Chapter 14

25 4 0
                                    

Maria Therese Angelique's

"Sismars! Ingat kayo sa Baguio ha. Good luck din sa laban. Kayang kaya nyo yan! Pasalubong kong peanut brittle nga pala ha" natatawa lang ako kay Arianne habang nagliligpit ako ng gamit. Half day lang kasi ngayon ang ilang teachers at students dahil mamayang gabi ay babyahe na kami papuntang Baguio para magcompete sa National Science Quest.

"Bakit sakin ka nanghihingi ng pasalubong e kasama naman namin si Joseph dahil siya ang coach ng on-the-spot painting" nginisihan lang nya ako.

"Syempre iba yung hinihingi ko sa kanya. Strawberries at lahat ng uri ng jam tapos kay JP Lengua de gato naman" lahat nalang ng katakawan, alam ng babaeng to!

"Sir Tolits! Anong ipapasalubong mo sakin?" Si Sir Tolits naman ang kinulit nya.

"Ano gang gusto mo? Gusto mo ng sundot-kulangot?" Pati ako ay napatanga sa kanya. Ano yun? Ngayon ko lang narinig yun.

"Ano yun?" Takang tanong ni Arianne

"Pagkain yun na matamis" sagot ni Sir Tolits kaya nagkatinginan nalang kami ni Arianne at sabay na nagkibit balikat.

"Sige yun nalang para matikman ko" tumango lang si Sir Tolits at naghanda na rin pauwi.

"Baby tara na?" Napa-angat ako ng tingin nung pumasok si JP na kasunod si Cheska. Ang close pa rin talaga nilang dalawa. Tumango lang ako sa kanya at saka binitbit ang gamit ko.

"10 pm ang kitaan natin dito sa school mamaya ha. Kailangan makarating tayo dun ng maaga para maka-abot sa registration. Paki-update nalang ulit ng mga bata nyo" paalala pa ni Tr. Caren samin bago umalis.

Anim na essay writers ang hawak ko. 3 sa English at 3 din sa Filipino --grades 4, 5 and 6. Samantalang si JP naman ay sa Damath at Sci-Dama ng junior high school nagkocoach. Magaling sya dun dahil panlaban din namin sya nung high school.

Saktong 9:30 ng gabi ay sinundo ako ni JP sa apartment para sabay kaming pumunta ng school. Pagdating doon ay chineck ko muna ang mga writers ko at nakahiga naman ako ng maluwag nung kumpleto na sila. Bus ang sasakyan namin dahil masyado kaming marami.

"Sis! Bakit hindi tayo magkasama sa sasakyan?" Nakangusong bulong sakin ni Mackey kaya napatawa ako. Silang dalawa ni Cheska ang coach ng collage at bukod sila ng sasakyan dahil ang dami nilang props na dala. Pang elementary at high school na yun.

"Yaan mo na. Kasama mo naman si Cheska" lalo lang syang ngumuso.

"Napakadaldal ng babaeng yun. Naiinis ako. Gusto ko tayong dalawa ang magkasama sissy. Sige na magpalipat ka na samin!" Umabrisiete pa sya sa braso ko.

"Baliw ka. Hindi pwede. Saka ayaw mo ba nun? Luwag yung sasakyan nyo dahil kayo lang ng mga participants at ni Cheska ang sakay nun kasama ng mga props" natatawang pang-uuto ko nalang sa kanya at inirapan naman nya ako.

"Tere, nasaan na yung mga writers ng elementary? Isama mo na sa junior at senior high" sabi sakin ni Tr Caren habang busyng busy sa paglilista.

"Okay na po sila. Ayun po" tumango-tango naman sya at nag-ikot na ulit.

"Okay, settled na lahat. Yung mga participants at guardians/parents ay sa bus sasakay samantalang yung mga coaches ay sa van nalang maliban sa collage dahil maselan yung mga props. Kayo ang nakakaalam nun kaya bahala na kayo sa van nyo" lalo namang sumimangot si Mackey dahil sila lang ni Cheska ang mapapahiwalay samin. 

"Tere!" Napalingon naman ako nung narinig ko ang boses ni Myka. Anong ginagawa ng buntis na to dito? Ang laki-laki na ng tyan nya.

"Bakit ka nandito, sismars?! Dapat nagpapahinga ka lang sa inyo!" Sermon ko sa kanya pero tumawa lang sya.

TagpuanWhere stories live. Discover now