Prolouge

31 5 0
                                    


|Warning! Errors Ahead|

"Hala Siya! Akala ko ba...."

Nagulat si Jenah nang makita akong bumaba ng sasakyan sa parking lot,Habang hawak-hawak nito ang susi ng kanyang sasakyan sa ikalawang kamay at ang branded bag naman nito sa kanan.

Napabaling ako ng tingin sa kanya. Nakasuot ito ng hapit na black dress na may hawi sa dib-dib at may nakapatong na blazer at black stilettos.

"What changed your mind,Amelia?" Patuloy nito. Habang sabay kaming naglalakad sa ilalim nang matarik na Araw.

Reunion ngayon ng aming highschool batch. Minsan akong natanong ng aking matalik na kaibigan na si Jenah Kung ako ba ay pupunta sa reunion subalit nabanggit  ko na hindi ako pupunta dahil na rin sa busy na duty bilang police officer.

"Uh...Si Chief kasi nalaman niya na may Reunion akong dapat puntahan."

Nakapasok na kami ngayon sa pasilyo ng paaralan. Magkalayo kasi Ang parking lot at ang paaralan nakapwesto ito sa bandang gilid ng isang hospital.

"Oh? Di ko gets Amy," Kunot noo nitong Tingin sa akin sabay punas ng pawis sa noo. Napabuntong hininga ako.

Ang chief sa station na aking pinag-tatrabuhan ay Ang aking uncle sa father side. Kaya nang nalaman nito na may reunion Ang high school batch KO ay pinilit ako nitong papuntahin. Kaya naman hindi ko ito napaghandaan at Ang suot ko lamang ay isang Plain white-tshirt na may pangalan ng isang brand sa Gitna , skinny jeans na may pilat sa tuhod at sneakers na sapatos na aking nakita lamang sa locker.

"Hindi pa kasi ako nakakapag-take ng leave ,Jenah, Kaya naman ipinagtabuyan ako nito sa station."

Ngayon Lang naman ito ginawa ni chief at alam nitong tapos ko na gawin Ang report sa mga kasong hawak ko kaya malakas Ang loob nitong paalisin ako.

"Napaka-hardworker mo Amelia ha! If I know lang na kaya ka nakasubsob sa trabaho because.....?"
Malisosyang lintaya nito na nakakaagaw pansin sa mga taong nadaraanan namin.

Kunot noo akong lumingon sa kanya.

"Seriously? No reason at all Jenah, Nag E-enjoy lang ako sa trabaho." Natatawa kong sabi at hawi ng ilang hibla ng aking buhok na nahuhulog mula sa pagkakatali ko nito.

"Sus, Ang humble Ha! I heard Pina-unlakan Ni Calvin yung invitation sa reunion,Nagkausap na ba kayo?" Maingat nitong tanong.

Calvin is my last ex-boyfriend noong college. I can't say na we were on good terms when we broke up. It was a heavy break up,there was no clear closure Between us but it's been a long time so I don't think it would spoil the atmosphere between us since I think both of us are more mature now than before if ever na mag kakwentuhan kami or maybe not.

"Hindi pa, Ikaw kamusta na kayo Ni Emil?" Pagbabago ko ng topic dahil hindi na ako komportable sa takbo ng usapan.

Sabay kaming lumiko at sa pagliko ay matatanaw mo ang mga iba't ibang klase ng bulaklak na nakatanim at may kanya kanyang fence sa bawat klase ng bulaklak na dating mini-playground noong dito kami nag-aral. Maraming na ang mga Tao at nagkwekwentuhan, nagkakamustahan na naka upo roon sa mga bench at ang iba naman ay nasa gilid ng canteen.

"Going strong pa din naman."
Napansin nito Ang pagbabago ko ng usapan Kaya naman hindi na nito pinilit pa.

Nakapasok na kami sa gym. Wala namang masiyadong nagbago sa mga pasilyo at building ng eskwelahan bukod sa  pintura nito na dating kulay brown na ngayo'y blue na.

Sa harap ng gym ay Ang malaking poster na ang nakasulat ay reunion ng high school batch. Maraming mga table ang magkakahiwalay hiwalay at may walo na upuan ang nakapalibot dito. Sa ibabaw nito ay may mga baso at bulaklak na nakalagay sa clear vase na nasa gitna. 

Chained Hearts (Chained series#: 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora