"Kinakausap ka ni Thriane! Gabi na oh, tsaka marami pa kayong gagawin bukas e" paniniguro ko. Nag-angat sya ng tingin at direktang nakatitig kay Thri. Ano naman kayang iniisip nito?

"I have a bad news to you.." bulong nya pero dinig na dinig ng tenga ko. Paano kase ay hindi sya lumapit sa babaeng kausap nya, parang pinaparinig pa sakin eh! Pero bigla akong natauhan sa sinabi nya.... Ano naman kayang bad news iyon?!

" Tell me.."

" Officer Simson founded a liquid form of formalin... inside the body of the two victims"

Gulat akong napalingon kay Thrianne. May hindi sya kinekwento sa akin ah!

"May tendency na pinainom ng tubig ang mga biktima, sa tantsa ko ay may kakaibang lason din ang nilagay nila sa formalin. Hindi namin matrace kung anong klaseng lason iyon. Pero may nakalap pa kaming impormasyon mula sa NMU, may isang organisasyon doon na gumagamit ng mga fraternities para makapagblack mail and at the same ay magamit ang signature poison nila. Lahat ng maaaring sangkot sa kanila ay minomonitor nila at pinapatay ng hindi nalalaman ng iba. Actually tumigil na sila last two years ago, kaso sa di malamang anggulo nito ay bumalik silang muli at mas matitindi ang ginagawa nila. May mga katulad din na cases doon like sa ginanap na Acquintance Party last Monday, may nareport na dalawang nawawala din kinabukasan."

Nahintakutan ako sa mga natuklasan. Hindi pala basta-basta ang kasong nililihim sa akin ni Thri. Ngayon naiintindihan ko na. "Teka nga, sino ba kase yung mga biktima na sinasabi nito?"

Nagtatakang tumingin sa akin si Mitch, "Hindi nya ba sinabi sayo?"

"Ha! Paano nya sasabihin eh busy lagi sa school ano!" hindi ko na tinukoy ang pambubuyo ng pinsan nito sa kanya. Nililimitahan ko naman ang mga sinasabi ko. Ayaw kase ni Thri ang maraming sinasabi, gusto nya sa kanya manggagaling.

" Ang mga biktima ay sina Chelsea and Dimples-"

"W-WHAT?!" sobra ang pagkakasigaw kong iyon. "t-totoo ba yang sinasabi mo?! Baka nagkakamali ka lang!"

Marahas na bumuntong hininga si Mitch at yamot na napatingin kay Thri. Ngumiwi naman ang babaeng ito sa kanya.

"Tss.. bat kase sinabi mo pa, eh alam mo namang OA yan magulat"

"Hayss, anyway, nasabi na ng mga pulis sa mga pamilya ng mga biktima ang nangyari. Actually gusto nilang paimbestigahan ang nangyari pero nitong nakaraan lang gusto na nilang iurong ang kaso. Isn't it weird right?"

"Yeah, siguro dahil naging pabaya ako kaya nangyari toh.." naisatinig ni Thri. Lahat kami ay natahimik sa kanya. Nag-aalalang tumingin sa kanya si Mitch. Maski rin ako ay hindi makapaniwala, paanong hindi napansin ni Thrianne ang mga nangyayari?

"W-Wait, kelan sila namatay?" sabat ko.

"Monday" sabat ni Mitch."I know it's Monday, kase nitong Sunday ay wala namang trapal na sinasabing nakatakip doon sa lupang pinaglibingan nung dalawa. And nung inexamine ang katawan nila, sariwa pa nga daw eh-" nahinto siya sa pagpapaliwanag ng bahagyang nanlalaki ang mga mata. "K-Kil..posible kayang?!"

"Oo..posibleng ang katawan nila ay nilagyan ng dextrose pagkatapos painumin ng lason para magmukhang sariwa ang mga bangkay. Ang ganitong estilo nila ng pagpatay ay hindi na pangkaraniwan sa akin. Sa palagay ko, pinatay na sila bago pa umabot noong Linggo." Walang kagatol-gatol nyang sabi. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa dami ng natuklasan ko. Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong karumal-dumal na krimen.Nangingilid na ang mga luha ko.. naging kaibigan ko din si Chelsea at kaklase ko noon si Dimples. Paano nilang sinapit ang ganito?

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now