Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 5

15.6K 651 418
                                    

ILANG TAO LANG ANG NASA FRIEND'S LIST KO AT AYOKO MAGING ISA DOON SI ISAAC. Ayokong ma-invade ng nerd people ang timeline ko. Isa pa, binura ko na ang friend request niya. Ayokong ako pa ang mag-add sa kanya.

"It's a bad idea. Hindi niya ako ia-accept dahil sa ginawa ko sa kanya kaya pass. Next option."

"Kailangan natin makita ang laman ng Facebook niya. Ang mga tao ngayon, ina-update na ang halos buhay nila sa FB kaya madami tayong malalaman doon."

Yes alam ko, pero no. Hindi ko siya ia-add. Siguro kapag naging okay na kami ni Bee pero ngayon, ayoko.

Tiningnan ko 'yong dalawang mokong pero umiwas agad sila ng tingin sa 'kin. Sabagay, hindi rin naman maganda ang image nila sa school. Si Troy, numero uno rin 'yang bully at si Charles, kasama sa rumble na nadamay sina Isaac at si Sarah kaya mas lalo siyang hindi ia-accept.

Isa na lang ang natitira. Siya rin nama nag-suggest na gawin 'to kaya mas mabuti nang siya na rin ang gumawa.

"Ikaw na lang kaya ang mag-add sa kanya, Marky? Sa ating apat, ikaw ang may pinakamalinis na image sa school. Section one ka, tahimik, although babaero rin, pero hindi ka nakilala na bully kagaya namin."

Mukhang ayaw din niya dahil naniningkit ang mga mata niya. Wala naman siyang magagawa. Siya na lang ang last option namin.

Siya na lang ang makakapagligtas sa akin.

"Fine, I'll add him. Unfriend ko na lang siya kapag okay na kayo."

Hinintay namin na i-accept siya ni Isaac at wala pang sampung minuto, friends na sila. Good idea nga talaga na si Marky na lang ang mag-add sa kanya.

Hinalungkat namin ang profile niya at panay family pictures ang laman. Lagi silang may picture ni Bee at may caption na "I love my ate". Kung una pa lang sana nakita ko na 'yon, hindi na sana umabot sa ganito.

So far, ang nakuha namin kay Isaac ay mahilig siya sa Star Wars movie. Sobrang fanatic siya na pati bag, tuwalya, at brief niya may print ng Star Wars.

Hindi ako fan ng movie na 'yan pero may movies akong sobrang fan ako pero hindi ako aabot sa ganyang level. Mga nerdy talaga ang hilig sa ganyan. Buti na lang, mukhang hindi gano'n si Bee.

Habang naghahanap sina Kie, sinubukan kong i-stalk ang Facebook ni Bee pero sobrang private niyang tao kaya wala rin akong napala. Tanging profile pic niya lang ang nakikita ko. Nakaupo siya sa damo habang naka-smile at naka-peace sign. Suot-suot niya ang cheerleading uniform niya.

Bee Tee lang din ang pangalan niya sa FB kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang full name niya. Sobrang private niyang tao na pati name niya, ayaw niyang malaman ng iba.

"Sino sa inyo ang nakapanood na ng Star Wars?" tanong ni Marky.

Nagkatinginan kaming tatlo pero pare-pareho kaming umiling. Binalik namin ang tingin namin kay Marky at pati siya ay umiling.

"Alam n'yo bang may six movies na ang Star Wars? So, kailangan natin i-marathon 'yon ngayon hanggang bukas."

"Napanood mo na ba 'yan, Papa Marky? Ikwento mo na lang sa 'min. Nakaka-bored 'yang ganyang movie, e," reklamo ni Troy. "Hinihintay na rin ako ng chiks ko."

Binatukan ko siya. "Alam mo ikaw, puro ka babae. Kailangan natin gawin 'to."

"Napanood ko na 'yon pero kailangan n'yo pa rin panporin dahil ang isang avid fan, makukuha mo ang loob n'yan sa mga maliliit na details ng movie."

Pambihira kasi! Sa lahat ng magiging kapatid ni Bee, isang nerd pa? Sana isa na lang sa mga bata ko para hindi na ako nahihirapan dito.

"Pass muna ako d'yan mga pre, may kailangan akong ihatid na importante."

Jeydon LopezWhere stories live. Discover now