-------------------------------------------------

(DANIEL)

"Oh? Bakit di mo ako ginising?" sabi ko groggily as I propped myself up, leaning on my elbow. Pinanood ko si Julia habang dali-dali nyang linalagay ang mga gamit nya sa kanyang bag. Tumingin sya sa akin at ngumiti apologetically. "Pagod na pagod ka kagabi eh kaya hinayaan na lang kita..." Sinuot nya yung kanyang backpack tapos lumapit sa akin. "Nasa mesa yung almusal mo," sabi nya at yinakap ako goodbye. 

Bago sya maka-pull away, kinuha ko ang kanyang kamay para pigilan sya. "Teka. Ihahatid na kita. Magbibihis lang ako." Tatayo na sana ako pero tinulak ako ni Julia. "Wag na. Malelate na ako... Kita na lang ulit tayo mamaya. Magpahinga ka, okay?" nginitian nya ako at bago pa ako makapagreklamo, umalis na sya. 

Gusto ko pa sana syang habulin pero nang subukan kong umibo, parang biglang lumambot ang buong katawan ko.  It's what I get, I guess. Nag-overtime ako kahapon sa King's (restaurant) at madaling araw na ako nakauwi. Hindi ako sanay sa ganoong trabaho pero wala akong choice. Kailangan namin ang pera. 

Pinilit ko ang aking sariling bumangon at pumunta sa banyo para uminom ng painkillers. Naghihilamos ako nang biglang may kumatok. Napaka-demanding pa nung pagkaka-pound nya kaya dali-dali akong lumabas para sagutin ito. Ang first thought ko ay si Julia iyon at may nakalimutan lang pero nang ma-realize ko na hindi pwedeng sya yun, it was too late. 

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, nag-storm in ang apat na lalaki at sinimulang halikwatin ang mga gamit sa apartment. Sisigawan ko pa sana ang mga ito nang makita ko si Ace at the corner of my eye. Nginitian nya ako slyly at calmly na pumasok sa loob. Nagsindi sya ng sigarilyo at pinanood ang kanyang mga utusan. 

"Ano ba 'to, Ace?!" naiinis kong tanong pero binaliwala nya lang ako at naglakad-lakad na parang ine-examine ang lugar namin. Hinayaan ko na lang sya at sinubukang pigilan ang mga alalay nya. "Tumigil ka! Gago!" sigaw sa lalaking pinapakailaman ang dresser ni Julia na may lamang mga underwear nya at kung ano-ano. Hinablot ko sa kanya ang mga hawak nya, tinulak sya at sinimulang ipagbabalik ang mga ito sa loob ng drawer. 

"Tigilan mo na nga 'to!" I demanded habang lumalapit kay Ace na casually nang nakaupo sa sofa. Nag-glance sya sa akin tapos tumingala, "Harmless home inspection lang naman 'to kaya stop being so tense. You see, I'm well aware na dumadami ang mga traydor sa WLVS. I personally think that anyone who even thinks of rebelling against me is plain stupid pero what can I do? Nai-intimidate ang iba sa akin. Naiinggit sila sa power na pinopossess ko. I don't blame them, though. Pero still, hindi ko pwedeng palampasin ang ganitong kagaguhan." Tumayo sya at pinaramdaman sa amin ang kanyang dominance. "Hahanapin ko ang mga traydor and I will destroy them with my own hands, slowly and painfully..." 

I kept a straight face at nanahimik na lang. Alam ko na pag nag-resist pa ako, mas magiging suspicious si Ace at I can't afford that. Bumigat ang atmosphere at tahimik lang ang lahat hanggang sa biglang sumigaw ang lalaking nasa kusina ng, "Clear dito, boss!" Pagkatapos nun, sunod-sunod na yung ibang magsabi na wala silang nakita. Tumango si Ace calmly at sumenyas sa mga utusan nya. Nagsilabasan naman ang mga ito at iniwanan kaming dalawa doon sa loob. 

"Sana nga, Daniel, hindi ka kasama sa mga bobong nanloloko sa akin. Dahil sa tagal na ng ating pinagsamahan, hindi ko madedeny na tinuturing na kitang kaibigan. Wag mo sana ako gawing kalaban. Alam mo naman kung ano ang ginagawa ko sa mga traydor, di ba? Na-witness mo na ang bawat punishment na ibinibigay ko sa mga taong tinatalikuran ako at ang grupo natin. Alam mo na hindi lang yung may kasalanan ang pinahihirapan ko..." naglakad sya patungo sa coffee table at kinuha ang isang maliit na picture frame na kung saan naka-encase dito ang tatlong litrato namin ni Julia. Galing sya sa isang photo booth at sila lang yung tanging mga picture naming dalawa. 

Fix You (JulNiel)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!