"Thank you, Mommy, pero kaya ko pa po talaga," magaang sagot ko naman sa kanila.

Hindi nagtagal sa akin ang uspan. Ilang saglit lang ay si kuya na ang pinagtatanong nila tungkol naman sa trabaho. May bago kasing pelikulang idi-direct si kuya at bukod pa doon ay tumutulong din siya sa restaurant.

Gusto ko din namang makatulong sa negosyo namin lalo na at nakikita kong masaya ang mga magulang ko sa takbo nito. Pero sa tingin ko'y hindi iyon ang para sa akin. Pwede akong tumulong minsan pero ang gusto ko talagang pasukin ay ang modelling. Sa tingin ko ay iyon ang para sa akin.

"Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutang sabihin na h'wag kayong mawawala sa susunod na Sabado. We are invited by the Russo's," mabilis pa sa alas kwatro akong napatingin ay Mommy ng marinig ang apelyidong Russo.

"Jeremy, please clear your schedule. Matagal na din mula nung kumpleto tayong pumunta sa mga ganitong okasyon. At isa pa ay nababalitang may mahalagang iaanunsyo ang mga Russo. Many suspected that it'll be the announcement of their youngest," excited na kwento ni Mommy.

We're not very, very close to the Russo but Mommy had been friends with Sophia, Sechan's mother since they were in college. Kaya naman sa tuwing may mga ganitong pagtitipon ay laging imbitado ang bawat pamilya.

"Shh. You shouldn't spread rumors like that. Wait for their announcement instead," suway ni Daddy kay Mommy na ikinakibit-balikat lang naman nito.

"Madami na ding may alam. Halos ipagsigawan na din naman ng mga Vicencio. At sa dalawa ko lang naman sinabi," depensa ni Mommy sa sinabi niya.

Hindi na kumontra pa si Daddy at nanahimik na lamang. That's how it always go with our family. Daddy would always let Mommy even in petty arguments. At si Mommy naman ay pasimple ding sasang-ayunan si Daddy.

"Pero tama din naman ang Daddy niyo. Mas mabuting sa bibig na mismo ng mga Russo manggaling.

See?

Pero sang-ayon ako sa sinabi ni Mommy. Malamang nga ay enggagement party naman talaga ang mangyayaring event. Talagang tuloy na tuloy na. Talagang dapat na akong tumigil umasa.

"Jeremy, why are you staring at your sister like that? Nag-away ba kayo?" Nagulat ako sa pagtatanong ni Mommy.

Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin si kuya. Kung kanina pa niya iyon ginagawa ay wala akong ideya. Kinabahan ako na baka sabihin niya ang naabutan niyang eksena kanina sa pagitan ko at ng pinag-uusapan nila ngayong anak ng gobernador.

"No, My. Naisip ko lang na mas mabuti siguro kung dadalasan ko ang pagsundo kay Ramona," ani kuya.

Siguro ay iniisip niya na baka maulit na naman ang naabutan niyang tagpo kanina.

Ganoon nga ang mga nangyari ng mga sumunod na araw. Tatlong araw na si kuya ang sumusundo sa akin. Ngayon lang hindi dahil nataaong may shooting. Mabuti na lang din at mula ng huli naming pag-uusap ni Amanda ay hindi na ulit iyon nasundan.

"Waiting for your brother?"

Napalingon ako sa nagtanong. Kilalang kilala ko ang boses niya. Kahit nakapikit ay alam na alam ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko ng si Sechan ay tumabi sa akin. Hindi nakakagulat na tama akong siya nga iyon. Ang nakakagulat ay kung bakit siya naririto, at kinakausap ako. Sanay akong lagi niyang iniiwasan, tinataboy o gaya ng madalas, hindi pinapansin. Kaya nakakagulat na siya mismo ang lumapit sa akin.

"No..." akala ko'y tinakasan na ako ng aking boses dahil sa tagal kong makasagot.

Hindi ko mapigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. Kung kaba iyon ay hindi ako sigurado.

"Driver, then?" he asked again.

Ano bang meron? Dahil para sa akin ay himala na siya ang nakikipag-usap. "Oo..."

Tumango siya. Binuka niya ang bibig para sana magsalita ng marinig namin ang pasigaw at bahagyang galit na tawag sa kaniya ni Amanda.

Kakasabi ko lang na hindi siya nanggugulo ay heto na naman siya.

"Sec!" mabilis siyang naglakad patungo kay Sechan at humawak sa braso nito. "Are you
stalking us again, lil girl?" nakangiti pero alam kong naiinis na tanong ni Amanda.

Lil girl? E, kaunti lang naman ang itinangkad niya sa akin, o baka nga pantay lang kaming dalawa at isa pa ay nakaheels pa siya.

Imbes na mainis ay tumakas ang isang tawa galing sa akin.

"What are you laughing at?" mataray pang tanong nito.

"Amanda..." pigil sa kaniya ni Sechan kaya napatingin siya rito.

"Babe, she'd been stalking us every damn time. Hindi ko pinapansin noong una pero nakakainis na. Is she bothering you?" malambing na tanong niya kay Sechan. Her angel mode is ye again, turned on.

Dumapo ang mga mata ni Sechan sa akin habang sinasagot niya si Amanda.

"It's the other way around," he said.

...

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now