Umiling ng ilang beses ang matanda at humugot ng malalim na hininga. "Kung maaari lang anak, tapusin niyo na ang meron kayo ni Marc. Dahil umpisa pa lang ay hindi na kayo para sa isa't-isa." Tumingin ito ng mataimtim sa anak. "Alam kong mahirap--"

"Paano mo mapapatunayan na kasal kayo?" Inangat ko ang tingin ko at nakitang kong matalim siyang nakatingin sa akin. "May anak ka na ba sa kanya? Ilan? Ilang taon na kayong kasal--"

"Anak, 'wag mo namang idiin sa kanya. Nandito siya ngayon para sa mga anak niya. Hindi mo siya pagmamay-ari, Jexamine. Ngayong alam mo nang pamilyadong tao pala ang kasintahan mo, wala kang magagawa kung hindi ang palayain mo ito," pakiusap niya sa anak.

"'N-Nay...hindi ko k-kaya," pahayag ng dalaga kaya nakagat ko ang ibaba ng labi ko.

Kailangan ko ang asawa ko, kailangan sila ng mga anak ko. "Anak, hindi ka na bata para sabihan ko ng tama at mali. Ngayong alam mo nang mali ang napasukan niyong relasyon...itutuloy mo pa ba? May natatapakan ka nang tao -- pamilya, Jexamine."

Tumingin ito muli sa kanyang ina at tumulo ang isang butil ng luha mula sa pisngi niya. "H-hindi kasi gano'n kadali, 'Nay. Naibigay ko na kay Marc ang pinakamahalagang pwede kong i-ibahagi..."

Lahat kami ay napasinghap at pinilit kong walang tumulong luha mula sa aking mga mata. Malalim na ang nabuo nilang pagmamahalan. May nangyari na sa kanila, at higit sa lahat, meron at merong mabubuo.

"May nangyari na sa inyong dalawa, Jexamine?"

Nakita ko pang lumunok ng ilang beses ang babae at tumango na rin ito. Sa tingin ko ay mas lalong nadurog pa ang puso ko sa kanyang naging reaksyon. "K-kailan?" Lakas-loob kong tanong.

"Mga ilang linggo na rin ang n-nakalipas..."

Tarantang hinawakan ni Nanay Linda ang kamay ng anak at sinabihan na tignan ito. "Wala kang nararamdaman na mga sintomas tungkol sa pagbubuntis, anak?"

Ilang segundo kaming naghintay sa kanyang posibleng sagot. Nakahinga ako ng maluwag nang umiling siya. "Ligtas naman ho ang naging proseso..."

Para akong nabunutan ng tinik nang dahil sa kanyang sinabi. "S-sigurado ka, anak?"

Tumango ng mabilis si Jexamine. "Sigurado po ako, 'Nay."

===

"D-dalawa?"

Medyo natawa pa ako sa muling tanong ni Jexamine. Hinayaan muna kami ni Nanay Linda na mag-usap ng kaming dalawa lang muna dito sa isang kubo na 'di kalayuan. "Panganay namin ay babae, tapos ang bunso naman ay lalaki."

Ngumiti siya sa akin at kinuha mula sa akin ang aking telepono para tignan muli ang larawan naming pamilya. "Hindi ko aakalin na mangyayari ang araw na 'to." Umiling-iling pa siya at tumingin sa kalangitan.

Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon. Kinuha ko ang kanyang kanang kamay kaya siya napalingon sa akin. Tinignan ko siya sa mga mata at kahit papaano ay gusto kong patatagin ang sarili ko. "Nagmamakaawa ako, Jexamine...hindi ko kayang mawala ng tuluyan sa akin ang asawa ko. Kailangan sila ng mga anak namin. A-ayokong lumaki sila na hindi kasama ang kanilang ama...

...kahit ano gagawin ko para sa kanila dahil mahal na mahal ko sila. Bilang ina at asawa, sana naman pakinggan mo ang pakiusap ko dahil kung darating rin ang araw na magkakaroon ka ng pamilya ay parehas lang din ang gagawin mo...

...lahat gagawin mo dahil higit pa sa sarili ko sila mahal. Inaasahan ako ng mga anak namin na maibabalik ko si Xander sa lalong madaling panahon dahil hindi ko kaya na walang katuwang sa buhay at nakikita ko rin ang paghihirap nila dahil hinahanap-hanap nila ang kanilang ama...

...kailangan ko siya, Jexamine at mahal na mahal ko ang mga anak ko para gawin ito ngayon. Kailangan kong magsakripisyo para sa kanila dahil ang isang ina, grabe ang pagmamahal na ibinibigay sa kanyang mga anak. Nararamdaman mo iyon dahil meron kang ina, Jexamine at sigurado akong alam mo na ang ibig sabihin ko."

Tumulo na pala ang mga luha ko habang sinasabi ang mga bawat katagang na iyon. Sana naman sabihin niya ang mga inaasahan kong sagot mula sa kanya.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang mga pareho kong mga kamay. Ngumiti siya at hinaplos ang kaliwang pisngi ko. "Ramdam na ramdam kita, Zaira..." Ngumiti siya sa akin nang sobrang tamis. "At hindi ko ipagkakaila na mahal na mahal ko rin si Marc," kinabahan ako bigla sa sinabi niya. "Pero...alam kong hindi ako ang makapagbibigay sa kanya ng ganoong klaseng pagmamahal sa kanya. Ikaw at ikaw lang. Kaya, nagpapasalamat ako sa 'yo dahil ipinaintindi mo sa akin iyon."

Humagulhol ako at niyakap siya ng mahigpit. Salamat sa Diyos.

***
NOTE:

NO 40 VOTES. NO UPDATE.

For further reactions and questions, connect with me in these accounts:

Facebook: Zhiee Ehcks WP

Twitter and Instagram: ZX_0924
--To lhayzie369, thank you again!



PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Where stories live. Discover now