"Huh?" gulat syang bumaling sa akin. Hindi nya yata inaasahan ang ibinigay kong nn sa kanya.

"Lein! Yeah, girly ang ganong name para sa akin! At isa pa ang ganda pakinggan"

"S-Sige ikaw bahala"

Binuksan na namin ang kanya-kanya naming locker. Sa totoo lang kapag kasama ko ang babaeng ito ay hindi naman nakakailang, para ngang lumalabas ang tunay mong pagkatao kapag kaharap mo sya. Katulad sya ni Mommy.

"Nagreview ka na ba sa exam?" biglaang tanong ni Lein sa kaibgan. Saglit din kaming natigilan.

"Hayss! Oo nga pala! Nakalimutan ko!"

"OMG! Nakalimutan kong may paexam si Prof. Ganio!" OA na sigaw ni bakla.

"Hoy bakla, hindi naman siguro aararuhin ni Prof. ang utak natin sa exam, malay mo recap lang or pretest"

Napakamot si Rangie sa ulo."Pero kase eh! Hay! Nakakainis!"

"Tsh..kung ano-ano kase—" nahinto sa pagsasalita si Lein. Para syang nakakita ng kung ano sa locker nya. Dahil nasa dugo ko ang pagiging chismosa, sinilip ko iyon.

"WAAAH!"

"Oh my gosh! Did you see that girls?!"

"Nasa locker ni Athena ang Red Ticket!"

Napahawak ako sa bibig. Ito na ng aba sinasabi ko e!

"T-Thrianne.." bulong ni Rangie. Sinarado na ni Lein ang pinto ng kanyang locker. Humarap sya sa amin na parang walang nangyari.

"Pasok na tayo"

Kinakabahan man ay sumunod kami sa kanya. Gusto ko syang hawakan at unahan sa paglalakad pero pinalolooban na ako ng takot. Iba talaga kase ang ticket na iyon, bukod kase sa target ng The 5 ang bibiktimahin nito ay pati mga kaibigan ng biktima ay pupuntiryahin.

"B-Bakla... di kaya delikado kung lumapit tayo kay Thrianne?" pag-aalalang tanong ni Pringles. Napatikhim ako. Nagdire-diretso na kami sa room ng may tumulak kay Lein! Nang matumba sya ay binuhusan sya ng chocolate sa ulo!

"Kamusta ang pakiramdam ha?! Ang pagsapak mo sa nag-iisang lider ng The 5, akala mo siguro makakaligtas ka na no?! Dyan ka nagkakamali!"bulalas ng babae.

Pinilit kong makalapit pero hinarangan na kami ng mga kasama ni Vanessa.

"Ito na ang umpisa ng bangungot mo! Freshman!"

"Sige pa!"

Nakakatakot ang sigaw na iyon ni Thrianne. Para bang may kung anong awtoridad sa mga mata nya ngayon!

"siguraduhin nyo lang na masisiyahan ako sa mga gagawin nyo sa akin..."

Ngayon lang ako nakatagpo ng creepy na tao katulad nya...

"O sige pa daw!Nyahahahahaaha!"

Aakma ko sanang itutulak ang isang kasama na humaharang sa amin kaso—

"Wag kayong makisali..gulo ko ito" garalgal na boses ni Thrianne.

Napaiyak ako sa galit. Hindi ito ang unang beses na makakita ng mga nabubully dito sa SMU, pero ang pakiramdam na wala kang magawa para sa taong nabully ay talagang nakakagalit!

Pero sa case naman ni Thrianne, hindi ko sya pakikitaan ng galit. Sa halip na sunggaban nya ang nagbuhos ay pinunas nya ng kamay nya ang chocolate na binuhos at dinilaan nya.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now