Chapter 21

31 4 0
                                    

Maria Therese Angelique's

"Teacher Therese, excuse po. Ito na po yung mga projects naming scrapbook" napatingin ako sa mga estudyante kong nasa pinto ng faculty room. Binaba ko ang salaming hawak at sinenyasan silang pumasok.

"Ang aga ata. Next week pa ang binigay kong deadline sa inyo ah. Kumpleto na ba to?"

"Opo Cher. Maaga po kasi kaming natapos dahil ginagawa na namin tuwing vacant at pagtapos po naming maglunch pag di pa start yung klase" napangiti naman ako sa kanila. Masaya ako dahil responsible at disiplinado na sila sa mura nilang edad. Sinabi ko kasi sa kanila na sa school gagawa at hindi sa bahay. Hindi ko kailangan ng bongga at pinagkagastusang project pero hindi naman estudyante ang gumawa. Creative ang mga bata. Kailangan lang magtiwala sa kakayahan nila dahil ikaw din mismo ang matututo sa kanila.

"Okay, very good. Nalinis na ba ang room?"

"Opo Cher. Naglilinis na po ang cleaners" tumango tango naman ako at pagkuwa'y ngumiti.

"Sige. Mag-iingat kayo sa pag-uwi ha. Wag aalis hanggat walang sundo. Pupunta ako dun maya-maya"

"Cher, wag na po. Kami na po ang bahala. Magcheck nalang po kayo dyan" napataas naman ang kilay ko.

"Anong meron sa classroom?" Napakamot naman sila sa ulo nila.

"Wala po naman po, Cher" tinitigan ko sila at umiwas naman sila ng tingin. Humalukipkip ako pero ang mga batang makukulit ay sumaludo lang at nagtatakbo na palabas ng faculty room.

Tumayo ako dahil gusto kong icheck ang classroom ko. Baka may nag-away na dun o di kaya ay damusak na naman.

"Hoy, sissy! Saan ka pupunta?" Nakapamewang pang tanong sakin ni Mackey.

"Sa classroom. Baka kung ano na ang nangyari dun. Ang weird nila Kevin at Lester e"

"Wag na. Dumaan ako dun kanina okay naman. Mga naglalaro lang sila ng chess habang naghihintay ng sundo" sabi nya habang hinihila ako pabalik sa table ko at pinaupo dun.

"Magcheck ka nalang. Mahiya ka naman, ang aga magpasa ng project ng mga estudyante mo tapos late mong chechekan" pangongonsensya pa nya kaya inirapan ko nalang sya.

"Ichecheck ko lang naman ang room ko e. Baka damusak na naman yun dahil pinaglaruan na naman nila ang mop"

"Di yan. Dali na. Magcheck ka na. Need mo ba ng ballpen na green? Meron akong extra dito. Dali!" Excited na sabi nya kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit ba? Ang weird mo"

"Excited lang ako sa mga projects kasi makikitingin lang ako habang nagchecheck ka" nakangising sabi nya kaya napailing nalang ako.

Nagstart akong magcheck ng project ng mga bata at so far, maayos naman ang gawa nila. Napatingin ako kay Mackey na parang aso na nakatanghod sa tabi ko. Di ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na sa ginagawa.

Nung yung pang anim na ang chechekan ko ay nakita kong parang makapal na libro iyon. Hinanap ko ang pangalan ng nagpasa pero wala.

Compilation kasi ng mga maiksing kwento, bugtong, salawikain at tula ang paproject ko at pinalagay sa scrapbook. Ang simple lang ng pagkakagawa pero malinis.

Kanino kaya to? Ang ganda pa naman.

Binuklat ko iyon at tumambad sakin ang puting puti na papel. Sa gulat ko ay winisikan iyon ni Mackey ng tubig.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Baka naiinitan yung papel" tatawa-tawang sabi nya. Iiling-iling na binalik ko ang tingin sa papel. Napakunot ang noo ko nung may nabasa akong mga salita sa mga basang parte.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon