Chapter 31: Who Is She?

Start from the beginning
                                    

"Nakikinig ka pa ba?"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig iyon. "W-What?" Nagugulohang anas ko. "I think you're right." Wala pa rin sa sarili nang sabihin ko iyon.

"Anong, I think you're right?!" Hindi makapaniwalang sambit ng na sa kabilang linya. "Kanina ko pa tinatanong kung alam mo ang koneksyon ni Gray Vantress at Lance Valentino because when I hacked unto her PC, I found out that they had been communicating since the school year had started!"

"Ano?" Nagugulohang tanong ko. Natigilan ako, gulong-gulo na kung sino ba talaga ang imbestigador sa aming dalawa. "Wait, isn't that your duty? Eh, bakit ako na ang tinatanong mo?"

"Oo nga, sino ba nagsabing hindi? At hindi ba puwedeng magtanong?"

"Gago," asik ko.

"Idiota," sagot naman nito.

"Dickhead."

"Asshole."

My eyes rolled. "Likewise," sagot ko.

Tumawa lang ito sa kabilang linya at muling nagseryuso.

"Anyway, tatawag ba ako kung hindi ko alam ang tungkol dyan?" May pagmamayabang na sabi nito. "Apparently, before the school year could even start, the only daughter of Lance Valentino where nowhere to be found in the vast land of America. And goes what I found out...?"

"Ano?!" Naiinip na sabi ko at halos kapusin na ng hininga. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

"This is getting very interesting. She is. For whatever reason, Gray Alexie Valentino had changed her name to Gray Vantress. Ikaw na bahalang mag-comprehend. Hindi ka naman bobo para di yan maintindihan," Dinig na dinig ko ang pagtipa nito sa kaniyang computer sa kabilang linya. "Also take note that your beloved homeland has a very poor transportation security," dagdag pa nito.

"Fuck off," tanging na sabi ko at tila nanglalata na sa mga impormasyong nalaman.

"Sei il benvenuto, cugino!" You're very welcome, cousin. Sarkastikong sagot nito bago ko pa man mapatay ang tawag.

Bumagsak ang mga kamay ko sa magkabilang gilid. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala lang doon hanggang sa maramdaman ko ang kamay na bahagyang humila sa laylayan ng suot kong suit.

"Kuya, this is all your fault. Ate Gray hates you now."

Mabilis ko itong hinarap at hindi ko napigilan ang malapad na ngiting sumilay sa aking mukha nang marinig ang pangalang iyon. Binuhat ko ang aking kapatid.

"Why is that?" I softly asked when I saw her on the verge of crying.

Ngumuso ito at isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg. "You kissed that girl. She's hurt and I am too. I don't like Isabel."

"Really?" Turan ko at sinuklay ang mga buhok nito gamit ang aking kamay. "But I didn't kiss her, nor I like her," iling ko na parang makikita niya iyon. "I pushed her away," dagdag ko nang manatili itong tahimik.

"I don't believe you."

Napabuntong-hininga nalang ako sa kaniyang sinabi. "Where's your ate Gray now?"

"In the gate, she's going home," sagot nito.

I have to see her. Napakarami na niyang gagawing pagpapaliwanag sa akin. Why did she came back with a different identity. Bakit mukhang wala ring alam si Lexus na narito siya noong una? Or I was wrong, pinapaikot lang kami ng magkapatid na iyon. Bakit ngayon lang din siya bumalik? Bakit... hindi niya ako maalala?

"It seems that she doesn't want to see you."

Nabalik ang aking atensyon sa aking kapatid nang muli itong nagsalita, tila nabasa ang mga iniisip ko. Tila may kung anong pumiga sa puso ako.



CU: Taming The Gang Leader [On Going]Where stories live. Discover now