nag cue na ang wedding coordinator. Nanginginig ang mga tuhod ko. Ilang beses din akong nagbuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko.

"Miss, may nagpapabigay po" nagulat ako nung kinulbit ako ng isang bata. May inabot syang isang stem ng sunflower kaya kinabahan ako. Bago pa ako makapagtanong ay nakatakbo na sya.

TagpuanWhere stories live. Discover now