Chapter 32

86.2K 1.5K 213
                                    

Angiela

"Tita, una na po ako." Tumayo na ako at ngumiti kay tita. Pero imbes na si tita ang sumagot ay biglang sumabat itong si Jasper. Urgh.

"Why? You haven't introduce yourself to me." Inosenteng sabi ni Jasper na nagpaikot sa mata ko. Aba't talaga naman..

"Oo nga naman iha. I want to introduce my baby boy to you!" Nakangiting sabi niya.

"Mom!" Saway ni Jasper sa mama niya pero pinalo lang siya nito. Huh! Buti nga sayo!

"Don't deny it!" Humarap siya saakin at ngumiti. "Iha, this is jasper. My youngest. Baby, this is Angiela. Angiela Sebastian." Pakilala niya saamin. Kung alam niya lang kung gaano ko kakilala ang anak niya..

"Angiela, huh." Tumango tango pa siya habang nakatitig lang saakin. Maya maya ngumiti siya na nagpatigil saakin, "Angel, suits you."

Napatingin lang ako sakanya. Hindi ako kumibo. Damn! Bakit ba hindi niya nasesense na ayoko siyang kausap and for our sake! He's bringing up the past!

Umiwas na lang ako ng tingin sakanya. Pinabayaan ko na. Ayokong mag padala nanaman sa mga moves niya. In his face!

**

Napatigil ako sa harapan ng pintuan ng apartment ko ng may makita akong letter na nakadikit sa pintuan.

[Open this the moment you read this]

Kinuha ko yun at nagtatakang binuksan.

Wag ka na sanang magalit. :)

Napakunot noo ako sa nabasa. Ano to? Tsk. Sino naman nagpadala nito? Wrong room ata ang nalagyan niya.

Kinuha ko na yung susi ko sa bag at binuksan yung kwarto ko. Grabeh. Hindi ko na maramdaman ang paa ko. Kasi naman hanggang sa mag alas dose ng hapon ay nakipag usap lang ako kay tita elizandra tapos ang nakakainis dun eh titig lang ng titig saakin si jasper! Urgh! Hindi niya ba alam na ang sarap niyang sapakin?! Tsk.

Tapos papauwi na sana ako ng tawagan ako ni Mr. Pitrakis dahil may importante daw siyang sasabihin.

Tatanggi na sana ako kanina sa sinabi niya pero natandaan kong "Act like a professional one." Hayst. Kasi naman! Gusto niyang sasabay ako kay Jasper sa Monday dahil hindi ko daw kayang i drive ang pupuntahan namin lalo pa't wala akong dalang driver para ipag drive ako kaya labag sa loob na pumayag ako.

Kung kelan ayaw mong makita, saka magpapakita! Araw araw pa! Aish!

Ano ba kasi ang pupuntahan namin? Bundok? Langit? Tsk. Kaasar!

Binuksan ko yung pintuan ng Apartment ko at pumasok. Inalis ko yung sapatos ko at ganun na lang ang gulat ko ng may sunod sunod na tumunog, at hindi ako nagkakamaling, iPhone ang tunog na yun!

Napalingon ako sa pinanggalingan ng phone at napamaang ako sa nakita.

What. the.

Ano to?! Sinong may pakana nito?! For pete's sake! Halos mapuno ang kwarto ko sa dami ng iPhone 6+! Sa kama, sa sahig, sa table, sa taas ng tv! Kahit saan mo idapo ang mata mo, iPhone 6+ ang makikita mo.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Did Jasper did this? Sa pangalawang beses, tumunog ulit lahat ng iPhone kaya napatingin ako sa paahan ko at kinuha ang isang iPhone. Binuksan ko yung isang message at napamaang na lang ako sa nabasa.

From: Jasper Gwapo /My hubby

You know i don't break promises. ;) It's only 10,000+ iPhones. Hindi na magkasya kaya pinadala ko na yung iba sa manila.

Good Night Angel <3 sleep well.

**

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon