Chapter Two

19 5 0
                                    




"Amelia look! Kanina ka pa tinitignan nung lalaki roon sa bench.." turo ni Jenah sa may malaking puno at may bench sa harapan. Napatingin ang ilang mga estudyante sa lakas ng pagkakasabi niya.Napatayo naman ang lalaki sa gulat na nahulog pa nga Ang hawak hawak nitong black notebook at pinulot nito atsaka muling tumingin dito sa aming puwesto at ito'y umalis na,binilisan nito ang pag lakad na tila hinahabol ito ng aso. Nagmukha tuloy itong penguin.

Nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bunganga niya.

"What the hell Jenah?! Ang lakas ng pagkakasabi mo." I greeted my teeth. Tumawa ito at uminom ng tubig sabay subo ng tsi-tyirya. Napailing ako at kinagat ang sandwich na binaon ko kaninang umaga. Kanina ko pa nga napansin na tinititigan ako nung lalaki na mukhang Third year high school simula noong kami'y pumasok sa cafeteria,Ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin kung hindi lang talaga madaldal itong kasama ko.

Dito Kami ngayon Nakatambay sa cafeteria. Dahil bawal kumain sa loob ng classroom dahil mangangamoy ito, Air-condition kasi ang bawat classroom.Madami din ang studyanteng narito iba't iba ang ginagawa may nagkwe-kwentuhan,nagtatawanan at nagkakantiyawan.

Halos dalawang buwan na din ang nakalipas nang maging magkaibigan na kami ni Jenah. Masayang kausap si Jenah but napakamalisosya nito. Sa aming pagsasama,napansin kong kalog ito at malayong malayo sa inaakala kong di makabasag pinggan na nakakabasag ng eardrum pala.

"Oy..." kalabit nito. Kunot noo akong lumingon sa kanya. "Oh?"

"To' naman ang sungit agad.." natatawang ani nito.
Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya para hindi na humaba ang pang-aasar nito.

"Bakit?"

"Wala... Sa tingin mo Amy, May nagkakagusto Kaya sa akin?"seryosong tanong nito sabay buntong hininga. Natawa naman ako. Maraming nagkakagusto kay Jenah dahil sa mabait ito at maganda na parang cute depende sa mood nito sadyang hindi niya Lang type ang mga nagkakagusto sa kanya.

"Ang bata bata pa natin Jenah,Ayan na agad pino-problema mo. Kung ako sayo mag-aaral na lang ako ng mabuti para na rin sa kinakabukasan natin.."Payo ko dito.

"Wow... Ang mature naman, I mean parang Ang sarap sa feeling pag may boyfriend ka diba? Kasi..."She paused. "Uhm..Ay ewan kakanood ko kasi ng romance movie huhuhu."hindi ko mawari Kung ito'y kuryuso o nagloloko.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Totoo ngang nakaka-curios pero we're still teen pa. I think it's not safe to take the risk." Ani ko.

"Opo Lola,"nakangising sagot nito.

"Oh? Ba't ka nakangisi? Mukha kang chihuahua.." natatawang sabi ko rito.

"Ano? HAHAHAHA malaki mata ng chihuahua,Singkit Kaya ako Duh!" Malakas na tawa nito habang hawak hawak ang tiyan iba at tumatalsik pa nga ang karga ng kanyang bunganga.Napatingin ang mga estudyante sa kanya. Makalipas Ang ilang segundo ay Hindi pa ito tumigil sa pag tawa Kaya iniwan ko ito dahil nakakahiya na. Nagmukha tuloy siyang baliw na tumatawang mag-isa.

Nang mahismamasan ito ay tumingin ito sa kanan at Hinahanap ang presensiya ko.

"Hoy Amelia! Buset ka talaga!"Pagalit na natatawang sabi nito habang papalapit sa akin.

"Parang baliw ka kasi,Ang lakas lakas ng tawa.."naiiling na saad ko rito.

Maraming napapatingin sa pagdaan namin sa Quadrangle or Kay Jenah Lang. Nakakasilaw kasi ang puti at kinis ng Balat nito lalo na pag nasisinagan ng araw.

"WOW HA? ANG RACIST MO SA MGA BALIW
Hashtag: I'm disappointed,Pag malakas tumawa baliw na agad? Hindi ba pu-puwedeng masaya Lang?...."huminto ito at tila nag-iisip pa ng sasabihin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chained Hearts (Chained series#: 1)Where stories live. Discover now