Chapter 11

36.9K 827 48
                                    

"Tumaba ka, ah." Puna ni Celine habang nakatitig sa kanyang katawan. She just shrugged and continue eating.

"Nawala na sa isip ko mag-gym, eh." Yugon niya habang ngumunguya.

"May belly fat ka na rin. May plano ka bang magpataba?"

"Don't mind me, Celine. Isipin mo na lang kung paano mo mapapaibig si Uno." Paglilihis niya sa usapan.

Uminom na siya ng tubig at itinapon ang walang lamang box ng pizza.

"Mahirap, Corrine. Para akong nagpapabuhay ng bato. Impossible."

"Tss. Ang tanga mo talaga."
Naiiling na wika niya sa kaibigan.

"Mas tanga ka pa rin." Ganti nito kaya binatukan niya ang kaibigan baka sakaling magising.

"Kung sabihin mo na lang kaya kay Uno na hindi mo boyfriend si Dos. Na nagpapanggap lang kayo para makuha mo sya." Suhestiyon niya. Pati siya ay napapagod na sa patago-tago. She don't want to feel like she's kept woman.

"Kung ganoon lang kadali.."

"Ano bang mahirap 'dun? Sasabihin mo lang naman." Aniya.

"Sa tingin mo maniniwala sya? Kung maniniwala naman sya susumbatan nya ako at sasabihing ginamit ko lang si Dos at pinaglaruan."

She sighed and sat beside her bestfriend. Bakit nga ba sila nagpakatanga sa magkapatid na iyon. If they can just teach their hearts to love someone else, matagal na niyang tinuruan iyon.

"Kunsabagay. Ang tanga mo rin naman kasi! Bakit mo pa naisipang gamitin ang boyfriend ko?" Kunwari ay naiinis na biro niya rito.

"Correction, hindi mo sya boyfriend. You are just in his side to satisfy his sexual fantasies right? So sinong mas tanga sa 'tin?"

Aray.

"Ikaw."

Sinamaan nya ito ng tingin. Sya pa talaga ang tanga, ha?

"Kasi atleast ako may assurance. Ikaw, wala pero umaasa parin. So, sino ang mas tanga?"

Assurance? Naririnig ba niya ang sarili niya? Is she clown or something? Kung hindi lang dahil sa pagkababae niya ay matagal na siyang pinahpalit ni Dos.

Hindi nakasagot si Celine. Bagkus ay kinuha nito ang bag at handa ng umalis.

"Gotta go. It's already 6. Baka hinahanap na ako ni Riz--Uno." Paalam ng kaibigan.

"Tss. Asa. Why are you not calling him Rizon, anyway?"
Tanong niya.

"Sinasanay ko lang ang sarili ko para hindi na ako mahirapan pa pagtapos na ang isang linggo." Anito at umalis na.

Siya ba? Sasanayin na rin ba niya ang sarili na hindi na tawagin si Dos ng Cairo? Wala rin naman kasi silang patutunguhan alam na niya iyon. Dos Cairo is not the someone who are born to love.

"MOM?" Tawag ni Dos sa kanyang Mommy ng makapasok siya sa kusina. Nandoon rin si Uno na nakasimangot ng tapunan aiya ng tingin.

Okay, what's with his brother?

"Hey, my dear! I've heard you got a girlfriend?" Ani ng Mama niya ng nakangiti.

Kumunot ang noo niya. Parang napakalate naman ata ng Mommy niya ng mainform. It has been five months already. Atsaka sasabihin ba niya rito na nagpapanggap lamang sila ni Celine para kay Uno? Haist, makakatanggap siya ng batok mula rito.

"Nah." Sagot na lamang niya dahil ramdam niya ang talim ng titig ni Uno. Nang lingunin niya ito ay umiwas naman ito ng tingin.

Someone is jealous, hmm.

Dos' Sexual Fantasies (4th Gen #5)Where stories live. Discover now