Chapter 19

290 6 0
                                    

Chapter 19

"What?" halos umalingasaw na ang pigil na galit ni Amanda. Alam kong ang nagpipigil lang sa kaniya na sugurin ako ay si Sechan.

Alam kong kung ako lang ang kausap niya ay hindi siya magdadalawang isip na pagtaasan ako ng boses.

"You heard me right," pangungumpirma pa ni Sechan.

"No!" pagtutol ni Amanda. "I know that she's bothering you. That isn't even new. We both know how she has been a desperate stalking girl."

I didn't argue with her like the last time. I don't know if I have to agree with her. Oo nga at si Sechan ang lumapit sa akin ngayon at nag-umpisang makipag-usa. Pero tama din si Amanda sa sinabi niyang naging desperado ako sa kasusunod kay Sechan noon. Wala pa ngang isang buwan mula ng tumigil ako.

Iniisip ko talaga na hindi naman nahahalata ni Sechan ang mga ginagawa kong pagsunod sa kaniya noon. May mga oras na alam kong alam niya, pero may mga pagkakataon ding hindi ako sigurado lalo na at hindi naman niya ako tinitignan at sa tuwing nalalapit ako sa kaniya ay nawawala naman ang lakas ng loob kong lumapit i makipag-usap.

Pero ngayong sinasabi na ni Amanda na alam nilang dalawa ni Sechan kung papaano ko sila desperadang sinusundan ay nakakapanghina ng loob.

Ganoon nga kaya talaga ang tingin ni Sechan sa akin? Isang desperada...

"Stop it, Amanda!" banta ni Sechan sa ayaw pasaway na si Amanda.

She's now in between maintaining her angel facade and showing her true color.

Naninikip ang dibdib ko habang tinitignan silang dalawa. What have I done? Why did I let myself get into the brim?

Kagagawan ko ang lahat ng ito. Tama si Amanda. Ako itong lagi na lang nakabuntot sa kanila. Ako itong laging inaalam ang mga ginagawa nila.

I was blinded by my feelings for him that I didn't even questions all that I've done. Kahit minsan ay hindi ko naitanong sa aking sarili kung tama ba o mali ang mga ginagawa ko. Ang alam ko lang ay iyon ang gusto kong gawin. At sinunod ko ang gusto ko.

It's like being save by the bell when Manong Roy arrived to pick me.

"Mauuna na ako..." I didn't wait for anyone of them to reply.

Tumalikod na agad ako at dumiretso sa sasakyan.

"Tayo na po, Manong Roy," Manong looked at me in the mirror but he didn't say anything. Ginawa niya lang ang ginawa ko at umalis na kami doon.

"Anak, make sure you have the right dress for the party, or do you want to have a new one?" tanong ni Mommy na ginising pa ako Sabado ng umaga.

Excited na excited siya sa mangyayaring party mamaya sa mga Russo. Alam niyang huli na para magpagawa pa ng damit o kahit ang bumili pero tinanong pa din niya.

Ang totoo niyan ay marami pa akong damit na maaring isuot ang hindi ko pa nagagamit.

Since I was kid, Mommy and Daddy will always dressed me up. Mommy love to buy me dresses and accessories while Daddy likes it whenever I wore what Mommy had bought me. They'll asked me to model those in our lounge and I will obliged doing the poses got from the barbie movie I have watched.

It was a fun memories to reminisce. How supportive they both are to the things I like to do.

Pero ngayon ay wala akong gana para mamili ng tamang isusuot. Wala akong gana para magpunta sa party. Ayoko. Dahil alam ko na naman kung ano ang mangyayari.

Kagabi pa lang ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak dahil sa magaganap. Before this day end, the world will know their engagement. But only I will know the pain I am dealing with.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now