"Scandal talaga, Jeydon?" bungad ni Charles.

"Ano ba talagang nangyari, JD?"

Huminga ako nang malalim bago nagkwento.

"Si Bee 'yong babaeng naghihintay sa 'kin kahapon at siya rin 'yong sumuntok sa akin kanina."

"Sino si Bee?" sabay-sabay nilang tanong.

"Siya 'yong nakasabay ko sa detention room noong nakaraan tapos akala ko, bagong girlfriend siya ni Isaac."

Sumingit si Tanda. "Siya ba 'yong boyfriend nung Sarah? 'Yong naipit sa gulo namin at iniwan ng lalaking 'yon?"

Tumango ako. Yup, he's that guy.

Gusto ko ikwento sa kanila ang lahat pero gusto kong itago ang totoong may gusto ako kay Bee. Ayokong isipin nila na rejected ako sa babaeng gusto ko. Alam kong hanggang pagtanda namin, ipang-aasar nila sa 'kin 'yon.

"Uhm . . . nagyayabang kasi sa 'kin si Isaac kahapon about sa girlfriend niya, na mahal na mahal daw siya, kaya nairita ako at pinilipit ko 'yong kamay niya. Tama, ayon 'yong dahilan."

Hindi ako tumitingin sa mata ni Marky. Mahuhuli niya agad na nagsisinungaling ako. Ang totoo naman kasi talaga, nagselos ako kaya ako nainis.

"Sa lahat ba naman ng yayabangan niya, isang Jeydon Lopez pa? Kaya ayan, namaga tuloy 'yong kamay niya. Pagkatapos, nalaman ni Bee kaya galit na galit sa 'kin."

"Okay, kaya pala galit na galit siya. Parang mangangain nga siya kahapon, e. Buti sana kung ibang bagay 'yong kakainin niya sa 'yo."

Ngumisi pa talaga siya.

Sabay-sabay naming binatukan si Troy. Minsan talaga, panay kabastusan ang nasa isip niya. Seryoso na nga ako rito, e.

"So, bakit mo sinuntok si Isaac kanina? Dahil nagsumbong siya kay Bee?" tanong ni Marky.

Matalino si Marky, madali niyang nabubuko kapag hindi ako nagsasabi ng totoo. Sa kanilang tatlo, siya ang mas nakakabasa sa akin.

"Uhm . . . hindi, kasi . . . akala ko pinagsasabay niya 'yong dalawang babae, si Sarah at si Bee, kaya ayon. Nainis ako kaya tinuruan ko siya ng leksyon kanina."

Nagkatinginan silang tatlo pagkatapos sabay-sabay silang tumawa.

"May gusto ka kay Sarah?" sabay na sabi ni Troy at Charles.

Mas lumakas ang pagtawa ni Marky. Sabi ko na nga ba, mababasa niya pa rin talaga ako.

"Anong Sarah? Alam n'yo ang hina n'yo talaga. Sabihin n'yo, doon siya kay Bee may gusto."

Nanlaki 'yong mata nung dalawang mokong. Ang tagal ko na silang kaibigan pero si Marky lang talaga ang kasido ang galaw at ugali ko.

Masyado kasi silang busy sa babae o sa rumble.

"I can't blame her, that girl is really something. I think I like her too."

Sinamaan ko ng tingin si Kie. H'wag niyang sabihinng seryoso siyang natitipuhan niya rin si Bee. Ako naunang nagkagusto sa kanya kaya backoff na siya.

Lumapit sa 'kin si Troy at ngising-ngisi siya. Siya talaga ang numero unong malakas mang-asar sa 'kin.

"Umuusok 'yong tainga ni Jeydon nung sinabi mong gusto mo rin si Bee. Paano pa kaya kapag sinabi kong type ko rin siya?"

Tinulak ko palayo si Troy. Wala akong panahon sa mga pang-aasar nila sa 'kin. Problemado na nga ako dito, e. The least they can do is to tease me.

"Ayan 'yong rason kaya ayoko magsabi sa inyo, wala akong makuhang maayos na sagot sa inyo."

Jeydon LopezWhere stories live. Discover now