Chapter 39: She Found out

Start from the beginning
                                    

(Kumusta ka?)-mama

(Naninibago po.)-Dave

(Eh pag-aaral mo, ayos naman ba?)-mama

(Medyo hirap din po at yung system nila, iba.)-Dave

(Ingat ka dyan ah? Nakoo si Tasha miss na miss ka na.)-mama

"Ma naman." Tumawa lang si mama at bumusangot lang ako.

(Opo. Tita, sige po, kakain lang po kami.)-Dave

(Sige, babye.)-mama

"Nak, hintayin ko yan ah. Ibaba mo nalang pag tapos na. May tatapusin lang ako." Tumango lang ako bilang sagot.

Nang matapos ko ang sinesave ko ay binalik ko na kay mama ang laptop. Nahiga na rin ako dahil gusto kong matulog.

Pagkalipas ng ilang araw same routine kami ni Dave. Saglit ang usap sa hapon at gagawa ng assignments nang gabi. Mas busy ako kaysa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siguro dahil mas busy sila sa school kaysa sa bahay.

Nagchat ako kay Dave na matutulog ako saglit. Sabado bukas kaya kapag Friday ay nagpupuyat ako hanggang alas dos. Yun ang itinuturing kong relaxation time.

Nagising ako at agad kong tinawagan sa messenger si Dave. Nagsusummarize ako ng nakahiglight sa printed hand outs ko para sa Sunday ay magrereview nalang ako.

(Busy ka?)-sya

(Hindi naman. May sinusulat lang.)-ako

(Ayiiiee kasipag naman.)-sya

(Ako pa. Tashana Rousseff yata to.)-ako

(Ang future wife ni Dave Tecson.)-sya

Hindi ako kumibo pagkatapos nun. Nagkukwentuhan kami nang biglang pumasok si mama.

"Hello, Dave!" Sabik na sabik talaga si mama kay Dave. Nung minsan nga tinatanong kung kelan kami magpapakasal eh. Si papa naman galit na galit nung marinig nya yung usapan.

(Hello tita!)-Dave

"Ma, dun ka muna. Monent namin eh."

(Ok lang, babe. Marami rin akong gustong ikwento kay tita.)-Dave

"Sige, ano yun?" Naupo si mama sa tabi ko at humarap sa laptop.

(Tita, isa po ako sa palaging highest sa quizzes. Even projects highest din kami. Tsaka tita, ang saya po rito dahil puro sa school ang gawain, sa bahay magrereview nalang.)-Dave

"Sana pala eh dyan ko rin pinag-aral si Tasha." Sagot ni mama.

(Dave, samahan mo ako saglit sa labas. Magpapahangin--)

Napatingin sa akin si mama nang pumasok si Ashlyn sa kwarto ni Dave. "Sino yun?" Tanong ni mama.

"P-pinsan nya po." Sagot ko.

"Buntis ba yun, nak?" Hindi pa rin pinapatay ni Dave ang call at bago ko pa mapatay ay huli na ang lahat.

(Bilisan mo! Dave, anak mo to, mag effort ka namang palusugin.)

"Wag mong papatayin." Sabi ni mama at nakaharang sya sa keyboard.

(Oo nga! Hindi ka ba makapaghintay? Kaarte mo!)

(Dali na.)

"Sino to?" Nanlilisik ang mata ni mama habang nakatingin sa screen.

"Sino to?"

"Di ko po--

"SINO TO?!"

Ginawa ko ang lahat para mapatay ang call. Gusto kong kausapin nang maayos si mama.

Naupo ako sa harap nya at tsaka sya hinawakan sa kamay. "Ma, sorry kung di ko nasabi sa inyo."

"Nak?"

Nag-umpisang mamuo ang mga luha ko. Agad akong lumapit at yumakap kay mama.

"Ma.."

"Sige na, sabihin mo."

"Yun po yung dahilan kung bat sya umalis. Bukod sa sinama sya ng papa nya..."

"Ano? Dali!"

"Nabuntis nya yung babae."

Napabitaw si mama sa yakap at napatayo. Nakatitig lang sya sa akin habang naghihintay sa sasabihin ko.

"Paano? Ha?"

"Ma, maupo ka." Nakahawak ako sa braso ni mama at nakatingin lang sya sa akin. Ayaw nyang paawat kaya nagsalita ako. "Nag-inuman sila sa bar. Akala nila purolalaki, biglang dumating yung babae kung kailan nalasing si Dave. Nun lang daw nya naranasang malasing nang ganun kalala. Tapos ayun, nagising syang katabi nya yung babae. Akala nya raw ako yun."

Masakit alalahanin ang pangyayaring yun. Ganun pa rin kasakit mula sa unang beses na nalaman ko. Pinipigilan ko nalang ang luhang babagsak dapat sa mata ko.

"Nak.." Agad akong niyakap ni mama nang mag-umpisa akong humikbi. "Nandito pa ako. Alam kong masakit."

"Ayos lang po ma."

"Pero bakit tinuloy nyo pa rin kahit na ganun ang sitwasyon?"

"Mahal po namin yung isa't isa. Tsaka ma, babalik sya sure ako."

"Gusto kong kausapin si Dave."

"Ma, ayos lang."

"Hindi! Kailangan ko syang makausap!"

"Ma, wag na po."

"Oh sige, sasabihin ko nalang sa papa mo--"

"Ma." Inabot ko sa kanya ang cellphone ko at nakatingin sya nang seryoso sa akin. "Humanda sa akin si Dave."

•••••

Put a finger down if you have a mother like Tasha's. Tagal ng update. Wanna know why? Nanonood ako ng anime tsaka nagmomodule. Sabaw to diba? Bawi ako sa susunod.

Vomment
Support
Follow

10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now