00

76 14 2
                                    

August 21, 2011

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagising nalang ako na nasa harap na ako ng kabaong ko. Maraming tao ang nakiki-lamay sa pagkamatay ko pero hindi ko sila maalala. Pati ang pangalan ko ay hindi ko na rin alam. Parang isa akong sanggol ngayon na walang sariling pagkakakilanlan. Hindi ko alam kung paano ako namatay, hindi ko alam kung sino ang pamilya ko at higit sa lahat wala akong alam sa buong pagkatao ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay kaluluwa na ako at ang katawan ko ay ang nasa loob ng kabaong na nasa harapan ko ngayon.

Nilibot ko ang paningin ko sa lahat ng tao pero kahit isa man lang ay walang memories na pumapasok sa utak ko ngayon. Dumungaw ako sa kabaong ko at walang emosyong namutawi sa puso ko kahit alam kong patay na ako.

Nakasuot ang katawan ko ng isang napakagandang puting dress at light na make-up para matakpan ang mga pasa ko sa mukha. Hindi ko alam kung saan galing ang mga pasa ko sa mukha at napansin ko ring may malaking sugat ang aking leeg na tila binigti.

Lumibot ako sa chapel kung saan ako nakaburol ngayon. Pinakinggan ko ang mga taong nag-uusap para magbakasakali na may malaman ako tungkol sa pagkamatay ko.

Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ng mga naglalaro ng tongits at nakinig sa pinag-uusapan nila.

“Mare ano raw kinamatay ng batang 'yan?”

“U.T.I raw. May namamatay pala sa U.T.I no?!”

“Kawawa ang bata pa niyan e. Akalain mo pitong taong gulang lang. Tapos wala pang mga magulang. Tanging yung kapitan nga lang natin ang nagpaburol diyan. Pagkatapos mamatay iniwan nalang ng tiyuhin na parang pusa sa bahay nila. Bukas na rin ililibing yan. Si kapitan na rin ang magpapalibing.” alam ko ang mga naririnig ko pero hindi pumapasok sa utak ko ang mga nangyayari. Siguro nga dahil 7 years old pa lang ako at di pa gaanong malawak ang pag-iisip ko.

' 7 years old na  pala ako.'

Nag libot libot pa ako sa chapel at may nakita rin akong nakaburol sa katabing bahay lang ng chapel.

~

November 02, 2011

Magtatatlong buwan na rin pala ako dito sa pinaglibingan kong sementeryo. Nag-aantay kung may dadalaw ba sa puntod ko. Marami na rin akong nakitang mga dumadalaw sa ibang puntod, nag-aalay ng kandila at mga pagkain pero wala namang kumakain kaya nasasayang lang. Hindi ba nila alam na ang mga mahal nila na namayapa ay wala na dito sa lupa kun'di nasa langit na at na-reincarnate na bilang tao uli pero sa ibang katawan at iba na ang katauhan.

Matagal ko ng inaasam na makatuntong sa langit at ma-reincarnate. Ayoko na dito sa lupa. Walang nakakakita sa akin bukod sa mga kaluluwa rin na kasama kong hindi pa nalalaman kung bakit hindi pa kami ma-reincarnate. Sa madaling salita, mga kaluluwang ligaw.

Siguro kaya hindi pa rin makapunta sa langit at ma-reincarnate dahil na rin sa hindi malamang dahilan ng aking pagkamatay at buong pagkakakilanlan. Dapat nung 40 days ko palang namamatay ay naka-akyat na ako sa langit pero ang sabi ng mga matatandang ligaw na kaluluwa ay baka daw may misyon pa ako dito sa lupa at kailangan ko munang magawa 'yun bago ma-reincarnate uli sa bagong katauhan.

Magtatatlong buwan palang ako dito pero yung puntod ko ay napa-palibutan na ng mga nagtataasang mga damo at puro putik na ang gilid ng daanan malapit sa puntod ko. Nababakbak na rin ang mga pintura dahil nga sa walang dumadalaw at nag-aalaga sa puntod ko. Hindi ko naman ito maayos dahil hindi naman ako nakakahawak na dahil nga sa kaluluwa nalang ako.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang