Wrong timing naman si Charles pero okay na rin. Wala rin naman siyang maiintindihan. Tamad na tamad 'yan manood ng mga movies.

"Pre, babae ba 'yan o ano? O baka naman epektus 'yan, ha? Sabi ko sa 'yo, h'wag mong sasagarin ang pagiging bad boy mo na aabot ka sa pagiging kriminal!" pang-aasar ni Troy.

"Importante 'to kaya wala akong oras sa mga teorya mo d'yan, Troy." Seryoso ang mukha ni Tanda. Natahimik na lang tuloy si Troy. "Sige mga pre, happy watching!"

Mabait na tao naman si Tanda. Basagulero at walang sinasanto pero kahit gaano siya katigas sa ibang tao, alam naming hindi siya gagawa ng mga sobrang lalang bagay.

Takot niya lang din kay Tita Candy. Minsan lang namin siya makita dahil minsan lang din kami papuntahin ni Tanda sa bahay nila pero kita mo ang pagiging strict niya.

Bigla ko tuloy na-miss ang cookies na gawa niya. Malambing din siya kagaya ni Ate Jaycee. Sana nga, namana ni Mommy ang gano'n kay Tita Candy.

Nagsimula na kaming manood kahit wala si Tanda. Sinubukan ko lahat ng makakaya ko para panoorin ang lahat. May hawak pa nga akong maliit na notebook para ilista 'yong mga maliliit na detalyeng sinasabi ni Marky. Kailangan ma-impress ko si Isaac para maging good shot ako sa kanya.

Nakaka isang movie pa lang ako, inaantok na ako. Hindi talaga ganito ang mga tipo kong movie. Gusto ko ng action like Die Hard. Kahit ano pang reklamo ko, wala naman akong choice. Ito ang paborito ng nerd na 'yon.

Naisip ko tuloy, paborito rin kaya 'to ni Bee? Kung siya siguro 'yong kasama ko manood nito, hindi ako mabo-bored.

Inabot na kami ng madaling araw kakapanood. Alam ko, nakatulog na si Troy pero ano pa nga ba'ng aasahan ko sa kanya?

Buti na lang si Kie, talagang sinamahan ako.

"Ano, naintindihan mo naman 'yong kwento?" tanong niya habang humihikab pa. "Kanina pa tulog si Troy kaya h'wag mo na 'yan asahan."

Naintindihan ko naman, hindi ko lang nagustuhan. Kahit pamali-mali ako sa English minsan, hindi naman mahina ang utak ko.

Kailangan ko lang talaga tandaan itong small details na meron sa movie.

"Tulog na tayo, JD, inaantok na talaga ako."

"Sige, pre, salamat sa pagsama at pagtulong sa 'kin."

"That's what friends are for."

Sa kanilang tatlo, siya ang pinakamalapit sa akin. Siya kasi ang mas nakakaintindi sa akin. Although, lahat naman sila best friends ko.

Nagpasya na rin akong matulog. Antok na antok na rin ako at halos hindi na rin makapag-isip ng tama.

➖➖➖

INUTUSAN ko 'yong classmates kong h'wag papaupin sa harapan si Isaac. Kailangang makatabi ko siya at makausap. Kailangan kong magpapogi sa kanya kahit matagal na akong pogi.

Iba kasi sa mga nerd ang definition ng pogi. Kailangan sa kanila, matalino at adik sa isang bagay. Kagaya ni Isaac, adik siya sa Star Wars.

Dumating na siya at buti na lang din, hindi siya hinatid ni Bee sa room.

Tinuro ng isa kong bata ang upuan sa tabi ko at nakita ko agad ang takot sa mukha ni Isaac.

Kawawang bata, mukhang takot na takot siya sa 'kin. Hindi ko naman na siya sasaktan.

This time, I'll be gentle.

"Isaac, upo ka rito sa tabi ko!" sigaw ko habang nakangiti. Nagdadalawang isip siya pa siya pero dumiretso na lang din siya sa tabi ko. "Akala ko hindi mo ako pagbibigyan."

Jeydon Lopezजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें