Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 1

68.5K 1.7K 2.5K
                                    

GOOD BOYS ARE BORING AND BAD BOYS ARE EXCITING.

Ayan ang motto ko sa buhay kaya hindi ako naging katulad ng ibang lalaki na bait-baitan at sobra kung makapag-aral. Maikli lang buhay para isubsob ko sa lectures at study books ang sarili ko. Minsan lang ako magiging bata.

Look at my parents, I can say na mukha silang miserable.

I want to enjoy my life to the better. Yes, that is correct, to the better. Ay sandali nga, better nga ba talaga? Parang naalala ko fullest 'yong sinabi ni Troy last time?

Ah, basta! Pogi pa rin ako at 'yon ang importante.

"Mr. Lopez, kasisimula pa lang ng klase pero bakit parang lutang na 'yang isip mo?" tanong ng masungit kong teacher. "Is everything okay?"

Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko. "Ang boring kasi ng lecture, ma'am. Pwede bang mag-skip ng class n'yo?"

Nag-iba ang itsura niya, mas dumami ang linya sa noo niya, at namula ang buong mukha niya.

"Second year high school ka na pero wala ka pa ring pinagtandaan." Umuusok na 'yong tainga niya sa inis. "Detention, Mr. Lopez!"

Fine, mas okay na 'yon kaysa makinig sa lecture niyang puro pagtuturo kung paano maging mabuting tao. Matutulog na lang ako sa detention room.

Binigay niya ang detention slip at agad akong umalis sa classroom. First year pa lang ako, palagi nang ganito ang eksena ko sa classes ko. Nothing new.

Isa pa, hindi naman dapat ipilit sa isang tao kung paano maging mabuti. May kanya-kanya tayong paniniwala pero as long as wala nasasaktang iba, hindi pa rin magiging kasing sama ni satanas.

Ah basta, ayoko maging good boy na kagaya ng classmate kong si Isaac. Sobrang boring niya kausap at sobrang nerdy. Gusto ko ng kausap na kagaya ni Marky, may sense.

Hindi ko alam sa lalaking 'yon kung bakit nagpa-section one. Alam naman niyang sa lower section pa rin ako mapupunta ngayong second year namin. Itong si Troy naman, sa ibang section din kasi may crush daw siyang babae sa section na 'yon. Ito namang si Tanda, third year na, pero pakiramdam ko, uulit na naman siya katulad noong first year namin.

Pambihira 'tong tatlong kaibigan ko.

Ang hilig kasi nila sa babae. Wala namang ibang ibibigay ang mga 'yon kung hindi problema.

Mukha lang akong babaero pero hindi ako mahilig sa babae. May taste pa rin naman ako sa pagpili ng magugustuhan.

Pagpasok ko sa detention room, may unfamiliar face akong nakita. First time ko siyang makita pero maliban doon, kakaiba rin talaga 'yong pakiramdam ko sa kanya.

Iba ang dating niya kumpara sa mga babaeng umaaligid sa akin . . . matapang ang mukha niya pero ang ganda.

Tiningnan niya ako at ngumiti siya pero agad din siyang bumalik sa binabasa niyang magazine.

Nilapitan ko siya. Para bang magnet ang dating niya sa akin at gusto ko siyang lapitan. Kakasabi ko pa lang sa sarili kong hindi ako mahilig sa mga babae.

"Uhm . . . hi?"

Binalik niya ang tingin niya sa akin at ngumiti muli siya. Mula sa pagiging tigre ang mukha, nagiging anghel siya kapag ngumingiti siya. Kahit ang mga mata niya kasi ay nakangiti.

"You don't have to introduce yourself. I know who you are," she said while still smiling or smirking, hindi ko siya matansya. "You're the famous, Jeydon Lopez."

Bahagya akong napangiti. Sino nga ba'ng hindi makakakilala sa kagwapuhan ko?

"Well . . . ako nga—"

Jeydon LopezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon