Chapter 19: Who is this girl?

113 11 1
                                    

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

~❦~

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


~❦~

Chapter 19:

Break time namin kaya tumayo na ako para sana bumili ng pagkain ng abutan ako ni Keisha ng isang Styro

"Kainin mo yan" sabi nya sa akin

"Huh?" Tanong ko sa kanya

"Niluto ko yan para sayo, Dali kuhain mo na" sabi nya sabay upo sa tabi ko kaya kinuha ko nalang yun

"Sige salamat" sabi ko sa kanya sabay ngiti

"Ano sagot mo dun sa sinabi ko sayo kagabi? Wala kang sinabi eh" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya, nagkatitigan kami saglit pero umiwas sya ng tingin at nagsalita

"Sorry sorry, di naman kita pinipilit, sorry din kasi nag confess ako sayo" sabi nya sa akin

"Ba't ka nag so-sorry di naman kasalanan yung pag co-confess sinabi mo lang naman yung nararamdaman mo sakin"sabi ko sa kanya kaya napatingin sya at napangiti sa akin

"Sige na kain ka na" sabi ko sabay bukas na ng styro na may laman na carbonara

"Pwede bang atleast kahit isang linggo lang na maging close tayong dalawa bago mo ko bastedin" sabi nya sa akin

"Bastedin? *laugh* bakit sa tingin mo na babastendin kita?" Sabi ko sa kanya

"Bakit hindi ba? "Tanong nya habang nanlaki ang mata

"Wala akong sinasabi, I mean ba't siguradong sure mo naman. sige sige kilalanin muna kita" sabi ko sa kanya

(Jessy P.O.V)

"Woah sila na ba? Ba't may pabigay bigay sya ng pagkain kay Jaewon? " Sabi ko

"OMG bagay sila" sabi ni Rose

"I will support them" sabi ni Jean sabay smile at thumbs up

Nag buntong hininga lang naman si  Lei sabay open ng phone nya

***

(Jaewon P.O.V)

"Sige jaewon uwi na ako"sabi ni Keisha sa akin

"Hatid na kita, wait lang" sabi ko sabay kuha ng bag ko

"Wag na"sabi ni Keisha

"Hatid na kita" sabi ko sa kanya kaya napangiti naman sya sa ako

(Keisha P.O.V)

"Sure ka talaga ihahatid mo ako?" Sabi ko sa kanya

"Oo naman" sabi nya sabay para ng taxi, pinagbuksan nya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob.

"Kailan ka nagsimula maging backup dancer?" Tanong nya sa akin

"Since 2016 pa ako backup dancer, matagal na rin" sabi ko sa kanya

"Wow, nag aaral pa ako nyan eh hahaha" sabi niya sa akin

"Pero atleast magaling ka sumayaw ah" sabi ko sa kanya

"Passion ko na kasi talaga dati pa yung pagsasayaw tsaka walang araw na hindi ako nag pa-practice" sabi nya sa akin

"Aalis ka na talaga, sayang galing mo pa naman kanina sumayaw" sabi ko sa kanya

"Last nalang kasi yun kaya nanghihinyang ka, wag ka mag alala baka soon matutuloy ko rin yung pag sasayaw ko" sabi nya sa akin pero bumuntong hininga lang ako

Maya Maya lang ay nakarating na rin ako

"Bye" paalam ko sa kanya sabay labas ng taxi

*Next day*

Pinasok ko yung kamay ko sa bulsa ko para kuhain sana yung cellphone ko at para tingnan yung oras pero wala

Hala baka naiwan ko sa WhyG

"Uhm...kuya sa WhyG Building po", sabi ko kaya dun nya ako binaba

Pagkalabas ko ng taxi agad akong pumunta sa dance practice room ng makita ko si Anthon na kasama yung luck aces

Nakita rin naman ako ni Anthon pero iniwas ko lang yung tingin ko at kinuha nalang yung phone ko ng marinig ko yung sinabi ni Anthon

"May gusto ako kay Lei sinabi ko na sa kanya kagabi kaso wala pa syang sagot eh, Lei ano ba sagot mo?" Sabi ni Anthon sa kanya

"Woahh!!" Sabay sabay na sigaw nila Jean

Tumingin lang naman ako Kay Lei at lumabas nalang at di hinintay yung sagot ni Lei

Nang makalabas ako ng WhyG agad na akong pumara ng taxi

***

*AFTER 3 DAYS*

Pagkapasok ko sa Dance Practice room nag pa-practice ulit yung mga backup dancers since last day ko nalang nung nakaraang nakaraang araw na makisayaw sa kanila umupo nalang ako at nanood sa kanila

Sa tatlong araw na yun mas naging close kami ni Keisha at mas naging close na rin si Lei kay Anthon. Para ngang sila na eh. I'm not sure kasi di ko naman narinig yung sagot ni Lei kay Anthon.

"Hey pwede ba tayo lumabas mamaya after ng practice" sabi ni Keisha sa akin

"Sige" sagot ko sabay tango

(Seokhwa P.O.V )

Inopen ko yung FG ko at nakita ko na may nag follow sa akin

Ccc_._ started following you

Sino toh?

Pinindot ko yung account nya at nakita ko na may picture sya with kuya

Kilala toh ni Kuya? Bagong friend? Backup dancer rin? Infairness maganda sya

Pero mas maganda parin si Ate Lei

"Seokhwa!!!" Tawag sa akin ni mama

"Po?" Tanong ko

"Palabhan mo nga toh sa laundry since di ka naman pumasok. Bakit nga ba di ka pumasok?" Sabi ni mama

"Ah ma, wala daw po kasi kaming gagawin" palusot ko dahil di ko naman pwede sabihin yung totoong rason dahil siguradong dadagdag pa ako sa problema, pero bukas na bukas papasok na ako

"Ah sige sige, pa laundry mo na yan" sabi ni mama kaya agad na akong kumilos

Gusto ko sana itanong kung nasaan si Papa kaso baka ma bad mood eh tsaka baka sigawan pa ako.

IM INLOVE WITH MY IDOLDonde viven las historias. Descúbrelo ahora