Chapter 9

28 4 0
                                    

Maria Therese Angelique's

"Anong plano mo sa Sunday?" Tanong sakin ni Arianne. Sa Sunday na kasi ang exam.

"Baka magpahatid nalang ako kay Tatay Toto. Siguro naman pag umalis ako dito before 3 am ay makakarating na ako roon before 6" sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka? Pwedeng sumabay ka na lang samin ni Joseph. Susunduin ka namin sa inyo"

"Hindi na, Sismars. Hassle yun dahil magkaiba tayo ng school na pag-eexaman"

"Sigurado ka ha?" Nginitian ko na lang sya para mapanatag sya. Alam kong ramdam nila ang gap sa pagitan naming dalawa ni JP pero hindi na sila nagtatanong.

"Oo naman. Good luck sa atin!"

"Good luck talaga! Sige na, mauuna na kami. Ingat ka loveyouuu" bumeso pa sya sakin bago lumabas ng faculty room. Uwian na rin kasi. Hinihintay ko nalang naman si Tatay Toto kaya hindi pa ako lumalabas.

Pumasok si Sir Tolits at ngumiti sya nung napatingin sya sa gawi ko.

"Good luck sa exam inaanak ha! O, ito mga pabaon ko sayo. Ubusin mo yan ha. Namamayat ka na" inabot nya sakin ang isang ecobag at nagulat ako na ang daming chocolates, chips, biscuits, candies, chocolate drinks at tubig ang naroon. At lahat ng iyon ay puro paborito ko.

"Hala! Bat ang dami nito, Sir? Mag-eexam ako hindi magpi-field trip" Balak ko pa lang mamili mamaya sa mall ng mga babaunin pero parang hindi na kailangan dahil nandito na lahat ng kailangan ko sa bigay ni Sir.

"Ubusin mo yan ha. Kayang kaya mo yang exam na yan! Sagot ko na ang tarpaulin sa November" biro pa nya kaya napailing ako.

"Maraming Salamat, Sir!" Nginitian ko sya at ginulo lang naman nya ang buhok ko.

"Ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang Ninong" sabi pa nya at saka tumalikod na. Hindi ko sya maintindihan kaya nagkibit balikat nalang ako. Sinapian na naman ata ang taong yun at kinarir na nya ang pagiging Ninong ng bayan.

Nung nareceive ko ang text ni Tatay Toto na nandun na daw sya sa parking ay inayos ko na ang mga gamit ko para umuwi. Kailangan kong magpahinga at ikondisyon ang utak ko bago sumabak sa gera.

"Hi Tere! Good luck sa exam mo sa Sunday" nakangiting sabi sakin ni Cheska nung nakasalubong ko sya sa may pinto.

"Thank you" tipid na sabi ko at kiming ngumiti.

"May mga gagamitin ka na ba?" Saka ko lang naalala na hindi ko pa pala naaayos ang mga gagamitin para sa exam.

"Naku oo nga pala. Sige mauna na ako, mamimili pa nga pala ako ng mga gagamitin" dadaan na lang ako sa mall mamaya. Lapis pa lang talaga ang meron ako. Ano ba naman yan, wala talaga ako sa wisyo. Dati kasi ay si JP ang nag-aasikaso nun.

"Tamang-tama, Halika rito!" hinila nya ako palapit sa table nya at nakita ko roon ang plastic and brown envelope at sa loob nun ay mayroon ring pencil, eraser, ballpen, calculator at sharpener. Napatanga lang ako sa kanya nung inabot nya sakin yun.

"Sayo na yan. Good luck!" Nakangiting wika nya.

"Naku hindi na. Nakakahiya!" Ibinalik ko iyon sa kanya pero hindi nya tinanggap.

"Sayo yan. Tingnan mo nga oh, ang cute pa nung sharpener at eraser, hello kitty. Pero meron din naman dyan na magandang eraser, display lang ata yung hello kitty e" natatawang sabi nya.

"Sayo ba galing to? Bakit ka may ganito?" Umiwas sya ng tingin at nagkalkal ng kung ano sa table nya.

"Ano kase, binebenta ko yan kay Kent kaya lang hindi tinanggap dahil hello kitty nga. Yun, tama! At oo, sakin galing yan. May iba ka pa bang inaasahan?" Nung una ay natataranta sya pero sa huli ay nginisihan nya ako kaya inirapan ko lang sya.

TagpuanWhere stories live. Discover now