Tahimik lang siya at iwas na iwas ang tingin sa 'kin.

Huminga muna ako nang malalim bago sabihin ang sasabihin ko. Hindi ko ugali ang gawin 'to pero ito ang tama. Nagkamali ako kaya dapat ko lang 'to gawin.

"Uhm . . . pasensya ka nga pala sa ginawa ko kahapon at noong isang araw."

Tumingin na siya sa akin at nanlaki ang mga mata. Yup, kahit ako nagugulat sa mga pinagsasabi ko. This is not the usual Jeydon Lopez. Ayoko rin maging ganito pero there's something na nagsasabi sa 'kin na ito 'yong tama.

"Akala ko kasi girlfriend mo rin si Bee kaya akala ko pinagsasabay mo sila nung isang mong girlfriend."

Natawa siya. Medyo nairita ako pero good sign 'yon, 'di ba? Baka hindi siya galit sa 'kin? Pero hindi naman tama na magalit siya sa akin. Nagkamali lang naman ako kaya ko 'yon nagawa.

Nobody is perfect.

"Alam mo, madami nga ang napagkakamalan kami ni Ate na mag-jowa dahil super close kami pero hindi." Huminga siya nang malalim sabay ngiti. 'Yong ngiting pang-nerd talaga, 'yong kita lang ang pangil sa pag ngiti niya. Hindi mo tuloy alam kung nang-aasar lang siya. "Kaya naiintindihan kita at pinapatawad na kita. Actually, honored nga ako kasi nag-sorry ka sa 'kin. Alam naman ng lahat na hindi ka gano'n, na kahit ikaw 'yong may mali, sila pa rin 'yong dapat mag-sorry sa 'yo."

Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya or mainis ako? Parang pinapamukha niya sa akin kung gaano ako kasamang tao.

Oo bad boy ako, pero hindi ako demonyo. Wala pa ako sa level na 'yon. Kahit papaano may puso pa rin naman. Pasaway lang din minsan at hindi ma-control ang galit.

"So . . . okay na ba tayo?" tanong ko.

Tumango siya at mukhang masaya naman siya.

"Oo naman, sabi ko nga sa 'yo, matagal na kita gustong makausap." Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. May tao pala talagang gusto akong kausapin. 'Yong iba kasi, takot at sobrang sama ng tingin sa sa 'kin. "Hindi ko alam kung gusto mo 'yong mga trip ko pero hanga ako sa 'yo sa algebra kaya ang dami kong gustong itanong."

"H'wag tayong mag-usap about school, madali kasi akong maumay, e. Teka, napanood mo na ba 'yong Star Wars?" Tamang ngiti lang para hindi niya mahalatang plando ko na ang lahat ng 'to. "Grabe, ang ganda no'n!"

Well . . . totoo namang maganda. Hindi ko lang talaga forte ang gano'ng genre.

"Seryoso ka? Alam mo bang favorite na favorite ko 'yan?"

Ngumiti ulit ako. Oo, alam kong favorite mo 'yan. Alam ko dahil ini-stalk ka na namin, Isaac.

"Whoa! Hindi nga? Pareho pala tayo ng interest! Mukhang magiging magkaibigan tayo, ha?"

Firs time magdaldal ni Isaac kahit na may teacher sa harap. Palagi kasi 'yang nakatutok sa harap at ayaw na ayaw niyang mapagalitan kaya sobrang behave niya sa klase.

Nagbabatuhan kami ng scenes sa Star Wars. Buti na lang, fresh pa sa utak ko karamihan ng mga nangyari sa movie at paminsan-minsan akong sumisilip sa kodigo ko para sa little details na sabi nga ni Kie ay itatanong ni Isaac. Tama nga siya, 'yon pala talaga ang crucial sa nerds.

Sana lang enough na 'yong usapan namin para maging close na kami at para i-good shot na niya ako sa ate niya. Nakabawi na naman ako sa kanya.s

"Paano pala 'yong ate mo? Sabi niya h'wag na raw akong lalapit sa inyo."

Umiling siya habang abot hanggang langit 'yong ngiti niya. Mukhang napasaya ko talaga siya kaya dapat mapasaya niya rin ako sa pamamagitan ng ate niya.

"Ako'ng bahala kay ate. Alam mo, magkakasundo rin kayo n'on. Mahilig din 'yon sa Star Wars pero mas mahilig 'yon sa mga pusa. Grabe nga 'yong pusa namin sa bahay, sampu na ata 'yon ngayon."

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang labis na pag ngiti ko. Tangina. Kinikilig ba ako?

Mahilig din kasi sa pusa.

Ibig sabihin ba nito, comfortable na kami sa isa't isa?

Teka nga, comforatable nga ba 'yon?

"Speaking of, nandito na siya. Palagi niya raw kasi akong iche-check after class."

Tiningnan ko siya sa labas at hindi na maipinta ang mukha niya. Kahit sa malayo, parang gusto niya akong lapitan at bugbugin.

"H'wag kang mag-aala, ako'ng bahala sa ate ko."

Nilapitan siya ni Isaac at sinungitan agad siya ng ate niya pero todo explain si Isaac sa kanya. Tiningnan ulit ako ni Bee pero this time, hindi na siya nagsusungit pero hindi rin naman siya nakangiti. Matulis pa nga ang tingin niya sa akin.

Umalis na siya at pagbalik ni Isaac . . .

"Lunch daw kayong dalawa ni ate mamaya, gusto ka niyang makausap!"

Matutuwa ba ako o kakabahan? Kasi mas nangingibaw 'yong kaba sa akin.

Bee . . . be gentle with me please.

Jeydon LopezWhere stories live. Discover now